Xian Lim, pinasinungalingan ang haka-hakang kasal na sila ni Kim Chiu

PHOTOS: @xianlimm on Instagram
Sakali man daw na dumating na ang “big day” nilang iyon, mas gugustuhin daw muna ni Xian Lim at ng girlfriend na si Kim Chiu na ’wag na munang ipa-alam sa publiko. “Siguro if that time comes, siguro itatago muna namin. And then if we’re ready, we will announce it. Just like our relationship noong nagsisimula kami. We didn’t really tell people though may mga speculations.”
May plano daw si Xian Lim na isasa-pribado muna nila ng long-time girlfriend n’yang si Kim Chui kung one day ay magpasya na silang magpakasal.
Ibinahagi n’ya ang tungkol dito nang mag-guest s’ya sa recent podcast ni GMA reporter Nelson Canlas kung saan napag-usapan nila ang tungkol sa pagpapakasal.
Going strong naman kasi ang relasyon nila ni Kim at kapwa nasa right age na rin sila to settle down kaya natanong s’ya ni Nelson ng “Do you see yourself getting married soon?”
Pag-amin ng Kapamilya-turned-Kapuso actor, wala daw talaga sa plano pa nila ni Kim ang lumagay na sa tahimik.
“Nelson, the direct answer is I don’t see myself getting married soon. But ang dami kasing nagtatanong, ‘Xian, naniniwala ka ba sa idea ng marriage?’ Yes. Of course, I do,” pagpapaka-totoo ni Xian.
Tila naumay na daw s’ya sa tanong na ito dahil makailang ulit na rin s’yang kinulit ng press about this at wala pa daw talaga s’yang konkretong sagot. Hindi naman daw kasi dapat minamadali ang pagpapakasal.
“But itong topic na ito, marriage, I think, hindi s’ya minamadali. And I’m well aware sa mga nagtatanong, [they] really want to know kelan nga ba ang araw na ’yon,” saad n’ya.
Dinadaan na lang daw n’ya sa biro ang sagot n’ya dito.
“Ako, nilalaro ko na lang sometimes. Wala na akong masagot sa kanila. Nilalaro ko na lang talaga ang sagot ko. Sometimes I say, ‘Siguro mga 60 years old…70,’” natatawang sabi pa ng False Positive lead actor.
“Grabe naman ang 60 years old,” natatawang reak ni Nelson sa sinabi ni Xian.
Tugon naman ng aktor, “It’s because I’m just playing around with the answer. But I am… wala akong masagot.”
Hirit pa ng Kapuso showbiz reporter, baka daw kasi wala s’yang maibigay na sagot ay dahil may tsika na married na talaga sila ni Kim.
“Nakarating naman na sa’yo ’yong tsismis na kasal na raw kasi kayo? ‘Kaya hindi nagmamadali kasi kasal na sila,’” pang-iintriga ni Nelson.
“Ay, hindi po totoo ’yan. First time ko narinig,” salag naman ni Xian. “Kung ganu’n man, pag nangyari ’yon, we’re an open book. We also love talking about our relationship.
“Darating at darating tayo d’yan. Ako naman, one thing certain is seryoso akong tao. And mahal na mahal namin ang isa’t isa. ’Yon ’yong something that’s guaranteed.”
Very evident naman daw ’yon at kitang-kita naman sa mga ipino-post nila sa kani-kanilang social media accounts.
“It’s more of tingnan na lang siguro nila ’yong track record [namin]. Alam mo ’yon?” natatawang pagbibida pa ni Xian.
At kung sakali mang dumating daw ang big day nilang iyon, mas gugustuhin daw muna nilang itago ito sa publiko.
“Siguro if that time comes, siguro itatago muna namin. Maybe when that time comes… I don’t know. Siguro itatago muna namin,” aniya.
“And then if we’re ready we will announce it, just like our relationship noong nagsisimula kami. We didn’t really tell people though may mga speculations,” pagtatapos ni Xian.
YOU MAY ALSO LIKE:
Xian Lim at Glaiza de Castro, parehong hindi pa ready na magkaroon ng mini me
Glaiza de Castro, snub ang impression kay Xian Lim; Xian, intimidating naman ang tingin kay Glaiza
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Comments
Post a Comment