Si Cong. Rowena Guanzon nga ba ang pinatatamaan ni Annabelle Rama nang sabihing: “Kung mag kwento ka akala mo CCTV ka ni Ruffa!! Mind your own business!!”


Talak ni Annabelle Rama sa isang hindi pinangalanag tao na ipinagpapalagay ng netizens na si Atty. Rowena Guanzon: “Mind your own business!! Ayusin mo Nalang kaso mo. Baka gusto mong mapasali sa MAID IN MALACAÑANG kaya ka nagpapapansin

PHOTOS: @annabelle.rama.90260 & @attyrowenaguanzon on Facebook

Talak ni Annabelle Rama sa isang hindi pinangalanag tao na ipinagpapalagay ng netizens na si Atty. Rowena Guanzon: “Mind your own business!! Ayusin mo Nalang kaso mo. Baka gusto mong mapasali sa MAID IN MALACAÑANG kaya ka nagpapapansin

Ipinagtanggol ng dating aktres at ngayo’y talent manager na si Annabelle Rama ang kanyang anak na si Ruffa Gutierrez sa kinasasangkutan nitong issue ngayon. 

Nag-ugat ito sa blind item na inilabas ni dating COMELEC commissioner and now Congresswoman-elect Rowena Guanzon sa Twitter nitong Huwebes, July 7, tungkol sa employer umano na nagpalayas sa dalawa nitong kasambahay nang walang suweldo.

Kinabukasan, July 8, she directly asked Ruffa sa Twitter pa rin kung totoo ba ang nakarating sa kanyang balita. Bagama’t hindi n’ya direktang pinangalan si Ruffa, tila lumalabas sa kanyang tweet na ang aktres ang tinutukoy n’ya sa kanyang blind item. 

Sinagot naman ito ni Ruffa at pinabulaanan ang tsika na nagpalayas s’ya ng kasambahay na walang sweldo. Totoo ngang nagkagulo daw sa kanila pero nasa shooting daw s’ya ng pelikula n’yang Maid in Malacañang nang mangyari ito.

Pagde-detalye n’ya, nang-away umano ang dalawang baguhang house helpers sa mga matagal na nilang kasambahay.

Pinigilan nga daw n’yang umalis ang mga ito dahil gusto n’ya muna silang makausap pag balik n’ya galing sa shooting.

Pagdidiin pa n’ya, wala s’yang sinisanteng kasambahay dahil umalis umano ang mga ito sa sarili nilang kagustuhan. 

Maganda rin daw ang track record n’ya sa pakikisama sa mga kasambahay dahil kung hindi ay hindi tatagal ang mga ito sa kanila ng ilang dekada. 

Wala namang isinagot dito si Guanzon. Bagkus, pinuna n’ya ang hindi pagtawag ni Ruffa sa kanya bilang congresswoman.

“That Ruffa Gutierrez must learn to say ‘Congresswoman’. Hahaha ! You call me cong or I will call u something else. Sige ka #Bardagulan,” pagbabanta n’ya sa kanyang tweet last July 9.

Dahil ito ay inasam ng netizens na reresbak ang nanay ni Ruffa na si Annabelle Rama na kilalang palaban pagdating sa kanyang mga anak. 

At gaya ng hinihintay ng marami, ngayong araw, July 11, bumwelta nga si Tita Annabelle sa kanyang Facebook post. 

Although wala s’yang binanggit na pangalan, ipinagpapalagay na ng publiko na si Atty. Guanzon ang kanyang tinutukoy. 

“Hoy Day!! Pwede ba HUWAG ka maging chismosang marites?? Kung mag kwento ka akala mo CCTV ka ni Ruffa!!” banat n’ya. 

“Mind your own business!! Ayusin mo Nalang kaso mo. Baka gusto mong mapasali sa MAID IN MALACAÑANG kaya ka nagpapapansin??” pagtatapos ni Tita Annabelle. 

Sa ngayon ay hinihintay ng netizens kung sasagot ba dito ang tinaguriang “Queen of Bardagulan” na si Atty. Rowena Guanzon.

YOU MAY ALSO LIKE:

Annabelle Rama blasts Gretchen Barretto for lambasting Ruffa Gutierrez’s positive comment about Julia Barretto

Say ni Annabelle Rama kay Gretchen Barretto: “Kung hindi siya tumahimik mas mahaba pa sasabihin ko.”

HIGHLIGHTS: Annabelle Rama’s 67th Birthday Bash

Pika’s Pick: Ruffa Gutierrez says she’s missing mom Annabelle and dad Eddie Gutierrez “during these uncertain times.”

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Sparkada’s Jeff Moses, nag-sorry sa mga nabiktima ng mga posers niya online

Heartthrob Kelvin Miranda and charming singer Ally Gonzalez are making perfect harmony together