Juancho Triviño and Joyce Pring, gusto nang sundan si Baby Eliam: “…pinagpe-pray na namin.”
-feature.jpg?v=1658375521)
PHOTO: @juanchotrivino on Instagram
Sa Instagram post ni Juancho kahapon, July 20, nagpahiwatig s’ya na nasa plano na nila ng misis n’yang si Joyce na bumuo ng isa pang anak.
Mukhang nagbabalak na ang Kapuso couple na sina Juancho Triviño and Joyce Pring na sundan ang Baby No. 1 nilang si Alonso Eliam.
Sa Instagram post ni Juancho kahapon, July 20, nagpahiwatig s’ya na nasa plano na nila ng misis n’yang si Joyce na bumuo ng isa pang anak.
“Convo namin ni Eliam kahapon, ‘Eliam, kung gusto mo ng kapatid you have to sleep earlier ha,” pilyong pagbabahagi ng actor-TV host sa kanyang IG post sa naging usapan umano nila ng one-year-old son nila.
Kalakip nito ang photo nila ni Joyce na kinunan noong nagbakasyon sila sa Boracay.
Agad na paglilinaw n’ya, hindi pa sila nakakabuo sa ngayon at nasa pagpaplano pa ang lahat.
“Ops teka, wala pa kami dun, nasa practicing stage palang kami, training camp if you will, pero pinag ppray na namin,” pagtatapos ni Juancho.
Ikina-excite naman ng kanilang fans ang anunsyong ito ng aktor.
May nagsabi pa na sana ay makabuo kaagad sila habang hiling naman ng isa ay baby girl sana this time ang maging anak nila.
Matatandaang ikinasal sina Juancho at Joyce noong February 2020 at kaagad silang biniyayaan ng anak.
Isinilang ng Kapuso TV and online host ang kanilang Baby No. 1, si Eliam, noong July 2, 2021.
YOU MAY ALSO LIKE:
8 things we love about the Joyce Pring-Juancho Trivino wedding!
IN PHOTOS: Joyce Pring shares details of her overall wedding look!
Pika’s Pick: Joyce Pring and Juancho Trivino welcome their Baby No. 1, Alonso Eliam!
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Comments
Post a Comment