KaladKaren, kinaaliwan sa “live report” niya habang may nagkakagulo sa isang bar sa Quezon City


Naaliw ang netizens sa “live report”na ginawa ni KaladKaren Davila habang nagkakagulo sa pinuntahan nilang bar. “Kapag may inuman, may bugbugan,” sabi pa n’ya na tila hinugot n’ya sa business public service program ni Karen Davila na “May Puhunan.”

PHOTO: @kaladkaren on Instagram & @kaladkaren on TikTok

Naaliw ang netizens sa “live report”na ginawa ni KaladKaren Davila habang nagkakagulo sa pinuntahan nilang bar. “Kapag may inuman, may bugbugan,” sabi pa n’ya na tila hinugot n’ya sa business public service program ni Karen Davila na “May Puhunan.”

Kinaaliwan ng mga netizens ang TikTok video ng TV and online personality na si KaladKaren Davila, kung saan umasta s’yang nagla-live report ng isang insidente.

Sa nasabing video kasi na in-upload n’ya last July 17, makikitang nagkaroon ng kaguluhan sa bar na pinuntahan nila nina Dabarkad Allan K sa Quezon City.

Dito umiral ang panggagaya n’ya sa idolo n’yang si ABS-CBN reporter Karen Davila at mistulang nag-live report siya sa nangyayari. 

Kasalukuyan pong nagkakaroon ng gulo dito sa isang bar sa Quezon City kung saan ang lasing ay nag-aaway-away po. Ayan po sila,” lahad n’ya sa selfie video at ipinasilip ang mga customer na nagsisigawan sa di-kalayuan.

Kapag may inuman, may bugbugan,” sabi pa n’ya na tila hinugot pa n’ya sa business public service program ni Karen Davila na “May Puhunan.”

S’yempre, hindi rin nawala sa eksena si Allan K.

“Allan K, pasok,” sey pa ni KaladKaren na animo’y anchor sa isang news program.

Ito na nga. Nakakaloka…may nagkakagulo,” natatawang sakay naman ng Eat Bulaga co-host sa paandar ng kaibigan. 

Pagpapatuloy pa ni KaladKaren sa kanyang report, “Medyo nagkakabatuhan na po ng bote. Hindi po naming alam kung anong pumasok sa kanilang kokote at uminit ang mga ulo ng mga parokyano ng isang bar dito sa Quezon City.”

Humiling din s’ya na sana ay maayos ng magkabilang panig ang kanilang hindi pagkakaintindihan. 

Dasal po namin na maging maayos ang sigalot na ito at bukas, pagkagising nila with hangover ay maging payapa po ang kanilang buhay,” she said.

Ako po si Kaladkaren Davila at ito ang… may inuman,” pag-e-extro n’ya.

Umani ng positibong reaksyon mula sa netizens ang paandar na TikTok video’ng ito ni KaladKaren na as of this writing ay meron ng mahigit 20.5K heart reactions and more than 158.8K views.

YOU MAY ALSO LIKE:

KaladKaren happily engaged to British boyfriend

Karen Davila recalls how son was rushed to the ER due to seizure

Karen Davila, nilinaw na wala silang iringan ni Korina Sanchez

Karen Davila, relate kay Bea Alonzo kaya may pakiusap sa mga bashers nito: “Let us be slow in casting judgment over a person’s decision to leave… Lahat naman po tayo kailangang magtrabaho.”

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Claire Castro, rumesbak sa “bastos” na basher ng sister niyang si Raffa

Jean Garcia, naiyak sa heartwarming birthday greeting ng anak niyang si Jennica

Love at the End of the World star Nico Locco signs up with the Viva Artists Agency