Direk Darryl Yap at Cong. Rowena Guanzon, nagsimula nang magpatutsadahan?

PHOTOS: @ YouthAndPower2016 on Facebook & @attyrowenaguanzon on Instagram
Tila nakarating na sa self-proclaimed “Queen of Bardagulan” na si Cong. Rowena Guanzon ang naging payo ng direktor na si Darryl Yap sa Maid In Malacañang star niyang si Ruffa Gutierrez. Bahagi ng mensahe ni Darryl kay Ruffa reads: “Niresearch ko na, dati syang taga-Comelec, She is an Old Lady, maybe stressed sya and alone, wag ka na lang sumagot. Sandali na lang ang buhay ng matatanda, kung dyan sya masaya, wag natin basagin ang trip nya.” Bagama’t wala ring binagggit na pangalan, agad na lumutang ang pangalang Guanzon among the netizens na siya umanong pinatatamaan ng batang direktor.
Mukhang nagsimula na ang online feud sa pagitan ng writer-director and content creator na si Darryl Yap at ni former COMELEC commissioner and now Congresswoman Rowena Guanzon.
Matapos ang pangba-blind item ni Atty. Guanzon kay Ruffa tungkol sa pagpapalayas umano ng aktres sa dalawa nitong kasambahay nang walang sweldo – na pinasinungalingan naman ni Ruffa at ng kanyang abogado – ay mukhang si Direk Darryl Yap naman ang pinahagingan n’ya.
Tila nakarating sa self-proclaimed “Queen of Bardagulan” ang naging payo ng direktor kay Ruffa.
Ipinost ng Facebook page na VinCentiments kahapon, July 11, ang screenshot photo ng mensahe ni Direk Darryl sa aktres kung saan niyaya n’ya itong gumawa ng video content para sa sagutin ang umano’y paratang dito.
“Hi Ruffa, Good Morning… I know you are on your way to It’s Showtime, just know that I am here, we are all here… let’s make a content about it, sana may free time pa tayo,” saad ni Direk Darryl sa kanyang message.
May patama rin s’ya sa dating COMELEC commissioner na bagama’t hindi n’ya pinangalanan ay ipinagpapalagay ng netizens na si Cong. Guanzon ang tinutukoy n’ya.
“Niresearch ko na, dati syang taga-Comelec, She is an Old Lady, maybe stressed sya and alone, wag ka na lang sumagot. Sandali na lang ang buhay ng matatanda, kung dyan sya masaya, wag natin basagin ang trip nya,” maanghang na patutsada n’ya.
Tila may sagot naman dito ang kongresista kung saan may simpleng patama rin s’ya sa direktor.
“Naresearch ko din, naka pdf file pa,” say ni Guanzon sa kanyang Facebook post.
Ayon sa netizens na nagsipagkomento sa nasabing post, para umano kay Direk Darryl ito at ang “pdf file” na nakasaad doon ay kasing tunog ng “pedophile,” isang issue na paulit-ulit nang naibato kay Direk Darryl ng kanyang bashers na halaw umano sa mga luma n’yang tweets.
Sa kanyang panibagong tweet ay muling bumira si Cong. Guanzon. Without naming names, she said: “Yoi [sic] can call me Bruneiyuki or a whore , bitch, but if u call me damatands I will call u a pedophile. #Bardagulan”
Yoi can call me Bruneiyuki or a whore , bitch, but if u call me damatands I will call u a pedophile. #Bardagulan
— Rowena Guanzon (@rowena_guanzon) July 12, 2022
Ang once again, ipinagpapalagaya ng netizens na si Direk Darryl at si Ruffa, na minsang naugnay sa Bruneiyuki issue, ang indirectly’ng pinatatamaan ng lady kongresista.
Nauna nang nagbanta si Guanzon noong July 9 kay Ruffa na kapag hindi umano s’ya nito tinawag nito na “Congresswoman” ay may itatawag din siyang iba sa aktres.
“That Ruffa Gutierrez must learn to say “Congresswoman”. Hahaha ! You call me cong or I will call u something else. Sige ka #Bardagulan,” pahayag n’ya sa kanyang Twitter post.
Kasunod nito, bumuwelta naman ang mommy ni Ruffa na si Tita Annabelle Rama. Wala man itong tinukoy na pangalan, pakiramdam ng netizens ay para ito kay Atty. Guanzon.
“Hoy Day!! Pwede ba HUWAG ka maging chismosang marites?? Kung mag kwento ka akala mo CCTV ka ni Ruffa!! Mind your own business!! Ayusin mo Nalang kaso mo. Baka gusto mong mapasali sa MAID IN MALACAÑANG kaya ka nagpapapansin??” patutsada ng dating aktres.
Tila sagot naman dito ng congresswoman, “Wait lang dayy!!”
Nag-post rin s’ya sa Twitter na tila sagot din n’ya sa sinabi ni Annabelle na nagpapapansin s’ya para mapasali sa pelikulang Maid in Malacanang.
“I am an elected official, not a two bit actor. hindi pa ako laos. Call me a whore but never call me damatands.#Bardagulan,” ani Guanzon.
YOU MAY ALSO LIKE:
Pika’s Pick: Darryl Yap reveals Sen. Robin Padilla is making a cameo in Maid in Malacañang
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Comments
Post a Comment