PJ Abellana, gusto pa ring magkaayos ang anak niyang si Carla at estranged husband nitong si Tom Rodriguez


As a father, hangad pa rin umano ni Rey “PJ” Abellana na magkasundong muli ang anak niyang si Carla Abellana at Tom Rodriguez despite of the different issues na nagsilabasan sa pagitan nila na hanggang ngayon ay wala pa ring linaw.  “Bilang ama, from the very start to the present, gusto kong magkaayos sana sila dahil umabot sa point na nagpakasal na ‘yung dalawa. Iba na ’yung level na ’yun na agad-agad masisira lang. May vows yan eh.”

PHOTOS: imdb.com & @tomcarworldwide on Instagram

As a father, hangad pa rin umano ni Rey “PJ” Abellana na magkasundong muli ang anak niyang si Carla Abellana at Tom Rodriguez despite of the different issues na nagsilabasan sa pagitan nila na hanggang ngayon ay wala pa ring linaw.  “Bilang ama, from the very start to the present, gusto kong magkaayos sana sila dahil umabot sa point na nagpakasal na ‘yung dalawa. Iba na ’yung level na ’yun na agad-agad masisira lang. May vows yan eh.”

Umaasa pa rin pala hanggang ngayon ang aktor na si PJ Abellana na magkakaayos ang anak n’yang si Carla Abellana at estranged husband nitong si Tom Rodriguez.

Sinabi n’ya iyan sa interview n’ya with comedian-vlogger and talent manager na si Ogie Diaz na ipinalabas sa vlog nito with Mama Loi and Mrena nitong July 22. 

Um-attend kasi sa celebrity screening ng kinabibilangan n’yang romantic comedy film na PaThirsty si PJ nang ma-corner s’ya ni Ogie sa holding area at doon na nga s’ya natanong tungkol sa isyu na kinasasangkutan ng daughter n’ya at son-in-law. 

Nagpa-unlak naman ng maikling panayam ang aktor at ayon sa kanya  hanggang ngayon ay hindi pa umano sila nakakapag-usap ng anak n’yang si Carla. 

Hangang ngayon hindi pa rin nag-o-open up kasi ang anak ko sa akin kaya hindi pa rin ako klarong kasagutan sa mga tanong diyan,” lahad ni PJ.

Pero as a father, hangad umano n’ya na magkasundong muli ang dalawa despite of the different issues na nagsilabasan sa pagitan nila na hanggang ngayon ay wala pa ring linaw. 

Bilang ama, from the very start to the present, gusto kong magkaayos sana sila dahil umabot sa point na nagpakasal na ‘yung dalawa. Iba na ’yong level na ’yun na agad-agad masisira lang. May vows ’yan, e,” saad pa ni PJ.

Pagpapatuloy pa n’ya, anak na rin daw ang turing n’ya kay Tom at wala s’yang ibang hangad bilang magulang kundi ang maging buo muli ang TomCar couple. 

Kasi ang lumalabas, pareho ko nang anak ’yan, e. Nagpakasal ’yong dalawa so pareho ko ng mga anak ’yan, pati si Tom. Ano pa ba ’yong hihilingin ng magulang kundi intact [na pagsasama]. Kaya lang sa bagay na ’yon sila pa rin ang may huling desisyon, e,” patuloy niya.

Na-open pa sa tsikahan na isa umano ang issue ng pambababae ni Tom sa naging ugat ng hiwalayan. Hindi umano ito matanggap ni Carla. Iyon daw kasi ang pinaka-warning ng aktres kay Tom noon dahil ayaw n’yang matulad ang pagsasama nila sa nangyari sa mga magulang n’ya. 

Aminado naman ang aktor na dumaan s’ya sa ganoong yugto ng buhay dala umano ng kanyang kabataan. 

Lahat tayo dumadaan sa ganyan, I suppose. Dahil sa batang pag-iisip, batang desisyon, bata lahat… pang-uunawa, bagay-bagay. Pag bata ka pa, bata lahat. Chain reaction na ’yan,” paliwanag naman ni Rey. 

“Very unstable ’yong mga desisyon natin noon nu’ng kabataan, nu’ng mga bata pa tayo. Kaya nga ang kasabihan, palaging makinig sa mga magulang o sa mga nakakatanda.

At kung may katotohanan nga ang issue na babaero si Tom, hindi na nagpaka-showbiz pa si PJ at sinabing nauunawaan n’ya ito dahil dumaan nga daw s’ya sa ganu’n. 

Naiintindihan ko ’yan kasi medyo nadaanan ko rin ’yan, so automatic na naiintindihan ko rin ’yan,” pag-amin n’ya. 

Pero supposedly, ang pambababae kasi, as much as possible, nilalagay din dapat sa lugar. Dahil in some instances, ’yong mga bagay na ganyan, nagiging kritikal ’yan minsan na nakakasaira, nakakasakit ng ibang tao, at nakakasira ng tao mismo,” he went on. 

May mga namamatay nga d’yan dahil d’yan. Kaya ganu’n ka-intense ’yang sitwasyon na ’yan na dapat pinag-iingatan din.

Sa huli, umaasa pa rin s’yang mare-realize nina Carla at Tom ang naging pangako nila sa harap ng altar at muling maayos ang kanilang marriage. 

May promises na ’yan, may vows na ’yan, e. Dapat i-prioritize nila ’yon,” pagtatapos n’ya. 

Matatandaang tumagal ng pitong taon bilang magkasintahan sina Carla at Tom, at nagpakasal sila noong October 2021. 

Umugong naman ang balitang naghiwalay na sila pagsapit ng January 2022 matapos mapansin ng netizens na hindi na nila pina-follow ang account ng isa’t isa sa Instagram.
 

YOU MAY ALSO LIKE:

Hiwalayang Tom Rodriguez at Carla Abellana, sa isang mahiwagang text lang nga ba nagsimula?

Tom Rodriguez, kinumpirmang diborsyado na sila ni Carla Abellana; nilinaw din na hindi niya ito pinisikal

Rey PJ Abellana, hindi naniniwala sa term na “laos”

Rey PJ Abellana, ready nang magka-apo sa anak na si Carla

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Claire Castro, rumesbak sa “bastos” na basher ng sister niyang si Raffa

Jean Garcia, naiyak sa heartwarming birthday greeting ng anak niyang si Jennica

Love at the End of the World star Nico Locco signs up with the Viva Artists Agency