Rayver Cruz, nangakong itatapon na ang mga gaming gadgets para kay Julie Anne San Jose

PHOTOS: @rayvercruz on Instagram
Imbes na warning, hiling ang namutawi sa mga labi ni Geneva Cruz ukol sa pinsang si Rayver Cruz at sa napapabalitang girlfriend nitong si Julie Anna San Jose. Ani Geneva: “We cannot wait na magkaroon kami ng pamangkin. Excited na kami. Diretso na ’yon, sana maging kayo na talaga.”
Isa-isang nagbigay ng “warning” kay Julie Anne San Jose ang mga ka-pamilya ni Rayver Cruz. Naganap ito sa advanced birthday celebration ng binata last July 17 sa All-Out Sundays (AOS) ng GMA.
Present kasi sa nasabing birthday celebration niya sa AOS ang brother niyang si Rodjun Cruz, sister-in-law na si Dianne Medina, at ang pinsan nilang sina Sunshine at Geneva Cruz.
Matapos ang kanilang song-and-dance number ay naka-corner ng Cruz family at iba pang AOS performers si Rayver. Dito na natanong ni Christian Bautista ang mga kamag-anak ng aktor kung ano ba ang p’wede nilang i-warning kay Julie Anne San Jose, na napapabalitang girlfriend na ni Rayver, tungkol sa aktor.
Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Rodjun at diretsahan nang in-address ang nali-link ngayon sa kapatid n’ya na si Julie Anne.
(Bagama’t wala pa kasing direktang pag-amin mula sa dalawa kung sila na ba ay madalas naman silang mag-upload ng videos sa social media kung saan makikita silang sweet na magkasama.)
“Julie, alam mo, kailangan si Ray, bigyan mo ’yan ng time sa [online] gaming n’ya,” natatawang babala ni Rodjun.
“Kasi pag nagko-computer ’yan, may sariling mundo ’yan. Kahit tumatawag ako hindi ako pinapansin n’yan. Busy s’ya maglaro,” dagdag pa n’ya.
Natatawang salag naman ni Rayver sa sinabi ng kuya n’ya: “Hindi, itatapon ko na ’yon. Itatapon ko na ’yon.”
Napa-wow tuloy lahat ng mga kasamahan nila sa show.
Halos kapareho naman sa warning ni Rodjun ang ibinigay ng misis nitong si Dianne sa multi-talented Kapuso singer-actress.
“Julie, extra patience for Ray. Bakit? Pag ka-text mo si Rayver ang tagal mag-reply minsan so kailangan pasensya para mag-reply. May ganu’n kasi si Rayver, kapag kunwari into games na s’ya minsan matagal s’ya mag-reply,” panlalaglag ni Dianne sa kanyang bayaw.
Hirit tuloy ni Christian sa actor, “Medyo strike two na ang gaming, Ray, ah.”
Natatawang sagot muli ni Rayver, “Hindi, itatapon ko na talaga. Itatapon ko na ’yon.”
Si Sunshine naman, na proud na sa kanya daw ipinaglihi si Rayver, sinabi niyang kailangan daw mahusay magsaing ng kanin ang makakatuluyan ng aktor.
“Ang aking maia-advice sa kanyang magiging forever, kailangan marunong magsaing. Kasi si Rayver kaya n’ya hanggang seven cups of rice. So, dapat marunong magsaing ng masarap na kanin,” lahad ng seasoned actress.
Naging direct to the point naman si Geneva at sinabing gusto na n’yang magkaroon ng pamangkin mula sa pinsan n’yang actor-dancer.
“Ang warning lang para kay Julie, ito diretso… dahil Cruz si Rayver, maghanda ka na. We cannot wait na magkaroon kami ng pamangkin. Excited na kami. Diretso na ’yon, sana maging kayo na talaga,” diretsahang sabi n’ya.
Puro halakhak naman ang isinagot ni Julie Anne sa mga warning na natanggap n’ya.
Matatandaan na noong birthday n’ya nitong nakalipas na Mayo ay nagtapat si Rayver at sinabing maghihintay ito hanggang sa maging ready s’ya na muling pumasok sa relasyon.
“Happy, happy birthday, Juls. Ang gusto ko lang sabihin, nandidito lang ako. Maghihintay ako kahit gaano katagal. Kapag ready ka na, at kapag okey na kay tito at kay tita. Palagi lang ako nandito. Mahal kita. Happy birthday,” pahayag ni Rayver that time na kinakiligan ng lahat ng mga nakasaksi sa tagpong iyon.
YOU MAY ALSO LIKE:
Regine Velasquez, may bilin kay Rayver Cruz tungkol kay Julie Anne San Jose
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Comments
Post a Comment