Pokwang, sinagot ang tanong kung sino ang mas magaling sa kanila ni Ai-Ai delas Alas


Diin ni Pokwang, hindi nila maaabot ni Ai-Ai delas Alas ang mga narating nila sa showbiz kung hindi sila kapwa may taglay na galing. “Magiging Ai-Ai ba siya kung hindi siya magaling? Magiging Pokwang ba ako kung wala rin akong alam, ’di ba? ‘Di ba po? Ganu’n ’yorn?”

PHOTOS: @itspokwang27 & @msaiaidelasalas on Instagram

Diin ni Pokwang, hindi nila maaabot ni Ai-Ai delas Alas ang mga narating nila sa showbiz kung hindi sila kapwa may taglay na galing. “Magiging Ai-Ai ba siya kung hindi siya magaling? Magiging Pokwang ba ako kung wala rin akong alam, ’di ba? ‘Di ba po? Ganu’n ’yorn?”

Matapos makumpara at maintriga nitong mga nakalipas na buwan, sinagot na ni Pokwang ang tanong kung sino ba ang mas magaling sa kanila ng fellow Kapuso comedienne n’yang si Ai-Ai delas Alas

Sa video’ng “Sarap, ‘Di Ba?: Real talk with Pokwang” na in-upload sa YouTube Channel ng GMA-7 nitong weekend game na sinagot ng komedyana ang tanong para tuldukan na ang isyu sa pagitan nila ni Ai-Ai.

Naku kayo mga Marites, mga chikadora kayo ha. Iniintriga niyo kami ni Ms. Ai-Ai,” agad na reak ni Pokwang sa tanong. 

Kasunod nito ang kanyang sagot kung saan sinabi n’yang may kanya-kanya silang husay at talento. 

Magaling si Ms. Ai-Ai kaya nga siya Comedy Queen, ’di ba? Alam niyo na ’yan,” pahayag n’ya. 

Meron kaming kanya-kanyang katangian na nagugustuhan ng aming mga followers, na ikinatutuwa naman namin. Ganu’n ’yorn,” pa-beking saad pa n’ya.  

Pagdidiin pa ni Mamang, hindi nila maaabot ang narating nila sa showbiz kung hindi sila magaling.

Magiging Ai-Ai ba siya kung hindi siya magaling? Magiging Pokwang ba ako kung wala rin akong alam, ’di ba? ‘Di ba po? Ganu’n ’yorn?” muling pa-beking sagot n’ya. 

Matatandaan na naikumpara ang dalawang Kapuso comediennes dahil sa pahayag ng actor-singer na si Audie Gemora.

Sinabi kasi ni Audie sa kanyang tweet last April 8 na higit na nakakatawa at matalino si Pokwang kesa kay Ai-Ai. 

“I always thought Pokwang funnier, more intelligent than Ai2” say ni Audie sa kanyang Twitter post.

Pulitika ang itinuturong dahilan ng netizens sa pagkukumparang ito ni Audie dahil pareho silang Kakampink ni Pokwang habang UniTeam supporter naman si Ai-Ai. 

Sa media conference ng kanyang soap opera na Raising Mamay noong April din ay nahingan na ng reaksyon si Ai-Ai tungkol sa sinabi ni Audie. 

Imbes na mag-dwell sa issue, mas pinili daw n’yang ituon ang kanyang atensyon sa mga blessings n’ya sa buhay. 

Sabi ko talaga, ‘Lord, paano ko ba sasagutin ito nang bukal sa puso ko talaga?’ Kasi napaka-blessed na blessed na ako, e,” saad ni Ai-Ai that time.

Una, may trabaho ako. May Raising Mamay ako. Wala akong sakit. Hindi ako nagka-Covid. Ang mga anak ko, walang sakit. May asawa akong mapagmahal. Kumbaga, napakarami kong blessings, and I hope, siya [Audie] din,” positibong patuloy ni Ai-Ai.

“I wish him well, and sana maging marami rin s’yang blessings para makita niya ang kagandahan ng bawat isa sa atin,” pagtatapos ni Ai-Ai.

YOU MAY ALSO LIKE:

Kakampink Pokwang at UniTeam supporter Andrew E., aksidenteng nagkita sa Boracay; “Sa bandang huli, respect.”

Pokwang at Lee O’Brian, pitong buwan nang hiwalay; maayos ang co-parenting setup kay Malia

Pokwang ngayong single parent na muli s’ya: “Hindi karma ang natapos na pagmamahalan.”

Twelve-year-old wish ni Kuya Kim Atienza na maka-trabaho si Pokwang, natupad na!

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Claire Castro, rumesbak sa “bastos” na basher ng sister niyang si Raffa

Jean Garcia, naiyak sa heartwarming birthday greeting ng anak niyang si Jennica

Love at the End of the World star Nico Locco signs up with the Viva Artists Agency