Moi Bien, pumalag sa sampal ni Pilar Pilapil; “Tita, bakit mo naman ako sinampal? Rehearsal pa nga lang, e.”
![Madalas na nangyayari sa mga tapings o shootings na nagiging totohanan ang mga intense na eksena dahil masyadong nadadala ang mga artista. Pero sa karanasan ng komedyanang si Moi Bien, rehearsal palang daw ay nakatikim na siya ng masakit na sampal mula sa beteranang aktres na si Pilar Pilapil sa isang teleseryeng pinagsamahan nila. “Sinampal na n’ya ako rehearsal pa lang at ang sakit ng kamay n’ya, ’yong totoo ha, ’yong hindi eme-eme. Talagang namula ’yong [pisngi] ko,” pagre-recall ng komedyana sa nangyari. “Sabi ko sa kanya, ‘Tita, bakit mo naman ako sinampal? Rehearsal pa nga lang, e. Wala pang sinabi si direk na take. Alam mo, tita, ang sakit. Natanggal ang mga ngipin ko,’” natatawang recall ni Moi sa pagrereklamo n’ya that time.](https://pikapika.ph/storage/media/image/article/cd6ce2f9cb75d8f41dc96d3c0b8952b9/images/e56eea9a45b153de634b23780365f976/conversions/Moi-Pilar-feature.jpg?v=1655364069)
PHOTOS: @officialmoibien & @pilar.pilapil1 on Facebook
Madalas na nangyayari sa mga tapings o shootings na nagiging totohanan ang mga intense na eksena dahil masyadong nadadala ang mga artista. Pero sa karanasan ng komedyanang si Moi Bien, rehearsal palang daw ay nakatikim na siya ng masakit na sampal mula sa beteranang aktres na si Pilar Pilapil sa isang teleseryeng pinagsamahan nila. “Sinampal na n’ya ako rehearsal pa lang at ang sakit ng kamay n’ya, ’yong totoo ha, ’yong hindi eme-eme. Talagang namula ’yong [pisngi] ko,” pagre-recall ng komedyana sa nangyari. “Sabi ko sa kanya, ‘Tita, bakit mo naman ako sinampal? Rehearsal pa nga lang, e. Wala pang sinabi si direk na take. Alam mo, tita, ang sakit. Natanggal ang mga ngipin ko,’” natatawang recall ni Moi sa pagrereklamo n’ya that time.
Hindi pala nakapagpigil mag-reak ang former personal assistant ni Piolo Pascual na ngayon ay full-fledge komedyana ng si Moi Marcampo—o mas kilala sa showbiz bilang Moi Bien—nang minsang makatikim s’ya ng tunay na sampal mula sa veteran actress na si Pilar Pilapil.
Ikinuwento n’ya ito sa segment na “Nakakalokang Celebrity Encounter” ng Kapuso morning show na Mars Pa More kahapon, June 15.
Sa nasabing segment kasi ay kailangan n’yang magkuwento ng karanasan n’ya sa sino mang artista na ipa-flash sa screen. And that time nga ay ang dating beauty queen at beterang aktres na si Pilar Pilapil ang natapat kay Moi.
Kuwento n’ya, nagka-eksena daw sila noon ng aktres sa isang show kung saan sasampalin s’ya nito. Habang nagre-rehearse daw sila para sa nasabing eksena ay tinotoo na raw ni Ms. Pilapil ang pagsampal sa kanya.
“Kasi may taping kami tapos may eksena kami na intense ’yong eksena. Ngayon, rehearsal pa lang kailangan n’ya akong sampalin,” panimulang throwback ni Moi sa encounter n’ya with Pilar.
Nagulantang na lang daw s’ya dahil isang malakas na sampal ang tumama sa mukha n’ya kahit na praktis pa lang ang ginagawa nila.
“Sinampal na n’ya ako rehearsal pa lang at ang sakit ng kamay n’ya, ’yong totoo ha, ’yong hindi eme-eme. Talagang namula ’yong [pisngi] ko,” pagre-recall ng komedyana sa nangyari.
Hindi raw n’ya napigilan ang sarili at tinanong n’ya ang veteran actress kung bakit nito tinotoo agad ang sampal samantalang hindi pa naman daw sila talaga nagti-take.
“Sabi ko sa kanya, ‘Tita, bakit mo naman ako sinampal? Rehearsal pa nga lang, e. Wala pang sinabi si direk na take. Alam mo, tita, ang sakit. Natanggal ang mga ngipin ko,’” natatawang recall ni Moi sa pagrereklamo n’ya that time.
“Alam mo kung anong sinabi [n’ya]? ‘Okey lang ’yan. Marami ka pa namang ngipin.’ Bastos, e, ’no? Hahaha!” natatawang sabi pa ni Moi.
Sey naman ng co-host ng show na si Camille Prats, nangyayari daw talaga ’yon minsan kapag nadadala sa eksena ang mga artista.
“Minsan talaga, Mars, nangyayari talaga [’yon] sa taping lalo na kapag may mga ganu’ng eksena. Hindi mo alam kung anong iniisip ng co-actor mo,” komento ni Camille sa mga inilahad ni Moi sa show.
“Pero ikaw, Mars, how did you take it?” pahabol na tanong pa ni Camille kay Moi.
Muli namang inulit ni Moi ang mga nasabi n’ya sa unforgettable experience n’yang iyon.
“‘Tita, wala pang take. Kumalma ka naman.’ Kasi ang sakit ng kamay n’ya kasi ilang beses na n’ya akong sinampal. Hindi s’ya ’yong fake, ha. Totoo. Pulang-pula ’yong dito ko, o,” pagtatapos ni Moi.
As of this writing ay wala pang reaksyon dito ang showbiz veteran na kasalukuyang napapanood sa First Lady sa GMA Telebabad.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Comments
Post a Comment