Paolo Ballesteros, may hirit sa pagpapapayat ni Allan K

May nakakaaliw na hirit si Dabarkads Paolo Ballesteros sa pagpapayat ng fellow Eat Bulaga! co-host n’ya na si Allan K.

Nag-post kasi itong si Allan ng short video sa Instagram noong July 26 kung saan makikitang nag-e-exercise s’ya sakay ng air walker. 

“Papayat daw ako dito. Totoo ba?” tanong pa ng stand-up comedian-entrepreneur sa kanyang caption.

Nagpakita naman ng suporta sa kanya ang kasama n’ya sa Eat Bulaga! na sina Maja Salvador, pati na rin ang aktor na sina Rodjun Cruz at Jay Gonzaga, at beauty queen-actress na si MJ Lastimosa.

Hindi naman nawala ang mga buraot sa comment section sa pangunguna ng kaibigan at Eat Bulaga! co-host din ni Allan na si Pauleen Luna na nagsabing mas inuuna pa raw kasi ni Allan ang arte kesa sa pag-e-exercise. 

“Nauuna arte eh!!!” kantiyaw sa kanya ni Pauleen. 

Saad naman ang athlete-turned-actor na si John Vic de Guzman, “Yes kuya mga 2 days na walang tigil HAha eme.”

Sita naman sa kanya ni Andrew Gan: “Ang bagal! Bilisan mo konti.”

S’yempre, hindi mawawala ang nakakatawang hirit ni Paolo sa fitness journey na ito ni Allan. 

Sabi n’ya: “Papayat ka kakapacute sa mga nagbabasketball.”

SCREENSHOT: @allan_klownz on Instagram
SCREENSHOT: @allan_klownz on Instagram
SCREENSHOT: @allan_klownz on Instagram

Maraming netizens tuloy ang natawa sa komentong ito ni Paolo. 

Sa ngayon ay meron ng mahigit 58K views ang nakakaaliw na video ng pag-e-exercise ni Allan.

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika’s Pick: Paolo Ballesteros gets introduced as the host of Drag Race PH

Allan K receives mixed reactions over his take on suicide during an episode of Eat Bulaga

Allan K, ipinasilip ang bagong bahay na may sariling “cofe”; binidang “plantita” na din

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Jean Garcia, naiyak sa heartwarming birthday greeting ng anak niyang si Jennica

Zeinab Harake and Wilbert Ross together again in new music video

Claire Castro, rumesbak sa “bastos” na basher ng sister niyang si Raffa