Celebrity friends ni Yassi Pressman, kinilig sa pagsasa-publiko niya ng relasyon kay Jon Semira


Last July 14 nang unang magbigay ng hint si Yassi about Jon by uploading a series of photos sa Instagram nang mag-celebrate s’ya ng Bastille Day kasama ang iba pang Pinoy sa Paris, France. Kabilang sa in-upload n’ya ang photo nila ni Jon with their arms around each other habang nakatanaw sa Eiffel Tower.

PHOTOS: @yassipressman on Instagram

Last July 14 nang unang magbigay ng hint si Yassi about Jon by uploading a series of photos sa Instagram nang mag-celebrate s’ya ng Bastille Day kasama ang iba pang Pinoy sa Paris, France. Kabilang sa in-upload n’ya ang photo nila ni Jon with their arms around each other habang nakatanaw sa Eiffel Tower.

Inilantad na ni Yasi Pressman ang identity ng lalaking nagpapasaya sa kanyang puso at itinaon niya ito sa mismong birthday nito.

Sa kanyang Instagram kahapon, July 21, nag-post ang multi-hyphenate celebrity ng black and white photo kung saan makikitang naka-halik s’ya sa pisngi ng isang guy. Base pa sa geo tag ng photo, kinunan ito sa Amsterdam, Netherlands. 

Bagama’t hindi kita ang mukha ng lalaki sa nasabing photo, naka-tag naman ito kaya nakilala itong si Jon Semira, isang Filipino-Canadian basketball player and businessman.

“HBD,” saad ni Yassi sa inilagay n’yang caption sa IG post. “[S]o happy with where life has brought us, so lucky to have you calm my anxieties, hold my hand, push me to become better & empower me.”

Dagdag pa n’ya, “I promise to keep giving u surprise cheek kisses at random times of the day even when u think i’m kulit.”

Ikinatuwa at ikinakilig naman ng mga kaibigan ni Yassi sa showbiz ang subtle revelation niyang ito. At base sa mga padalang greetings at heart emojis ng gaya nina Iza Calzado, Alex Gonzaga, Liza Soberano, Tim Yap, Rachell Ann Go, Marco Gumabao, Donnalyn Bartolome, at iba pa, ay tila privy sila sa mga ganap ng dalawa. Ang iba sa kanila ay tila kakilala rin ni Jon dahil direktang nakiki-bati sila ng happy birthday dito.

SCREENSHOT: @yassipressman on Instagram
SCREENSHOT: @yassipressman on Instagram
SCREENSHOT: @yassipressman on Instagram
SCREENSHOT: @yassipressman on Instagram

Last July 14 nang unang magbigay ng hint si Yassi about Jon by uploading a series of photos sa Instagram nang mag-celebrate s’ya ng Bastille Day kasama ang iba pang Pinoy sa Paris, France. Kabilang sa in-upload n’ya ang photo nila ni Jon with their arms around each other habang nakatanaw sa Eiffel Tower. 

Matatandaan na tumanggi muna ang actress-dancer and game show host na magdetalye tungkol sa kanyang love life during the media conference ng Rolling In It Philippines Season 2 last May. 

Kinumusta kasi ng entertainment press ang puso n’ya at kung masaya ba ito sa ngayon. 

“Super happy… Rolling in it sa joy. Rolling in it sa happiness,” nakangiting sagot n’ya.

At nang mahingan na s’ya ng clue kung sino ito, natatawang biro n’ya: “’Yong clue po sa next season ng Rolling In It Philippines. Abangan n’yo po. Hahaha!”

We’re happy for you, Yassi!

YOU MAY ALSO LIKE:

Yassi Pressman, seryoso sa pagiging negosyante

Yassi Pressman, excited para kay Julia Montes bilang “huling pag-ibig” ni Coco Martin sa Ang Probinsyano

Nadine Lustre, nakipag-team up kina Yassi Pressman at Liza Soberano para isulong ang mental health

Yassi Pressman sa butt exposure ni JC Santos sa More Than Blue: “Never pa po akong nakakita nu’n sa co-actor ko. So, it was quite shocking.”

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Claire Castro, rumesbak sa “bastos” na basher ng sister niyang si Raffa

Jean Garcia, naiyak sa heartwarming birthday greeting ng anak niyang si Jennica

Love at the End of the World star Nico Locco signs up with the Viva Artists Agency