Tanya Ramos, proud na nakapasa sa audition ng Sparkle; isinikretong anak siya ni Wendell Ramos
![Kahit na anak ng artista at may idea na sa showbiz industry, hindi daw inisip ni Tanya Ramos na magkakaroon s’ya ng special treatment. “Nu’ng ako na po [ang pumasok sa showbiz], hindi po pala ganu’n. Marami ka pa pong kailangang gawin. Hindi n’yo po s’ya makukuha agad. Magsisimula ka po talaga sa baba,” saad n’ya.](https://pikapika.ph/storage/media/image/article/a2fe8c05877ec786290dd1450c3385cd/images/7d90ca24dfbc4ba4465647f0cd89c245/conversions/Tanya-feature.jpg?v=1656387005)
PHOTOS: @tanyasabelramos on Instagram & GMA Network
Kahit na anak ng artista at may idea na sa showbiz industry, hindi daw inisip ni Tanya Ramos na magkakaroon s’ya ng special treatment. “Nu’ng ako na po [ang pumasok sa showbiz], hindi po pala ganu’n. Marami ka pa pong kailangang gawin. Hindi n’yo po s’ya makukuha agad. Magsisimula ka po talaga sa baba,” saad n’ya.
Proud daw ang daughter ni Wendell Ramos and showbiz newbie na si Tanya Ramos dahil nakapasok s’ya sa showbiz at mapabilang sa mga artista ng Sparkle sa sarili n’yang pagsisikap.
Ikinuwento n’ya ito sa recent virtual media conference ng Sparkada, ang grupo ng mga showbiz newcomers na binuo ni Starmaker Johnny Manahan, kung saan kasama rin n’ya ang kuya n’yang si Saviour.
Natanong kasi ang Kapuso teen star sa naging journey n’ya para makapasok sa showbiz ngayong alam na ng lahat na anak s’ya ni Wendell.
Ayon kay Tanya, hindi umano alam ng mga namamahala sa audition na anak s’ya ng isang established na artista kaya hindi daw s’ya nabigyan ng kahit anong special treatment.
“Nag-audition po ako dito sa Sparkle GMA [Artist Center] hindi po alam ng judges and panel na I am the daughter of Wendel Ramos,” pagbabahagi ni Tanya.
Kaya naman itinuturing n’ya daw iyon bilang malaking achievement.
“Proud po ako sa sarili ko kasi without them knowing, ako po mismo na-achieve ko na matanggap [sa audition],” saad n’ya.
Natanong pa s’ya kung na-meet ba ng showbiz industry ang expectation n’ya ngayong isa na s’yang artista.
Sagot n’ya, may knowledge na rin naman daw s’ya about the entertainment industry kahit noon pa dahil sumasama daw s’ya sa tatay n’ya noon kapag may taping ito.
“When I was not yet in showbiz may idea na po ako kung ano ’yong mga nangyayari, kung ano po ’yong environment nila. It’s because of my dad po,” Tanya said.
“Ako rin po mismo naka-witness kasi sumasama ako sa tapings n’ya. I’m there to watch him. I’m there to watch the set,” she added.
Ganu’n pa man, malayo daw pala ito sa inisip n’ya noon.
“Nu’ng ako po mismo nakapasok na, at first akala ko ganu’n ganu’n lang po – acting, babayaran ka, that’s it. Magpapasaya ka ng tao, ikaw pa ang pupurihin, ganu’n lang po,” pag-amin n’ya sa press.
“Nu’ng ako na po [ang pumasok sa showbiz], hindi po pala ganu’n. Marami ka pa pong kailangang gawin. Hindi n’yo po s’ya makukuha agad. Magsisimula ka po talaga sa baba,” dagdag pa n’ya.
“’Yon nga po, meron pong workshops, process… Marami ka rin pong kailangan pagdaanan bago n’yo masabi na successful kayo,” pagtatapos ni Sanya.
Sa ngayon, kabilang si Tanya sa upcoming TV series na “Luv Is: Caught In His Arms,” ang adaptation ng Wattpad web novel na “Caught In His Arms.”
Makakasama n’ya dito sina Sofia Pablo and Allen Ansay, at ilan sa kanyang mga Sparkada groupmates gaya nina Vince Maristela, Raheel Bhyria, Michael Sager, Sean Lucas, Caitlyn Stave, at Cheska Fausto.
Mapapanood ang Luv Is: Caught In His Arms sa darating na October sa GMA Network.
YOU MAY ALSO LIKE:
Pika’s Pick: Wendell Ramos completes fire-fighting training and is now certified bumbero
Wendell Ramos commences on his duty as volunteer firefighter
Wendell Ramos, excited nang makita ang bunsong anak na ipinanganak habang nasa lock-in taping siya
CEO role sa Prima Donnas, bagay kay Wendell Ramos, na isa nang successful businessman off-cam
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Comments
Post a Comment