Ruffa Gutierrez, direktang sinagot si Cong. Rowena Guanzon sa tanong nito kung totoong nagpalayas siya ng dalawang kasambahay na walang suweldo


Ani Ruffa Gutierrez, wala siyang pinapalayas na kasambahay. “Let me make it clear po: I did NOT fire anyone They wanted to leave on their own accord.”

PHOTOS: @iloveruffag & @attyrowenaguanzon on Instagram

Ani Ruffa Gutierrez, wala siyang pinapalayas na kasambahay. “Let me make it clear po: I did NOT fire anyone They wanted to leave on their own accord.”

Sumagot ang aktres na si Ruffa Gutierrrez sa inilabas na blind item ni former COMELEC Commissioner and now Congresswoman-elect Rowena Guanzon. 

Sa post ni Guanzon sa Twitter kagabi, July 7, binatikos niya ang mayamang employer na nagpalayas umano sa dalawa nitong kasambahay nang walang suweldo.

“My friend has to rescue two household helpers who were thrown out of a first class village by their employers without paying their salaries. Where is your compassion?” pangungunsensya  niya sa kanyang tweet. 

However, ngayong araw, July 8, nagpahaging siya sa Twitter na kunwari ay nagtatanong nang direkta sa aktres na si Ruffa Gutierrez. 

Ini-retweet niya ang naunang post niya at saka nagtanong ng: “Ms Ruffa Gutierrez is is true?”  Kung kaya para na rin niyang sinabi na si Ruffa ang tinutukoy sa sarili niyang blind item.

Kaagad namang sumagot si Ruffa para pasinungalingan ang tweet ng kongresista. 

“Hello Ms. Guanzon, No it’s not true,” panimulang sagot ng aktres.

Bagama’t totoo daw na nagkagulo sa bahay nila, hindi daw totoo na nagpalayas siya ng helpers. 

“There was a situation at home while I was shooting on the set of ‘Maid In Malacañang’, so my staff had to call security to make sure my children were safe,” aniya.

Napilitan pang magdetalye sa nangyari ang actress-beauty queen at sinabing inaway daw ng mga nasabing kasambahay ang kanilang mayordoma na matagal nang naninilbihan sa kanila. 

“The 2 new kasambahays who have been in our household for only around 2 weeks were fighting our 68-year old senior mayordoma (who has been under my care for more than 18 years),” salaysay niya sa kasunod na tweet. 

Nagbanta nga daw ang dalawa na aalis sa bahay niya pero siya umano ang hindi pumayag dahil gusto niya munang makausap ang mga ito. 

“Nang-aaway po sila sa ibang mga kasamahan sa bahay ng wala po ako. They were demanding to leave the house, which I said they were able to do AFTER I returned home from work, so I could talk to them before they leave,” esplika ni Ruffa. 

“Let me make it clear po: I did NOT fire anyone They wanted to leave on their own accord,” pagdidiin niya. 

Naisingit pa ng aktres na i-promote ang upcoming movie niya kung saan gaganap siya bilang si dating First Lady Imelda Marcos.

‘I have rarely been home shooting everyday, all day, all night for #MAIDinMALACANANG – You should watch it BTW. You’re gonna love it,” paanyaya niya. 

Hindi rin daw siya malupit sa mga kasambahay kaya naman tumatagal daw ng ilang dekada ang mga helpers sa kanila. 

“I’m always very generous with those I love and those that work for me kaya most of our helpers have been with me for 13-35 years. We are FAMILY. Through thick and thin, ika nga,” lahad niya.

Ipinaubaya na rin daw niya sa kanyang legal team ang pag-handle sa insidenteng ito. 

“My lawyers are on top of the situation. Thank you and have a great day po,” pagtatapos ni Ruffa.

As of this writing ay wala pang tugon si Guanzon sa mga naging paglilinaw ni Ruffa.

YOU MAY ALSO LIKE:

Sa tingin ni Lorin Gutierrez, naubos na ang pagka-istrikta ng Lola Annabelle (Rama) niya sa mommy niyang si Ruffa kaya hindi raw ito stage lola sa kanya

Former battered wife Ruffa Gutierrez, napaiyak sa usaping “domestic violence” sa It’s Showtime

Ruffa Gutierrez, aminadong Herbert Bautista gives her life an extra glow; says what they have is a “very relaxed and happy companionship.”

“Be kind to everyone, including your ex” statement ni Ruffa Gutierrez sa Instagram, sagot ba niya sa mga patutsada ni Kris Aquino sa Tarlac?

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Sparkada’s Jeff Moses, nag-sorry sa mga nabiktima ng mga posers niya online

Heartthrob Kelvin Miranda and charming singer Ally Gonzalez are making perfect harmony together