Hiling ni Carmi Martin: “Sana mabigyan naman ng chance si Tom [Rodriguez].”


Isa ang aktres na si Carmi Martin na humihiling na sana’y maayos pa ng mag-asawang Tom Rodriguez at Carla Abellana ang kanilang gusot.

PHOTOS: @misscarmi_ & @akosimangtomas on Instagram; INSET: @carlaangeline on Instagram

Isa ang aktres na si Carmi Martin na humihiling na sana’y maayos pa ng mag-asawang Tom Rodriguez at Carla Abellana ang kanilang gusot.

May hiling ang seasoned actress na si Carmi Martin tungkol sa hiwalayang Carla Abellana at Tom Rodriguez.

Napa-react kasi ito sa pikapika.ph news item na tungkol sa umano’y text message lamang ng isang babae ang pinagmulan ng lamat ng relasyon ng estranged couple.

Iyan kasi ang nakarating na tsika sa comedian-vlogger at talent manager na si Ogie Diaz na kanya namang inilahad sa online show nila nina Mama Loi, Dyosa Pockoh, at Mrena na in-upload sa YouTube nitong June 13 na siya namang ginawan namin ng artikulo.

Ang dahilan pala ay may nabasa pala itong si Carla na message kay Tom na mayroong nagpi-flirt na babae, at itong pagpi-flirt na babae ay hindi naman masyadong binigyan ng pansin ni Tom, pero mas binigyan ng pansin ni Carla,” tsika ni Ogie sa vlog n’ya.

Dahil noon pa pala, kabilin-bilinan ni Carla, ‘Huwag mong gagayahin ang daddy ko!’  Siguro may trauma itong si Carla na ’yung daddy niya ay naging playboy noong araw—si Rey ‘PJ’ Abellanakaya ayaw niyang mangyari iyon sa kanyang asawa.” 

Pagpapatuloy ni Ogie, napapaisip  daw ang mga friends ng aktor na hiniwalayan agad ito ng asawa n’ya gayung hindi pa naman daw napapatunayan ang hinala ni Carla.

Pero nagtataka itong mga kaibigan ni Tom na hindi pa naman sure at bintang pa lang ito at feeling pa lamang ito ni Carla ay bakit agad tinapos agad ang kanilang relasyon,” aniya. 

“Imagine-in mo daw, pitong taon silang naging boyfriend-girlfriend, tapos last October 2021 lang kinasal… Aba! Ini-split-an mo na kaagad? Hiniwalayan daw agad. E di, naloka ang mga friends ni Tom. 

Parang, ‘Ganu’n na lang ba magtapo ng relasyon si Carla?’ Sa ibang mga relasyon, ’yong iba nga nahuli na nang nambabae, nambabae na, nagkaanak na sa ibang babae pero hindi pa rin ini-split-an. Ito daw ginive up ni Carla just like that ’yong relasyon nila ni Tom na napakatagal.”

Dagdag tsika pa n’ya, nagulat na lang daw si Tom na hindi na s’ya welcome sa bahay nila ni Carla nang minsang umuwi s’ya doon.

Ang nakarating na tsika sa akin Loi, isang araw ay dumating na lang si Tom sa kanilang bahay na naloka siya nasa labas na lahat ang gamit niya,” kuwento pa ng talent manager and content creator. 

Oo, hinagis daw lahat ang mga gamit. Nakakaloka parang teleserye. Takang-taka raw itong si Tom kung ‘Bakit nasa labas ng bahay namin ang mga gamit ko, ang mga damit ko?’” 

At present ay nasa US daw si Tom at nakikituloy sa mga kaibigan n’ya doon dahil wala naman umano itong mga kaanak dito sa bansa. 

Kasi daw, ayon sa mga friends ni Tom sa Pilipinas, kasi nga walang pera ’yong tao, walang pera si Tom. Alam naman daw ni Carla na walang kapera-pera si Tom,” pagbabalita pa ni Ogie. 

“[Sa ngayon ay] naghahagilap daw ng show, raket itong si Tom pero may mga umaawat daw dahil nakiusap daw ang kampo ni Carla. Parang pinapatay ang career ni Tom. Ewan ko kung totoo ’yan ha. Open naman tayo sa sagot o sa paged-deny ni Carla.”

Dahil sa abovementioned news item, mukhang naawa naman kay Tom ang aktres na si Carmi Martin kaya nakapag-saad siya ng komento na sana ay mabigyan pa ito ng pagkakataon. 

Nakatitiyak daw s’ya na mahal nito si Carla at lahat naman kasi ng tao ay nagkakamali.

“Sana mabigyan naman ng chance si Tom. I’m sure mahal na mahal nya si Carla. To err is human,” maikling komento ng seasoned actress sa Instagram post ng pikapika.ph last June 14 tungkol sa balitang ito. 

By that time ay hindi pa nagba-viral ang pagpapaliwanag ni Carla sa isang netizen sa mga naging dahilan ng kanilang hiwalayan.

Mukhang isa nga si Ms. Carmi sa mga TomCar supporters na umaasang hindi man magkabalikan ay maayos manlang ang gusot sa pagitan ng mag-asawa. Dati na silang nagkatrabaho si Carla sa Kapuso sitcom na “Ismol Family.”

Samantala, naglabas na nga rin ng kanyang side si Carla tungkol sa hiwalayan nila ni Tom kung saan idinahilan n’yang “I was disrespected. I was betrayed. I was lied to. I was used. I was shamed. I was made to look so stupid.”

Hindi lang umano sa kanya ito ginawa ni Tom kundi maging sa kanyang pamilya.

“Kung sana hanggang dun lang po makakabangon din po ako balang araw. Pero para gawan pa po ako at ang pamilya ko ng mas marami pang kasamaan at kataksilan sa mga sumunod na araw, linggo at buwan, sobra sa sobra na po ang sakit at pagdurog ng puso at pagkatao ko,” saad pa ni Carla.

Hindi pa rin naman makapaglabas ng kanyang side si Tom dahil umano sa gag order mula sa kampo ni Carla.

YOU MAY ALSO LIKE:

Tom Rodriguez at Carla Abellana, malabo na raw magkabalikan?

Rey “PJ” Abellana, nilinaw na “wala pong natuloy na one night stand” ang manugang niyang si Tom Rodriguez

Lolit Solis, nahihiwagaan sa kinahinatnan ng relasyon nina Carla Abellana at Tom Rodriguez: “Nakaka-curious kung ano ang naging discovery nila sa isa’t isa.”

Cryptic na babala ni Tom sa isang netizen na umusig sa kanya kung bakit niya sinaktan si Carla Abellana: “Baka magulat po kayong lahat pag lumabas na lahat lahat.”

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Claire Castro, rumesbak sa “bastos” na basher ng sister niyang si Raffa

Jean Garcia, naiyak sa heartwarming birthday greeting ng anak niyang si Jennica

Love at the End of the World star Nico Locco signs up with the Viva Artists Agency