Princess Punzalan, matagal bago napatawad ang sarili sa ginawang pagpapa-abort


At dahil hindi sila maka-buo ng American husband niyang si Jay Field, nag-desisyon sila ni Princess Punzalan na mag-ampon ng anak at ito na nga ang daughter nilang Ellie na ngayon ay eight years old na.

Photos: @realprincesspunzalan on Instagram

At dahil hindi sila maka-buo ng American husband niyang si Jay Field, nag-desisyon sila ni Princess Punzalan na mag-ampon ng anak at ito na nga ang daughter nilang Ellie na ngayon ay eight years old na.

Emosyonal na inamin ng aktres and US-based registered nurse na si Princess Punzalan na nagawa n’yang ipalaglag ang baby sa sinapupunan n’ya noong s’ya ay mabuntis sa edad na 15 lang. 

Naganap ang rebelasyon na ito ng aktres sa short video na ipinost n’ya sa kanyang Instagram nitong nagdaang weekend. 

Dito n’ya ikinuwento ang ilan sa pinakamasasakit na bahagi ng kanyang buhay. Kabilang na nga dito ang pagpapalaglag n’ya ng anak noong kinse anyos pa lamang s’ya.

“When I was 15, I got pregnant. I had an abortion because I was afraid of my mom and because the guy would not stand up for the baby,” naiiyak na panimula ni Princess sa video.

Dahil doon, naipalagay ni Princess na tila pinagdamutan na s’ya ng pagkakataon na magka-baby pa noong panahong nakahanap s’ya ng lalaking magmamahal sa kanya. 

“And then at 19, I found a guy who would marry me. For four and a half years, we tried but I didn’t get pregnant. That marriage dissolved,” pagpapatuloy ng aktres. 

Bagama’t hindi n’ya tinukoy ang lalaking iyon, alam ng publiko na nagpakasal sila noon ng TV host-comedian na si Willie Revillame pero, unfortunately, ay nauwi sila sa paghihiwalay.

“And in my mid-30s, I found a man who would marry me and love me. We tried for 10 years to get pregnant but I didn’t get pregnant,” pagpapatuloy ng award-winning actress. 

This time, she’s referring to her husband Jay Field na naka-base sa US. 

Sumama s’ya dito sa Amerika kung saan n’ya ipinagpatuloy ang pag-aaral at ngayon nga ay nagtatrahaho na siya bilang isang nurse. 

At dahil bigo pa ring magbuntis makalipas ang mahigit isang dekadang pagsasama nila ay nagpasya na daw silang mag-ampon. 

“We tried different kinds of ways to get pregnant, but I didn’t. So, we adopted. It was a long hard climb to finally find our match,” she shared. 

Ito na nga ang daughter nilang Ellie na ngayon ay eight years old na. Nagpapasalamat daw s’ya na dumating si Ellie sa buhay nila.

“I’m so grateful that the birth mom didn’t decide to kill her ’cause right now I’m so happy with my daughter and I’m very grateful that she is in my life,” lahad pa ni Princess.

Kuwento pa n’ya sa isang netizen sa comment section, matagal daw bago n’ya tuluyang napatawad ang sarili sa ginawa n’ya noon. 

“I used to condemn myself a lot, especially when I was going through so much emotional pain and difficulty getting pregnant. Every time I got my period, it felt so horrible,” pag-amin pa n’ya. 

“But I keep remembering that, ‘There is now no condemnation for those who are in Christ Jesus.’ I have forgiven myself and I know I have been forgiven by Him. There were consequences on my past decisions but ‘…ALL THINGS work together FOR GOOD…’ (Romans 8:28) Thank you.”

Bumuhos naman ang suporta sa kanya mula sa mga followers n’ya na naantig sa kuwento ng buhay n’ya at sa ipinakita n’yang katatagan. Kabilang na dito ang mga aktres na sina Yasmien Kurdi at Melissa Mendez.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Jean Garcia, naiyak sa heartwarming birthday greeting ng anak niyang si Jennica

Claire Castro, rumesbak sa “bastos” na basher ng sister niyang si Raffa

Love at the End of the World star Nico Locco signs up with the Viva Artists Agency