Marc Pingris and Danica Sotto are expecting their Baby No. 3!

PHOTOS: @jeanmarc15 on Instagram
Ayon kay Danica Sotto, dininig daw ng Diyos ang dasal nilang mag-asawa at perfect timing pa umano ang pagkakaloob sa kanila ng bagong angel. “Thank you Lord for our answered prayer. #godsperfecttime #baby3 #glorytogod,” pasasalamat ng aktres sa kanyang IG post kasama ang short video clip kung saan ipinakita nila ang ultrasound photo ng paparating nilang baby.
Madadagdagan na ang mga anak ng celebrity couple na sina Danica Sotto at Marc Pingris dahil buntis pala ang aktres ngayon para sa ikatlo nilang anak.
Si Marc mismo ang nagbalita n’yan kahapon, June 19, alinsabay sa pagdiriwang ng Father’s Day ngayong taon.
“Happy father’s day to me!!! [T]hank you Lord for another blessing! [S]a lahat ng mga daddy happy father’s day po sa inyo! #3 #pinoysakuragi #myqueen,” pahayag ng basketball player sa kanyang Instagram post.
Kalakip nito ang photo ng resulta ng ultrasound ng baby nila habang ang misis n’yang si Danica ang nasa background.
Ayon naman kay Danica, dininig daw ng D’yos ang dasal nilang mag-asawa at perfect timing pa umano ang pagkakaloob sa kanila ng bagong angel.
“Thank you Lord for our answered prayer. #godsperfecttime #baby3 #glorytogod,” pasasalamat ng aktres sa kanyang IG post kasama ang short video clip kung saan ipinakita nila ang ultrasound photo ng paparating nilang baby.
Ikinatuwa naman ang balitang ito ng kanilang mga fans, kaanak, and celebrity friends gaya nina Pauleen Luna, Oyo Sotto, Doug Kramer, Sam YG, Kitkat, Laura Lehman, and more.
Matatandaang ikinasal sina Danica at Marc noong 2007 at biniyayaan ng dalawang anak ang kanilang pagsasama, sina Jean Michael at Caela.
Hindi magtatagal ay magiging tatlo na ito dahil paparating na ang newest bundle of joy ng kanilang pamilya.
Congratulations, Marc and Danica!
YOU MAY ALSO LIKE:
Hard-court hero Marc Pingris, 5 babae ang ka-Valentine!
Pika’s Pick: Two-time PBA Finals MVP Marc Pingris retires from basketball after “16 glorious years.”
Danica Sotto, mami-miss daw manood ng games ng asawang si Marc Pingris sa hardcourt
Danica Sotto sa pagtakbo ni Marc Pingris nang naka-bra: “Ano ba naman kasi itong idea mo?”
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Comments
Post a Comment