Sparkle newbie talents na sina Roxie Smith at Cheska Fausto, tuluyan nang iniwan ang mga beauty pageants for showbiz

Photos: @roxiebae @thatscheskaaa
Si Roxie Smith (left) ay nakoronahang Miss Philippine Earth 2020 sa pamamagitan ng virtual pageant. Noong 2019 naman ay nakoronahan siya bilang Face of Tourism Philippines. Sumali rin sa beauty pageants si Cheska Fausto (right) tulad ng Miss PV Asia 2020 at Miss Silka Zamboanga 2019, pero nakilala rin siya sa kanyang beauty vlogs sa YouTube at pagiging influencer niya sa social media.
Dahil sa pagiging members nila ng SPARKADA ng Sparkle GMA Artist Center, nagbago ng careers sina Roxie Smith at Cheska Fausto.
Noong i-launch sila Roxie at Cheska kasama ng iba pang SPARKADA noong April, wish nilang pareho na mabigyan sila ng pagkakataon sa pag-shift nila mula sa dating career kunsaan naging kumportable sila.
Ngayon ay may kanya-kanyang shows na sa GMA ang dalawa. Si Roxie ay segment host sa GMA morning show na Unang Hirit samantalang si Cheska ay kasama sa cast ng Wattpad series na Luv Is: Caught In His Arms.
Nagpaalam na si Roxie o Roxanne Allison Agnaonao Baeyens sa pagsali sa beauty pageants noong mag-turn 25 siya.
Gusto na raw ng Filipina-Belgian beauty na ibang journey naman ang tahakin niya at iyon ay ang showbiz.
“Na-realize ko na sobrang gusto ko pong maging artista. Alam mo ‘yung sobrang ‘pag pangit ang araw mo, ‘pag feeling mo guguho na ‘yung mundo mo, bubuksan mo ang TV mo, papanoorin ‘yung serye tapos parang nawala na ang lahat ng problema mo.
“‘Yun ‘yung saya na nabibigay ng isang artista. ‘Yun ‘yung nakikita kong para siyang service and that’s how I want to live my life. Live my life of service. Gusto kong magpasaya ng tao sa pag-aarte.”
Si Roxie ay nakoronahang Miss Philippine Earth 2020 sa pamamagitan ng virtual pageant. Noong 2019 naman ay nakoronahan siya bilang Face of Tourism Philippines.
“Bago po ako mag-audition sa Sparkle, I was actually discovered through pageantry. I was also into commercial, doon po ako na-develop. And nag-teatro rin po ako.
“Gusto ko pong mag-host ng talk show, game show at kahit musical variety show. Open po ako sa lahat ng puwede kong gawin ngayon as a Sparkle artist.”
Sa Unang Hirit ay segment host si Roxie at enjoy siya sa mga napupuntahan niyang mga lugar at subukan ang iba’t ibang activities.
“I have fallen in love with hosting and they have been giving me segments mostly related to animals. It’s a lot of fun, I feel like it’s something I’m very genuine about.
“Everyday surprise siya kasi mostly malalaman ko lang ‘yung segment the morning itself when I read the script. Fun siya and something new, and happy ako. Acting and hosting.”
Sumali rin sa beauty pageants si Cheska Fausto tulad ng Miss PV Asia 2020 at Miss Silka Zamboanga 2019, pero nakilala rin siya sa kanyang beauty vlogs sa YouTube at pagiging influencer niya sa social media.
This year lang din nagtapos si Cheska ng kanyang nursing course kunsaan siya cum laude sa graduating class nila sa Western Mindanao State University.
Pinili ng 21-year old Zamboangueña ang pasukin ang showbiz dahil gusto niyang ipakita ang mga kaya pa niyang gawin bukod sa pagiging influencer at content creator.
Noong matanggap raw siya bilang isa sa SPARKADA, agad siyang sumailalim sa training at workshops with Ana Feleo at kasama ang ibang pang nakapasa sa audition.
“Bago po kasi kami ni-launch, we really went on an intensive training po talaga. Halos every single day, nagwo-workshop po kami sa acting, singing, dancing, and even in communications kasi meron sa amin na nag-e-English talaga lagi so kailangan namin matutong mag-Tagalog talaga.
“Salamat sa Sparkle GMA Artist Center, and of course, sa talent development teams for giving us the workshops dahil kailangan po talaga namin ‘yon para mas prepared pa po kami or mas handa kami para sa inyo pong lahat.”
Two months after nilang ma-launch, nakasama agad si Cheska sa cast ng unang episode ng Luv Is: Caught In His Arms kunsaan bida ang loveteam nila Sofia Pablo at Allen Ansay.
Kasama rin sina Sean Lucas, Tanya Ramos, Kirsten Gonzales, Raheel Bhyria, Michael Sager, Vince Maristela at Caitlyn Stave.
“Ang saya po ng first series namin with Sofia and Allen. Nagkaroon kami ng mas magandang bonding when we were taping on location sa Baguio City.
“Bumagay sa story ’yung magagandang lugar kunsaan kami ng shoot. The experience is something else. Nag-enjoy po kaming lahat.”
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Comments
Post a Comment