Vivamax top grosser Angeli Khang, nangangarap ding magka-wholesome movie


Hindi pala aware si Angeli Khang na sikat na siya. In fact, siya ang hinahanap ng mga tao kapag may mall shows at motorcade ang Vivamax Summer Caravan na dinadala nila sa iba’t-ibang parte ng Luzon. “Yes, I was told na hinahanap ako sa caravan, pero nakaka-pressure din. Kasi nahihiya ako, I don’t really know kung paano ako kikilos sa harap nila? Kakaway ba ako or what? Mahiyain kasi talaga ako,” natatawang tsika ng soft spoken na dalaga.”

Photos: Vivamax

Hindi pala aware si Angeli Khang na sikat na siya. In fact, siya ang hinahanap ng mga tao kapag may mall shows at motorcade ang Vivamax Summer Caravan na dinadala nila sa iba’t-ibang parte ng Luzon. “Yes, I was told na hinahanap ako sa caravan, pero nakaka-pressure din. Kasi nahihiya ako, I don’t really know kung paano ako kikilos sa harap nila? Kakaway ba ako or what? Mahiyain kasi talaga ako,” natatawang tsika ng soft spoken na dalaga.”

Ika-anim na pelikula na ni Angeli Khang ang Virgin Forest na mapapanood na sa June 24 sa Vivamax.

Sa special screening ng ika-lima niyang pelikulang Pusoy, natanong ang magandang K-Crush star kung sa tingin niya ay hanggang kailan siya magpapa-sexy. Marami kasi ang nakakapuna sa mahusay na pagganap niya sa mga proyekto niya at papasa na siyang isang dramatic actress talaga.

“I hope and pray na after ten movies, sana matigil na ang sexy films for me,” sambit ng half-Korean sexy star.

But as it is, tanggap naman umano niyang dito pa rin siya naka-linya at aware naman daw siya sa pinasok niya. Para sa kanya, trabaho ito at gagampanan niya by giving her 100%, ika nga.

“In-enjoy ko na lang ang paggawa ng sexy films dahil work ito at dito ako kumikita. Pero dito sa Virgin Forest, it is one of the best movies I made kasi malalim ang [kuwento ng] movie about illegal logging, environmental protection, and the exploitation of women at maganda ang direction ni Direk Brillante Mendoza,” pagbibida pa niya sa kasunod na proyekto.

“Pero sana nga, dumating du’n sa point na ako na mismo ang hahanapin ng mga tao at hindi ’yung paghuhubad lang,” dagdag niya. “Para magkaroon naman ako ng wholesome movie where I can show my potential in acting.”

Pero abut-abot ang pasalamat niya sa Viva bosses dahil binigyan siya ng chance para matupad ang pangarap niyang maging artista at gayun din sa manager niyang si Jojo Veloso.

Hindi rin naman nabigo ang Del Rosario family na bigyan ng pagkakataon si Angeli Khang dahil sa kasalukuyan ay isa siya sa money makers ng Vivamax. Halos lahat ng pelikula ni Angeli ay most viewed  sa nasabing app lalo na ang Silip sa Apoy kasama sina Sid Lucero, Jela Cuenca, at Paolo Gumabao.

In fact, si Angeli ng hinahanap ng mga tao kapag may mall shows at motorcade ang Vivamax Summer Caravan na dinadala nila sa iba’t-ibang parte ng Luzon.

“Yes, I was told na hinahanap ako sa caravan, pero nakaka-pressure din. Kasi nahihiya ako, I don’t really know kung paano ako kikilos sa harap nila? Kakaway ba ako or what? Mahiyain kasi talaga ako,” natatawang tsika ng soft spoken na dalaga.

“Sa premiere night lang, nahihiya ako na tinatawag nila ako, tapos ang daming nagpapa-picture.

“But I’m so delighted sa warm reception nila. Sobrang nakakatuwa, pero hindi pa talaga nagsi-sink in sa akin kapag sinasabing sikat na ako,” pahayag ni Angeli.

Samantala, tiyak na mas lalong magugustuhan ng male fans niya si Angeli sa Virgin Forest dahil matitindi ang mga sex scenes at may orgy waterfalls scene pa.

Ang kuwento ng Virgin Forest ni Direk Brillante ay biktima ng human trafficking ang karakter ni Angeli at ginawa siyang prostitute.

“My most memorable scene is the one with Markki Stroem na kinakawawa ako. Ni-rape kasi niya ako.”

Lagi na lang rape at physical violence victim ang role ni Angeli. 

“Yes, ’yun lagi ang role ko, e,” pag-acknowlege naman niya. “Kinakawawa. Sa Silip sa Apoy, si Sid Lucero ang nambugbog sa akin. Sa Pusoy, si Baron Geisler.

“Ngayon naman si Markki. Bago namin ginawa ang eksena, bonding- bonding muna kami, para mas makilala namin ang isa’t isa. In fairness, naitawid naman namin ’yung rape scene,” kuwento ng dalaga.

Kasama niya sa Virgin Forest sina Katrina Dovey, Micaella Raz, Rob Guinto, Vince Rillon, Markki Stroem, at Sid Lucero.

Mapapanood na ito sa Vivamax this coming June 24.

Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.

Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings. 

You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.

Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).

Meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, US, and Canada.

YOU MAY ALSO LIKE:

Angeli Khang, imbiyerna sa poser niyang ibinubugaw siya sa mga lalaki sa social media

Angeli Khang, nakaranas ng physical abuse mula sa kanyang Koreanong ama; naging coping mechanism ang mag-self injury

Tunay na buhay ni Angeli Khang, mas makulay at mas mapait pa kesa sa mga roles na ginagampanan niya

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Claire Castro, rumesbak sa “bastos” na basher ng sister niyang si Raffa

Jean Garcia, naiyak sa heartwarming birthday greeting ng anak niyang si Jennica

Love at the End of the World star Nico Locco signs up with the Viva Artists Agency