Tanong ni Lolit Solis, buntis ba si AJ Raval at si Aljur Abrenica ang ama?
![Matatandaan na nito lang nakalipas na Mayo, sa special screening ng Kaliwaan, ay sinabi ni AJ Raval na hindi pa sila officially in a relationship ni Aljur Abrenica dahil kinikilala pa daw nila ang isa’t isa. “Hindi naman po ako makikipag-date sa isang guy kung hindi rin ako serious at saka alam ko ang intensyon... Parang getting to know pa lang din po. “Mutual understanding. Naiintindihan po namin ang isa’t isa. Corny po pakinggan pero ligaw po talaga [ginagawa ni Aljur].”](https://pikapika.ph/storage/media/image/article/428e20bb0ffe912914644a4a5f5e25a2/images/e4f37b9ed429c1fe5ce61860d9902521/conversions/Lolit-Aljur-AJ-feature.jpg?v=1656307323)
PHOTO: @haiyanhotelresort on Facebook; INSERT: @akosilolitsolis on Instagram
Matatandaan na nito lang nakalipas na Mayo, sa special screening ng Kaliwaan, ay sinabi ni AJ Raval na hindi pa sila officially in a relationship ni Aljur Abrenica dahil kinikilala pa daw nila ang isa’t isa. “Hindi naman po ako makikipag-date sa isang guy kung hindi rin ako serious at saka alam ko ang intensyon… Parang getting to know pa lang din po. “Mutual understanding. Naiintindihan po namin ang isa’t isa. Corny po pakinggan pero ligaw po talaga [ginagawa ni Aljur].”
Gaano katotoo ang balitang buntis daw ang sexy actress na si AJ Raval at ang itinuturong ama ay ang rumored boyfriend n’yang si Aljur Abrenica?
Ito kasi ang naging pasabog na tsika ng showbiz writer/insider and talent manager na si Lolit Solis ngayong araw, June 27, base umano sa balitang nakarating sa kanya.
“Tutoo kaya Salve ang balita kila Aljur Abrenica at AJ Raval na magkakaruon na sila ng baby?” panimulang tanong ni Manay Lolit sa kanyang Instagram post.
Nanghihinayang daw s’ya dahil kung totoo ang balitang buntis si AJ ay nangangahulugan lang na malabo na talagang magkabalikan pa sina Aljur at ang estranged wife nitong si Kylie Padilla.
“Naku, ibig sabihin wala na talagang balikan sila Aljur at Kylie Padilla. Akala pa naman ng lahat puwede pang magkaruon ng ayos ang relasyon ng dalawa dahil sa 2 nilang anak,” lahad pa n’ya.
“Sayang naman dahil kahit away bati lagi naman nagkakasundo uli ang dalawa.”
Sa kabilang banda, tinanggap na rin n’ya na baka wala na talagang pag-asa pa na maibalik pa nina Kylie at Aljur sa dati ang kanilang pagsasama dahil nga nakatagpo na umano ng ibang pag-ibig ang aktor sa katauhan nga ni AJ.
“Well, talaga siguro na ganyan ang buhay, mapaghamon talaga ang mga pangyayari. Hindi na nga siguro magkakaruon pa ng chance sila Aljur at Kylie dahil meron ng AJ sa pagitan nila,” saad ni Manay Lolit.
Nalulungkot daw s’ya para sa mga anak ng estranged couple na sina Alas Joaquin at Axl Romeo. Ganu’n pa man, deserve daw nina Kylie at Aljur na maging masaya kahit hindi na sa piling ng isa’t isa.
“How sad para sa dalawang anak nila. Pero pareho naman silang may karapatan humanap ng ligaya kundi na sila magkasundo,” aniya.
“We both wish them happiness, more than ever,” pagtatapos ni Manay Lolit.
Matatandaan na nito lang nakalipas na Mayo ay sinabi ni AJ na hindi pa sila officially in a relationship ni Aljur dahil kinikilala pa daw nila ang isa’t isa.
Pagkatapos kasi ng special screening ng Kaliwaan— kung saan apat na lalaki ang naka-love scene ni AJ—ay natanong s’ya ng press kung hindi ba nagselos ang napapabalitang manliligaw n’ya na si Aljur.
Sagot ng aktres, nauunawaan naman daw ni Aljur ang nature ng trabaho n’ya bilang isa rin itong aktor. Nilinaw din n’yang hindi pa naman talaga sila totally mag-on.
“Nu’ng una po, pero since mas matagal na siya sa akin at naiintindihan ko na rin. Saka wala pa naman kaming relasyon or anything. Kinikilala pa po namin ang isa’t isa,” saad ng dalaga.
“Hindi naman po ako makikipag-date sa isang guy kung hindi rin ako serious at saka alam ko ang intensyon… Parang getting to know pa lang din po.
“Mutual understanding. Naiintindihan po namin ang isa’t isa. Corny po pakinggan pero ligaw po talaga [ginagawa ni Aljur],” pagtatapos ni AJ.
Bukas ang pikapika.ph sa panig nina AJ at Aljur para linawan o kumpirmahin ang isyu na ito.
YOU MAY ALSO LIKE:
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Comments
Post a Comment