Richard Gomez to his daughter Juliana: “Do not look for a boyfriend like me. But, if you have to look for a husband, look for a husband like me.”


Hindi daw pinakiki-alaman ng mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres ang buhay pag-ibig ng kanilang anak. They’re just there to guide daw. Pero “Dadamihan mo lang ’yong dasal mo na ‘Sana, my daughter is in good hands sa boyfriend n’ya na hindi s’ya sasaktan, hindi sasama ’yong loob ninyo.’ ’Yong mga ganu’n.” “Just pray for them. Always pray na ’yong mapipili n’ya is someone that will make her happy.”

PHOTOS: @richardgomezinstagram on Instagram

Hindi daw pinakiki-alaman ng mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres ang buhay pag-ibig ng kanilang anak. They’re just there to guide daw. Pero “Dadamihan mo lang ’yong dasal mo na ‘Sana, my daughter is in good hands sa boyfriend n’ya na hindi s’ya sasaktan, hindi sasama ’yong loob ninyo.’ ’Yong mga ganu’n.” “Just pray for them. Always pray na ’yong mapipili n’ya is someone that will make her happy.”

Sinubukan pala ng mag-asawang sina Richard Gomez at Lucy Torres noon na magkaroon pa ng another baby bukod sa unica hija nilang si Juliana.

Inamin mismo ’yan si Congressman-elect Richard Gomez kay GMA reporter Nelson Canlas sa Father’s Day episode ng podcast nitong Updated with Nelson Canlas nitong June 17.

Matapos kasing kumustahin ang family life nila ay nauwi kay Juliana ang usapan nila. Solong anak kasi nila ni Lucy itong Juliana, na kasalukuyang kumuha ng kursong public administration sa college, kaya natanong si Richard kung hindi ba nila plinano na bigyan ito ng kapatid. 

Ayon sa incumbent pa ring Mayor ng Ormoc City, maraming beses daw nilang sinubukan na bumuo ni Lucy ng baby pero hindi daw sila successful. 

“We tried. We tried so many times. Siguro we’re not fortunate lang to have another one,” direct to the point na sagot ni Richard kay Nelson.

Parang siguro sinabi ng D’yos na, ‘Tama na ’yan. Isa na muna. Isa na lang. Pagtiyagaan n’yo na si Juliana.’ Haha!’” pabirong dagdag pa niya.

Ganu’n pa man, masaya naman daw sila kahit tatatlo lang sila sa kanilang pamilya. 

Masaya naman kami kung kaming tatlo lang, ano lang kami, tawa lang kami nang tawa. We talk about so many things in life. We talk about ano ba ’yong gusto naming gawin. ‘Ano ba ’yong future plans natin?’ It’s a small, happy family,” lahad pa n’ya. 

At ngayong 21 anyos na ang unica hija nila, natanong si Richard kung ready na ba s’yang pakawalan ito kung sakaling magpasya na itong bumuo ng sarili n’yang pamilya. 

Kung matatandaan kasi, 23 years old noon si Cong. Lucy Torres nang magpakasal sila, at sa ngayon nga ay pumapasok na si Juliana sa tinatawag na marrying age. 

Hindi ko s’ya tinatanong, ‘Kelan ka magpapakasal?’ Hindi ko s’ya tinatanong talaga. Hahaha!” natatawang sagot ng actor-politician.

Pero tanggap naman daw n’ya na talagang darating ang puntong magkakaroon ng sariling pamilya si Juliana. 

Parang you just have to accept that this is the fact of life, there is a possibility that one day she would just get married. We just have to be there to help and support sa gusto n’yang mangyari,” he said. 

Sa akin kasi and to Lucy, hindi naging mahirap ’yong magpakasal kaming dalawa. So, siguro, ganu’n din kay Juliana. Hindi naman kailangang pahirapan, ’di ba?” pagpapatuloy n’ya.

“As parents, we will be there to support Juliana hanggang sa lumaki s’ya, hanggang sa mag-decide s’ya na mag-asawa.

Bilang magulang, mas dapat daw nauunawan nila kung ano ang nangyayari sa buhay ng anak nila lalo pa’t pinagdaanan din nila ang ganu’ng stage noon. 

“You have to have a good sense of what’s happening to them. Sometimes they can be very quiet,” pagbabahagi ni Goma. 

“But I’m happy that Juliana is talkative. She talks about her feelings, she talks about what she has in her mind, and very open ang communication n’ya with her mother and with me,” dagdag pa ni Goma, palayaw niya.

’Yon ’yong maganda,” Siguro kung may problema, we try to solve problems together.”

Open na rin s’ya pagkakaroon ng nobyo ni Juliana. Matatandaan nga na nakasama pa n’ya sa vlog n’ya last October ang anak n’ya at ang rumored boyfriend nito na si Miggy Bautista. 

Ano ’yan, it’s a fact of life and part of life na hindi natin maiiwasan, you know. Darating talaga ang panahon may manliligaw sa kanya, magkaka-boyfriend s’ya,” ani Richard. 

“All we can do as parents is to really support our child. Iisa lang s’ya na anak namin, e. ’Yon, iga-guide mo lang s’ya and hope for the best.”

Natatawang sabi pa n’ya, “Dadamihan mo lang ’yong dasal mo na ‘Sana, my daughter is in good hands sa boyfriend n’ya na hindi s’ya sasaktan, hindi sasama ’yong loob ninyo.’ ’Yong mga ganu’n.

“Just pray for them. Always pray na ’yong mapipili n’ya is someone that will make her happy.”

Kung may paalala man daw s’ya kay Juliana sa pagpili ng mapapangasawa, maghanap daw ng katulad n’ya. 

Sinabi ko kay Juliana, ‘Juliana, if you have to look for a boyfriend, do not look for a boyfriend like me. But, if you have to look for a husband, look for a husband like me,’” pagtatapos ni Richard.

Naging makulay din kasi ang buhay-binata ni Goma noong araw pero noong makilala na niya ang love of his life in Lucy Torres, naging ideal husband naman siya dito at hindi kailaman nabahiran ng intriga ang kanilang pagsasama.

YOU  MAY ALSO LIKE:

Lolit Solis, bilib sa paninindigan ni Congresswoman Lucy Torres-Gomez

Pika’s Pick: Richard Gomez and Lucy Torres mark 22nd wedding anniversary by tree-planting; Richard thanks wife for being his “guiding light.”

Pika’s Pick: Richard Gomez tells daughter Juliana on her 20th birthday: “…make decisions that will make your heart happy.”

Pika’s Pick: Juliana Gomez ranks 3rd in a SEA Games qualifying fencing competition facilitated by her dad, Ormoc City mayor Richard Gomez

Derrick Monasterio, nagbabaka-sakaling maka-training sa weightlifting si Hidilyn Diaz; Richard Gomez, peg naman sa pagiging actor-sportsman

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Claire Castro, rumesbak sa “bastos” na basher ng sister niyang si Raffa

Jean Garcia, naiyak sa heartwarming birthday greeting ng anak niyang si Jennica

Love at the End of the World star Nico Locco signs up with the Viva Artists Agency