Pokwang at Lee O’Brian, pitong buwan nang hiwalay; maayos ang co-parenting setup kay Malia


Ayon kay Ogie Diaz, naibahagi naman daw sa kanya ni Pokwang na bagama’t kumplikado ang pinagmulan ng hiwalayan nila ng asawang si Lee O’Brian ay nanatili pa rin daw silang magkaibigan kaya maayos ang co-parenting setup nila sa anak na si Malia. “Ang sabi naman sa akin ni Pokwang, tinanong ko siya, naghahanap ba si Malia kay Papang? ‘Minsan… pero pag ako naman ay naka-lock-in or nagte-taping, tinatawagan ko si Papang para siya naman ang tumoka kay Malia, sa bahay nila,’” k’wento ni Ogie quoting Pokwang.

Photos: @itspokwang27 / @ogie_diaz

Ayon kay Ogie Diaz, naibahagi naman daw sa kanya ni Pokwang na bagama’t kumplikado ang pinagmulan ng hiwalayan nila ng asawang si Lee O’Brian ay nanatili pa rin daw silang magkaibigan kaya maayos ang co-parenting setup nila sa anak na si Malia. “Ang sabi naman sa akin ni Pokwang, tinanong ko siya, naghahanap ba si Malia kay Papang? ‘Minsan… pero pag ako naman ay naka-lock-in or nagte-taping, tinatawagan ko si Papang para siya naman ang tumoka kay Malia, sa bahay nila,’” k’wento ni Ogie quoting Pokwang.

Noon pa man ay marami na ang nakapapansin sa mga social media postings ni Pokwang na tila hindi na sila magkasama sa bahay ng asawang si Lee O’Brian. Hindi na rin ito nakikita sa mga latest posts ng komedyana.

Pero mas marami ang na-curious sa estado ng kanyang marriage at napatanong nang palitan ni Pokwang ang pangalan ng kanyang mga food products.

Mula sa kumbinasyon ng pangalan nila ni Lee na “Pok-Lee” ang original brand name ng mga ibinebentang pagkain at condiments ni Pokwang. Sa ngayon ay napalitan na ito ng “Mamang Pokwang.”

Sa YouTube Channel ni Ogie na Ogie Diaz Showbiz Update, kasama si Mama Loi, ay tila may basbas ng kaibigan niyang si Pokwang na kumpirmahin na ang bali-balita at iyon nga ang ginawa ni Ogie kahapon, July 8.

According kay Ogie, matagal na niyang alam ang katotohanan.

“Noon ko pa ’to alam Loi…alam mo ’yan, ’di ba?” panimula ni Ogie ukol sa topic. “Bilang paggalang kay Mareng Pokie na hindi namin ’to babanggitin.

“And since lumabas na ’yan, kailangan din naman kasi nating linawin ang isyu na ’yan bago pa magsanga-sanga ang isyu na ’yan.”

“Last year pa wala sila,” pagsisiwalat ni Ogie. “Oo, ’yan po ang totoo. Last November 2021 pa ay wala na at hiwalay na si Pokwang at si Lee O’Brian.”

Sinabi rin ni Ogie ngayong hiwalay na ang dalawa, ay nasa ibang tirahan na umano ito pero nandito pa rin umano sa bansa.

“Si Papang Lee ay nagso-solo ng tirahan at siya ay may hanapbuhay yata,” saad niya.

Base rin sa pahayag ni Ogie, babalik din daw ito ng U.S. anytime soon.

“Nakatakdang umuwi si Papang sa U.S.  Hindi ko alam kung kailan, pero nakatakda siyang umuwi.”

Tinanong naman ni Loi ang maaaring tanong din ng karamihan—kung ano ang nangyari at bakit sila naghiwalay?

“Alam mo, sa totoo lang, masalimuot, e,” lahad ni Ogie. “Pero ang sinabi lang ni Pokwang, ang importante ay hindi kami magkagalit noong naghiwalay kami ni Papang.”

At makikita naman sa mga social media postings ni Pokwang na ang anak nila ni Lee na si Malia ay nasa poder ni Pokwang.

“At sabi naman sa akin ni Pokwang, tinanong ko siya, naghahanap ba si Malia kay Papang? ‘Minsan… pero pag ako naman ay naka-lock-in or nagte-taping, tinatawagan ko si Papang para siya naman ang tumoka kay Malia, sa bahay nila,’” k’wento ni Ogie quoting Pokwang.

Maayos naman daw ang co-parenting setup nina Pokwang at Lee sa anak nila.

Ayon pa kay Ogie, kinumusta daw niya minsan ang kaibigan kung ito ba ay nalulungkot at ayon daw dito ay okey lang naman siya.

“‘Okay lang, Mars, sanay naman akong nag-iisa. Noon pa naman, ’di ba? Alam mo yan, kilala mo ’ko. 

Ang importante sa akin, mga anak ko. Basta kasama ko ang mga anak ko. Ke may partner or wala.’ Gano’n si Mamang.”

“Hindi rin natin alam, baka si Pokwang ang nakikipaghiwalay,” dagdag kuro-kuro naman ni Ogie. “Hindi nagwo-work or nakaguhit sa tadhana.

“Wala rin namang kaibahan sa nag-boyfriend ka. Ilang beses kang nag-boyfriend, tapos, parang maling tao ang nasasamahan mo. Hanggang sa ang ending mo, ’yun na ang pinaka-forever mo.”

YOU MAY ALSO LIKE:

Pokwang, “inagiw” na ang sex life?

Kakampink Pokwang at UniTeam supporter Andrew E., aksidenteng nagkita sa Boracay; “Sa bandang huli, respect.”

Pokwang sa basher ng anak niyang si Malia: “See [you] in court.”

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Sparkada’s Jeff Moses, nag-sorry sa mga nabiktima ng mga posers niya online

Heartthrob Kelvin Miranda and charming singer Ally Gonzalez are making perfect harmony together