Sylvia Sanchez, proud na congressman na ang anak na si Arjo Atayde; pero sa bahay, “Gwapo Ogag” pa rin daw ang itatawag niya dito
![Sylvia Sanchez to Arjo Atayde: “At sa araw na ito anak July 1, 2022 ikaw na ang official na nakaupo bilang Congressman ng Distrito Uno. [W]alang mapagsidlan ang kagalakan ko sa tagumpay mo. Pinaglaban mo ang gusto mo, ang laman ng pusot isip mo at pinatunayan mong tama ka. Iba ka manindigan anak!!”](https://pikapika.ph/storage/media/image/article/197cec18dff201ab4d1966879423f50b/images/ebd64e2bf193fc8c658af2b91952ce8d/conversions/Sylvia-feature.jpg?v=1656662979)
PHOTOS: @sylviasanchez_a on Instagram
Sylvia Sanchez to Arjo Atayde: “At sa araw na ito anak July 1, 2022 ikaw na ang official na nakaupo bilang Congressman ng Distrito Uno. [W]alang mapagsidlan ang kagalakan ko sa tagumpay mo. Pinaglaban mo ang gusto mo, ang laman ng pusot isip mo at pinatunayan mong tama ka. Iba ka manindigan anak!!”
Hindi maikubli ng seasoned actress na si Sylvia Sanchez ang kaligayahan ngayong nakapanumpa na bilang congressman ng District 1 ng Quezon City ang panganay n’yang anak at aktor na si Arjo Atayde.
Sa kanyang mahabang Instagram post nitong ngayong araw, July 1, ipinahayag ni Sylvia kung gaano s’ya kasaya sa tagumpay na ito ng kanyang anak.
“Ang saya saya ng puso ng isang INA kapag nakita nya na nagtatagumpay ang Anak nya sa larangang gusto nya,” panimula ng aktres sa kanyang IG post.
Kalakip nito ang series of photos na kinunan noong nanumpa si Arjo sa bago n’yang tungkulin bilang lawmaker last June 29. Kasama ng actor-turned-politician ang kanyang pamilya, habang ang sister n’yang si Ria ang humawak ng bible para sa kanya.
“Isa ako sa pinaka masayang Ina sa araw ng iyong panunumpa bilang Congressman ng Distrito Uno ng lungsod ng Quezon City,” lahad pa n’ya.
At bakit naman hindi? First time sumabak ng kanyang anak sa pulitika at heto nga’t pinalad na manalo kaagad.
“At sa araw na ito anak July 1, 2022 ikaw na ang official na nakaupo bilang Congressman ng Distrito Uno. [W]alang mapagsidlan ang kagalakan ko sa tagumpay mo. Pinaglaban mo ang gusto mo, ang laman ng pusot isip mo at pinatunayan mong tama ka. Iba ka manindigan anak!!” pag-a-address n’ya kay Arjo.
Nanumbalik daw kay Sylvia ang hirap na pinagdaanan nila nitong nagdaang kampanya dahil kung ano-ano daw ang mga paratang na ipinukol sa anak n’ya ng mga katunggali nito.
“Habang pinapanood kita, tinatawanan ko nalang lahat ng pagod, hirap, pangungutya sayo at sa pamilya natin dahil bago ka daw at walang alam at artista lang at kung ano ano pang masasakit na salitang ipinukol sayo,” pagbabahagi n’ya.
“Lahat ng yon napawi habang pinapanood kitang nanunumpa bilang Bagong Congressman ng Distrito uno. Napaka proud ko sa mga oras na yon,” she added.
“Pero bilang isang ina habang pinapanood kita, pasensya na anak, di ko maalis na manumbalik sa isipan ko na ito ang batang kinutya, pinagtawanan, nilait at hinusgahan pero wala akong nakita o narinig na pambabastos mo sa mga taong bumatikos syo.
“Bagkus ang tanging sinabi mo lang sa akin, ‘[H]ayaan mo sila Mommy, wag tayong sumabay sa pambabastos nila, hindi tayo tulad nila. Basta ako andito tumakbo dahil gusto ko makatulong sa kapwa ko at mas makakatulong ako pag nasa pwesto ako. I dont want to be a good politician, I want to be a Good Public Servant.’”
Pinayuhan rin n’ya si Cong. Arjo na paghusayan nito ang bago n’yang papel bilang isa na s’ya ngayong public servant.
“Sige anak, abutin mo lahat ng pangarap mo, gusto mong tumulong sa kapwa mo, gawin mo lahat yan,” panghihimok ni Sylvia. “Ikalat mo sa Distrito Uno ang Respeto, Pagtitiwala, Pagmamahal,Pag aalaga, Pagpapahalaga at magtanim ka ng Kabutihan sa mga nasasakupan mo at naway Gabayan ka ng DIYOS.”
Tiniyak rin n’ya sa aktor na nakasuporta dito ang buo nilang pamilya.
“Dito lang kami lagi ni Daddy at ng mga kapatid mo na handang tumulong at aagapay sayo. Mahalin mo anak at alagaan mo ang mga bagong nagmahal at magmamahal pa sayo ang buong Distrito Uno,” habilin pa n’ya.
“Kaka proud!!!! Congratulations, Congressman Juan Carlos Campo Atayde.”
Maikling dasal pa ni Sylvia: “LORD, pakialalayan po anak ko ha.”
Hirit pa n’ya kay Arjo, “Nak pahabol sa bahay tatawagin pa din kitang Arjo o Gwapo Ogag pero sa labas tatawagin kita Cong nak hahaha ok ba yon My Congressman? Serve QCD1 Well anak.”
YOU MAY ALSO LIKE:
Sylvia Sanchez is simply grateful to be celebrating her 49th birthday after surviving COVID-19
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Comments
Post a Comment