BB Gandanghari, nakiramay kay Carmina Villarroel sa pagpanaw ng ama nito


BB Gandanghari to Carmina Villarroel: “I share with your grief at this time of bereavement. May the God Almighty grant your Dad eternal peace. Hugs to you," pagtatapos ni BB.”

PHOTOS: @gandangharibb & @mina_villarroel on Instagram

BB Gandanghari to Carmina Villarroel: “I share with your grief at this time of bereavement. May the God Almighty grant your Dad eternal peace. Hugs to you,” pagtatapos ni BB.”

Nagpaabot ng kanyang pakikiramay si BB Gandanghari sa aktres na si Carmina Villarroel sa pagpanaw ng ama nitong si Daddy Regy.

Last June 7 nang pumanaw ang tatay ni Carmina, at ngayong araw, June 15, nagpost ang Kapuso actress-host ng video ng pagpapalipad nila ng white baloons for their beloved late dad.

“We love you Daddy Regy,” pahayag niya sa inilagay niyang caption.

Dito nagkomento ang US-based na si BB at inilahad ang kanyang pakikiramay kay Carmina at sa pamilya nito.

“I’m so sorry to hear… My sincere condolences and deepest sympathy to you and your family,” panimula ng actress-vlogger sa kanyang comment.

Inisa-isa niya rin ang magagandang katangian ng daddy ni Mina noong nabubuhay pa ito at karangalan umano sa kanya na nakilala niya ito.

“Daddy Regy is one of the most respectable, kindest and coolest person I have ever met,” aniya. 

“I feel privileged and pleased to have come to know your Dad that I’ve looked up to him from afar,” dagdag pa niya. 

“I share with your grief at this time of bereavement. May the God Almighty grant your Dad eternal peace. Hugs to you,” pagtatapos ni BB.

Tumugon naman dito si Carmina by saying, “@gandangharibb Thank you.”

SCREENSHOT: @mina_villarroel on Instagram

Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na dating magkasintahan at eventually ay naging mag-asawa noong 1994 sina Carmina at Rustom Padilla, ang dating katauhan ni BB Gandanghari. Taong 1997 naman nang sila ay maghiwalay at tuluyang napawalang bisa ang kanilang kasal noong 2002.

Muli namang ikinasal si Carmina noong 2012 sa long-time partner niyang si Zoren Legaspi na siyang ama ng kambal nilang sina Cassy at Mavy.

It was in 2009 naman nang mag-out si Rustom sa tunay niyang pagkatao hanggang sa eventually ay nilapatan niya iyon ng pangalan na BB Gandanghari.

YOU MAY ALSO LIKE:

Advise ni BB Gandanghari sa pamangking si Kylie Padilla at kay Aljur Abrenica: “Try to keep your dirty linen in the washroom.”

Matapos mag-okrayan sa kani-kanilang vlogs noon, Ogie Diaz at BB Gandanghari, nagka-ayos na!; Ogie, nagprisinta pang maging agent ni BB sa Pilipinas

Carmina Villarroel, asiwa sa paggawa ng intimate scenes kahit si Zoren Legaspi ang ka-eksena?

Exclusive: Cassy Legaspi, ready nang bumukod sa family, Zoren at Carmina, umapela

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Claire Castro, rumesbak sa “bastos” na basher ng sister niyang si Raffa

Jean Garcia, naiyak sa heartwarming birthday greeting ng anak niyang si Jennica

Love at the End of the World star Nico Locco signs up with the Viva Artists Agency