Pera ni Carla Abellana, kasamang natangay sa na-scam kay Tom Rodriguez?


Aminado si Tom Rodriguez na na-scam siya ng malaking halaga. Pero ayon sa source ni Ogie Diaz, hindi lang umano solong pera ni Tom iyon. “May nag-PM sa akin, sabi dito, Loi, ha… ‘May pera din si Carla du’n sa [na-]scam kay Tom. Kaya nga alam din ni Carla ’yong pera na ’yon kasi pareho nilang perang mag-asawa ’yon na na-scam kay Tom.’”

PHOTOS: @carlaangeline & @akosimangtomas on Instagram

Aminado si Tom Rodriguez na na-scam siya ng malaking halaga. Pero ayon sa source ni Ogie Diaz, hindi lang umano solong pera ni Tom iyon. “May nag-PM sa akin, sabi dito, Loi, ha… ‘May pera din si Carla du’n sa [na-]scam kay Tom. Kaya nga alam din ni Carla ’yong pera na ’yon kasi pareho nilang perang mag-asawa ’yon na na-scam kay Tom.’”

May lumabas na bagong anggulo tungkol sa paghihiwalay ng mag-asawang Carla Abellana at Tom Rodriguez, and this time ay may kinalaman ito sa pera.

Sa July 3 episode ng Ogie Diaz Showbiz Update, napag-usapan ng comedian-vlogger and talent manager na si Ogie Diaz at ka-tandem n’yang si Mama Loi ang karagdagang detalye na ito sa hiwalayan ng TomCar couple.

May nakarating daw kasing impormasyon kay Ogie na pera ang isa sa mainding pinag-ugatan ng separation ng dalawa. Napabalita nga noon na na-scam itong si Tom at nalimas ang ipon n’yang mahigit P24 million. Ayon sa nakalap na tsika ni Ogie, hindi lang umano solong ipon ni Tom ang nakapaloob sa P24M kundi kasama rin umano doon ang pera ng Kapuso actress.

Ang sabi, nawalan ng pera si Tom. Kasi doon sa pera na naipatalo o naging biktima ng scam si Tom or nailagay sa negosyo na hindi kumita at na-zero pa nang mahigit 24 million, sabi ha, D’yos ko… Andu’n din pala ang pera ni Carla. May pera din daw doon si Carla,” paglalahad ni Ogie sa show quoting his source. 

Binasa pa n’ya ang message ng source sa kanyang cellphone tungkol nga sa na-scam na pera ni Tom.

May nag-PM sa akin, sabi dito, Loi, ha… ‘May pera din si Carla du’n sa [na-]scam kay Tom. Kaya nga alam din ni Carla ’yong pera na ’yon kasi pareho nilang perang mag-asawa ’yon na na-scam kay Tom,’” patuloy na pagde-detalye ni Ogie.

“‘In other words, hiniwalayan ni Carla si Tom kasi naubos ang pera ni Tom, damay pa ’yong pera ni Carla Abellana.’”

At sa pagkakaunawa nga n’ya sa mensaheng natanggap, ang pagkaka-scam kay Tom ang pinag-ugatan ng paghihiwalay nila ni Carla. 

Parang lumalabas tuloy, Loi, na ’yong pagkalustay ng pera na ’yon ang naging hudyat para hiwalayan ni Carla itong si Tom,” pag-aanalisa n’ya.

Tanong naman ng ka-tandem n’yang si Mama Loi, “So, ’Nay, instead na tulungan n’yang makaahon, makabangon si Tom, parang ginive up na lang n’ya?

Ginive up n’ya si Tom…sabi ng source ko ha,” paglilinaw naman ni Ogie. 

Ang importante, nananahimik na ’yong dalawa. Wag na natin ungkatin. Gusto mo ’yon? Inungkat natin, ngayon naman wag na nating ungkatin?” pagpapatawa pa n’ya para gawing light ang usapan. 

Pagdadahilan naman ni Mama Loi, nasundan daw kasi nila ang kuwento ni Tom at Carla kaya naibabahagi nila sa show ang kung ano mang lumalabas na bagong detalye tungkol sa dalawa. Hanggang ngayon kasi ay palaisipan pa rin sa publiko ang tunay na dahilan kung bakit sila nauwi sa hiwalayan. 

“Feeling ko, matutuldukan lang naman itong mga dagdag na impormasyon kung silang dalawa mismo ’yong magsasalita, e,” pagtatapos ni Mama Loi. 

Pero sa palagay ni Ogie ay hindi na magsasalita ang dalawa at malamang ay idadaan na lang sa korte kung ano man ang natitira pa nilang usapin.

Matatandaang nabanggit nga ni Tom noon sa kanyang statement through his talent manager Popoy Caritativo—maliban sa divorced na umano sila ni Carla at never n’ya itong sinaktan physically— ay nasimot nga rin daw ang ipon n’ya dahil niloko s’ya ng isa n’yang kakilala. 

“I may have fallen short as a partner, especially when I lost all my money to someone who preyed on my gullibility, but it must be stressed that at no time did I ever lay a hand on Carla,” saad ni Tom sa kanyang statement.

Iyon na rin daw ang huling pagkakataon na magsasalita s’ya sa isyu sa pagitan nila ni Carla.

YOU MAY ALSO LIKE:

Lolit Solis, nahihiwagaan sa kinahinatnan ng relasyon nina Carla Abellana at Tom Rodriguez: “Nakaka-curious kung ano ang naging discovery nila sa isa’t isa.”

Cryptic na babala ni Tom sa isang netizen na umusig sa kanya kung bakit niya sinaktan si Carla Abellana: “Baka magulat po kayong lahat pag lumabas na lahat lahat.”

Hiwalayang Tom Rodriguez at Carla Abellana, sa isang mahiwagang text lang nga ba nagsimula?

Hiling ni Carmi Martin: “Sana mabigyan naman ng chance si Tom [Rodriguez].”

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Claire Castro, rumesbak sa “bastos” na basher ng sister niyang si Raffa

Jean Garcia, naiyak sa heartwarming birthday greeting ng anak niyang si Jennica

Love at the End of the World star Nico Locco signs up with the Viva Artists Agency