Pokwang ngayong single parent na muli s’ya: “Hindi karma ang natapos na pagmamahalan.”


Payo ni Pokwang sa mga single parents like her: “[S]a mga single parent na kagaya ko hindi karma ang natapos na pagmamahalan kundi mas pinapatatag ka at pinaghahanda ka sa mas magaganda at mas maraming biyaya. “[H]indi karma ang mabiyayaan ka ng mga anak na nagpapasaya at nagpapangiti sayo araw araw at dahilan ng pagsisikap mo sa buhay.”

PHOTOS: @itspokwang27 on Instagram

Payo ni Pokwang sa mga single parents like her: “[S]a mga single parent na kagaya ko hindi karma ang natapos na pagmamahalan kundi mas pinapatatag ka at pinaghahanda ka sa mas magaganda at mas maraming biyaya. “[H]indi karma ang mabiyayaan ka ng mga anak na nagpapasaya at nagpapangiti sayo araw araw at dahilan ng pagsisikap mo sa buhay.”

Kapuso comedienne Pokwang just confirmed na hiwalay na nga sila ng longtime American partner n’yang si Lee O’Brian. 

Kasunod ito ng mga balitang nag-split na sila base sa inilabas n’yang bagong label sa kanyang food business na dati ay Pok-Lee, ngayon ay Mamang Pokwang Gourmet na. 

Nagdetalye pa dito ang comedian-vlogger at close friend n’yang si Ogie Diaz at sinabing noong 2021 pa nitong alam na hiwalay na nga sina Pokwang at Lee pero hindi lang umano nila ito inilalabas sa publiko bilang paggalang nito sa kanya. 

Sa Instagram post ng komedyana kahapon, July 10, sinabi n’yang pitong buwan na silang hiwalay ng ama ng bunso n’yang si Malia. Maayos naman daw nilang tinapos ang kanilang relasyon. 

“Yes its been seven months since tapusin namin ni papang ang lahat, pero maayos at mapayapa, at bilang magkaibigan na lamang mas nagagampanan namin ang mga tungkulin bilang magulang ni Malia,” lahad ni Pokwang sa kanyang IG post. 

Kalakip nito ang series of photos n’ya with her daughters and her late Nanay Gloria. 

Patuloy daw s’yang magpapaka-nanay sa kanyang mga anak. 

“Natapos man ito sa di inaasahang panahon hindi dito hihinto ang pagiging nanay ko sa mga anak ko. at mas lalo kong minahal ang mga biyayang sakin ay binigay ng [P]anginoon,” aniya.

Nagbigay din s’ya ng tribute sa namayapa na n’yang ina na s’yang umanong pinagkukunan n’ya ng inspirasyon para maging matatag sa buhay. 

“[I]kaw aking nanay Gloria ang aking inspirasyon sa pagiging matatag at matibay na nanay
salamat sa iyo at alam kong lagi kang nakagabay sa amin ng mga apo mo kaya ni minsan at kailan man di ka mawawaglit saking mga dasal,” Pokwang wrote. 

Nag-iwan din s’ya ng inspiring message sa mga single parents ngayong kabilang na muli s’ya sa kanila sa pagkakataong ito. 

“[S]a mga single parent na kagaya ko hindi karma ang natapos na pagmamahalan kundi mas pinapatatag ka at pinaghahanda ka sa mas magaganda at mas maraming biyaya,” pagdidiin n’ya. 

“[H]indi karma ang mabiyayaan ka ng mga anak na nagpapasaya at nagpapangiti sayo araw araw at dahilan ng pagsisikap mo sa buhay  #Wagmapagodparasamgaanak,” pagtatapos ni Pokwang.

Hindi man malinaw kung ano ang puno’t dulo ng kanilang paghihiwalay ni Lee, ang importante daw ay hindi sila magkagalit nu’ng naghiwalay silang dalawa.

Matatandaan na nagsimula ang kuwento ng pag-ibig nina Pokwang at Lee nang magkasama sila sa movie na Edsa Woolworth sa US way back 2015.

YOU MAY ALSO LIKE:

Pokwang, “inagiw” na ang sex life?

Kakampink Pokwang at UniTeam supporter Andrew E., aksidenteng nagkita sa Boracay; “Sa bandang huli, respect.”

Pokwang sa basher ng anak niyang si Malia: “See [you] in court.”

Pokwang, nagbanta ng demanda sa isang direktor ng GMA-7; singhal naman niya kay DJ Durano na may maanghang na komento sa kanya: “Oo, sikat ako kumpara sa ’yo. Plastik ka!”

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Sparkada’s Jeff Moses, nag-sorry sa mga nabiktima ng mga posers niya online

Heartthrob Kelvin Miranda and charming singer Ally Gonzalez are making perfect harmony together