Ken Chan, suportado ang dating ka-love team na si Rita Daniela sa pagbubuntis nito


Bumuhos ang pagbati at suporta mula sa fans and celebrity friends ni Rita Daniela matapos n’yang aminin na s’ya ay nagdadalang tao sa anak nila ng isang non-showbiz guy. At kabilang sa mga masasayang bumati sa kanya ang kanyang perennial ka-love team na si Ken Chan. “I’m here if you need anything at all, as a friend, as someone you can always rely on,” ani Ken.

PHOTOS: @akosikenchan on Instagram

Bumuhos ang pagbati at suporta mula sa fans and celebrity friends ni Rita Daniela matapos n’yang aminin na s’ya ay nagdadalang tao sa anak nila ng isang non-showbiz guy. At kabilang sa mga masasayang bumati sa kanya ang kanyang perennial ka-love team na si Ken Chan. “I’m here if you need anything at all, as a friend, as someone you can always rely on,” ani Ken.

Bumuhos ang pagbati at suporta mula sa fans and celebrity friends ni Rita Daniela matapos n’yang aminin na s’ya ay nagdadalang tao sa anak nila ng isang non-showbiz guy.

At kabilang sa mga masayang bumati sa kanya si Ken Chan na naging ka-love team partner n’ya sa ilang patok na teleserye gaya ng My Special Tatay (2018), One of the Baes (2019), at Ang Dalawang Ikaw (2021).

Kasunod ng pag-amin ng singer-actress na s’ya ay magiging isa nang ina kahapon, June 26, ay ang heartwarming message ni Ken sa kanya at sa kanyang upcoming baby sa social media. 

“Miracles are worth their weight in gold, if not many times more,” panimula ng aktor sa kanyang Facebook post kalakip ang photo ng aktres. 

Makakaasa raw si Rita sa kanyang suporta at dalangin umano n’ya ang safety nilang mag-ina. 

“I’m here if you need anything at all, as a friend, as someone you can always rely on. I pray to God for the utmost positivity, protection, support and love to surround you and your baby,” pagtitiyak ni Ken. 

“As a friend, as someone who cares, I’ll always be here for you no matter what,” dagdag pa n’ya.

“You’ve always been incredible and strong, and certainly, You. You’ve got this, and without a doubt, you will only continue on to be that much more incredible, always. 

“I am so proud of you Rita Daniela!” pagtatapos ni Ken. 
 

To you and your baby, Miracles are worth their weight in gold, if not many times more. I’m here if you need anything at…

Posted by Ken Chan on Sunday, June 26, 2022

Naganap ang big revelation ni Rita about her pregnancy sa Queendom segment ng Kapuso musical variety show na All-Out Sunday kahapon. 

“I’m  so, so happy and proud to say that I’m soon to be a mother. Happy mother’s day to me!” masayang anunsyo ng aktres.

Naging emosyonal din s’ya that moment at sinabing hindi daw n’ya balak na itago ang kanyang pagbubuntis. Humahanap lang daw s’ya ng tamang tiyempo para ipaalam ito sa publiko. 

“Wala naman po akong planong ilihim ito. Naghanap lang po ako ng tamang oras para sabihin and to share the new blessing in my life,” naiiyak na sabi n’ya. 

Sa kanya namang Instagram post kahapon din ay nagbigay ng mensahe si Rita sa kanyang paparating na baby. 

“My child, you came just in time. You are God’s greatest gift to me. You give me hope to make more dreams COME true. I shall do anything and everything that’s best for you. Always,” saad n’ya sa kanyang IG post kalakip ang series of photos n’ya and video ng kanyang pagpapa-ultrasound. 

“Nanay will always make sure that you have a heart for people and joy in the Lord,” pangako pa n’ya. 

“I can’t wait to meet you, anak. Ngayon pa lang, mahal na mahal na kita,” pagtatapos ni Rita. 

YOU MAY ALSO LIKE:

Ken Chan, aminadong na-in love kay Rita Daniela ng 70 percent

Jeremiah Tiangco, umaming crush n’ya si Rita Daniela: “Sobrang malapit [siya] sa puso ko.”

Ken Chan, masayang katambal si Bianca Umali; RitKen tandem nila ni Rita Daniela, buwag na nga ba?

Ken Chan, “inendorso” ang dating ka-loveteam na si Rita Daniela kay Rob Gomez

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Claire Castro, rumesbak sa “bastos” na basher ng sister niyang si Raffa

Jean Garcia, naiyak sa heartwarming birthday greeting ng anak niyang si Jennica

Love at the End of the World star Nico Locco signs up with the Viva Artists Agency