Janno Gibbs, maghihinay-hinay na muna sa mga social issues at pulitika


Sa kanyang IG post kagabi, July 7, inilahad ni Janno Gibbs na may mga fans daw na tila nauumay na sa mga pino-post n’ya sa social media kaya naman humingi s’ya ng tawad sa mga ito. “Nais ko pong humingi ng paumanhin sa mga followers ko na nagsasabing puro social at political ang posts ko lately. Ito pong July ay magiging busy napo ako uli sa showbiz. May bago po akong mga movie at kanta,” patikim pa n’ya sa kanyang mga followers.

PHOTO: @jannolategibbs on Instagram

Sa kanyang IG post kagabi, July 7, inilahad ni Janno Gibbs na may mga fans daw na tila nauumay na sa mga pino-post n’ya sa social media kaya naman humingi s’ya ng tawad sa mga ito. “Nais ko pong humingi ng paumanhin sa mga followers ko na nagsasabing puro social at political ang posts ko lately. Ito pong July ay magiging busy napo ako uli sa showbiz. May bago po akong mga movie at kanta,” patikim pa n’ya sa kanyang mga followers.

Nag-sorry ang comedian and singer-songwriter na si Janno Gibbs sa kanyang mga Instagram followers sa malimit na pagpo-post n’ya ng tungkol sa socio-political issues.

Sa kanyang IG post kagabi, July 7, inilahad ni Janno na may mga fans daw na tila nauumay na sa mga pino-post n’ya kaya naman humingi s’ya ng tawad sa mga ito.  

“Nais ko pong humingi ng paumanhin sa mga followers ko na nagsasabing puro social at political ang posts ko lately,” pahayag n’ya sa kanyang post.

Maghihinay-hinay na daw muna s’ya sa mga usaping may kinalaman pulitika and current affairs dahil tututok s’ya sa kanyang mga nakalinyang projects. 

“Ito pong July ay magiging busy napo ako uli sa showbiz. May bago po akong mga movie at kanta,” patikim pa n’ya sa kanyang mga followers.

Naglabas lang umano s’ya ng saloobin tungkol sa mga isyung panlipunan hindi lamang para sa kanyang sarili but also for those who cannot speak for themselves.

“Gusto ko lang po maghayag ng gustong sabihin ng iba ngunit di masabi. Sadyang nakakalungkot lang tlga ang mga nangyayari sa bansa,” aniya.

Pagtitiyak pa ni Janno, “Ibabalik ko din po ang posts ko na good vibes.”

Matatandaan na naging vocal si Janno sa paglalabas ng kanyang saloobin na may kinalaman sa pulitika simula nitong nagdaang campaign and election period. 

Ilang beses din s’yang nakipagsagutan sa mga bashers na pinupuntirya ang kanyang political stand. 

Ang pinakahuli nga ay nito lang July 4 kung saan binuweltahan n’ya sa kanyang IG post ang isang basher na tahasang nagmura sa kanya. 

Nag-ugat ito sa IG post ng actor last June 29 kung saan nagpahayag s’ya ng saloobin tungkol sa pagbabayad ng buwis. 

Sinabi n’ya doon na, “Bayaraan na naman ng Tax. Buti pa mahirap, walang babayaran. Buti pa mayaman, maraming paraan. Kawawa middle class, walang takas. Buti na lang wala akong trabaho.”

Deleted na sa ngayon ang Instagram post na ito ni Janno.

YOU MAY ALSO LIKE:

Sa pagsagot sa “pinaka” questions, Dennis Padilla, binistong siya ang may pinaka-maraming iniyakang babae, si Andrew E ang pinaka-mayaman, at si Janno Gibbs ang may pinaka-malaking “sandata”

Janno Gibbs, wala daw pakialam kahit may “bumakat” sa kanyang Mang Jose superhero costume

Buong pamilya at mga BFFs ni Janno Gibbs, suportado ang special screening ng Mang Jose

THIS IS SHOWBIZ #52—Janno Gibbs, inaming dalawang beses siyang muntik iwanan na ni Bing Loyzaga

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Sparkada’s Jeff Moses, nag-sorry sa mga nabiktima ng mga posers niya online

Heartthrob Kelvin Miranda and charming singer Ally Gonzalez are making perfect harmony together