Solenn Heussaff and Nico Bolzico are expecting their Baby No. 2!


Nagdiwang sa pregnancy news ni Solenn Heussaff ang kanyang mga fans at mga kasamahan sa showbiz sa pangunguna ng sister-in-law n’yang si Anne Curtis, mga kaibigang sina Ruffa Gutierrez, Bianca Gonzales, Georgina Wilson, Michelle Dee and more.

SCREENSHOTS: @nicobolzico on Instagram

Nagdiwang sa pregnancy news ni Solenn Heussaff ang kanyang mga fans at mga kasamahan sa showbiz sa pangunguna ng sister-in-law n’yang si Anne Curtis, mga kaibigang sina Ruffa Gutierrez, Bianca Gonzales, Georgina Wilson, Michelle Dee and more.

Panibagong blessing ang natanggap ng celebrity couple na sina Solenn Heussaff at Nico Bolzico dahil masusundan na ang kanilang panganay na si Tili. 

Inanunsyo ng mag-asawa na buntis ngayon ang Kapuso actress sa second child nila through a short and witty Instagram video ngayong araw, June 4, kung saan may paandar pa ang dalawa na kunwari ay may kinaaaliwan silang “new” x-ray mobile app.

Sa IG video, ipinakitang si Nico ang unang gumamit nito at makikitang “normal” naman ang kanyang bone structures. Sumunod ay itinapat ni Nico kay Solenn ang mobile phone at doon na nga “napag-alaman” na bukod sa kanyang skeleton ay may baby na nai-scan sa kanyang sinapupunan.

Nag-detalye din si Solenn about her pregnancy sa kanyang Instagram Story kung saan sinabi n’yang 16 weeks na s’yang buntis sa ikalawa nilang anak ni Nico.

“Hello 16 weeks,” saad n’ya sa IG story kalakip ang kanyang sexy selfie photo. “Back to daily injections for bub number 2:).”

SCREENSHOT: @solenn on Instagram

Nagdiwang naman sa balitang ito sa comment section ang kanilang fans at mga kasamahan sa showbiz sa pangunguna ng sister-in-law n’yang si Anne Curtis, mga kaibigang sina Ruffa Gutierrez, Bianca Gonzales, Georgina Wilson, Michelle Dee and more. 

SCREENSHOT: @nicobolzico on Instagram
SCREENSHOT: @nicobolzico on Instagram
SCREENSHOT: @nicobolzico on Instagram

Last January 2020 nang isinilang ni Solenn ang bibang-bibang Baby No. 1 nila na si Thylane Katana o Baby Tili.

Congratulations, Solenn and Nico!

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika’s Pick: Solenn Heussaff shares breathtaking photo of Baby Thylane’s first outdoor sunset experience

Solenn Heusaff, nag-sorry matapos bansagan ng Netizens na “poverty porn” ang kanyang art exhibit promotion

Nico Bolzico at Solenn Heussaff, kapwa nakalimutan ang kanilang wedding anniversary

Sanya Lopez, pantasyang makatambal si Solenn Heussaff sa isang lesbian-themed project

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Jean Garcia, naiyak sa heartwarming birthday greeting ng anak niyang si Jennica

Claire Castro, rumesbak sa “bastos” na basher ng sister niyang si Raffa

Love at the End of the World star Nico Locco signs up with the Viva Artists Agency