AJ Raval on pregnancy issue: “Not true.”


Unang lumabas ang balitang buntis daw ang sexy actress sa column ng beteranang manunulat na si Aster Amoyo sa Journal news online noong June 23, kung saan inuulat niyang ang pagbubuntis nito ang dahilan kung bakit pinalitan ito sa pagbibida sana sa second remake ng iconic movie na Scorpio Nights. Nasundan pa ito ng Instagram post naman ng veteran showbiz writer/insider and talent manager na si Lolit Solis last June 27.

PHOTO: @ajravsss on Instagram

Unang lumabas ang balitang buntis daw ang sexy actress sa column ng beteranang manunulat na si Aster Amoyo sa Journal news online noong June 23, kung saan inuulat niyang ang pagbubuntis nito ang dahilan kung bakit pinalitan ito sa pagbibida sana sa second remake ng iconic movie na Scorpio Nights. Nasundan pa ito ng Instagram post naman ng veteran showbiz writer/insider and talent manager na si Lolit Solis last June 27.

Natatawa na lang at itinanggi ng aktres na si AJ Raval tungkol sa bali-balitang buntis daw s’ya at ang ama umano nito ay ang rumored boyfriend n’yang si Aljur Abrenica.

Pinasinungalingan n’ya ang tsika sa direct message sa kanya ng social media personality na si Senyora tungkol nga sa isyu na buntis daw s’ya.

Ipinadala kasi nito sa kanya ang isang art card ng Philippine Star na naglalaman ng headline na “IS AJ RAVAL EXPECTING FIRST CHILD WITH ALJUR ABRENICA?”

“True stone [Totoo ba ’to]?” tanong pa ng online personality sa kanya. 

Sagot naman ni AJ dito: “Omg hahaha. Grabe na showbiz hahaha. Not true.”

Ipinost pa ni Senyora sa Facebook ang screenshot ng usapan nilang dalawa at sinabing, “NOT TRUE | Itabi n’yo Philstar. Ako na! Inalam ko na mismo sa source.”

Unang lumabas ang balitang buntis daw ang sexy actress sa column ng beteranang manunulat na si Aster Amoyo sa Journal news online noong June 23, kung saan inuulat niyang ang pagbubuntis nito ang dahilan kung bakit pinalitan ito sa pagbibida sana sa second remake ng iconic movie na Scorpio Nights.

Nasundan pa ito ng Instagram post naman ng veteran showbiz writer/insider and talent manager na si Lolit Solis last June 27.

Nakarating daw kasi sa kanya ang tsika na preggy itong AJ Raval at si Aljur Abrenica nga daw ang ama nu’ng baby kaya nagtanong s’ya kung may katotohanan ba ito. 

“Tutoo kaya Salve ang balita kila Aljur Abrenica at AJ Raval na magkakaruon na sila ng baby?” panimulang tanong ni Manay Lolit sa kanyang Instagram post. 

Nagpahayag pa ng panghihinayang si Manay Lolit dahil kung totoo daw ang balitang ito ay nangangahulugan na malabo na talagang magkabalikan pa sina Aljur at estranged wife nitong si Kylie Padilla

“Naku, ibig sabihin wala na talagang balikan sila Aljur at Kylie Padilla. Akala pa naman ng lahat puwede pang magkaruon ng ayos ang relasyon ng dalawa dahil sa 2 nilang anak. “Sayang naman dahil kahit away bati lagi naman nagkakasundo uli ang dalawa,” lahad n’ya. 

“Well, talaga siguro na ganyan ang buhay, mapaghamon talaga ang mga pangyayari. Hindi na nga siguro magkakaruon pa ng chance sila Aljur at Kylie dahil meron ng AJ sa pagitan nila,” saad pa ni Manay Lolit.

Nakakalungkot din umano ito para sa anak nina Aljur at Kylie na sina Alas Joaquin at Axl Romeo. However, deserve naman daw ng estranged couple na maging masaya kahit hindi na sa piling ng isa’t isa. 

“How sad para sa dalawang anak nila. Pero pareho naman silang may karapatan humanap ng ligaya kundi na sila magkasundo,” aniya. 

“We both wish them happiness, more than ever,” pagtatapos ni Manay Lolit. 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika’s Pick: Aljur Abrenica and AJ Raval create buzz anew as they spend Valentine’s Day together in Leyte

Aljur Abrenica, kumpiyansang malaki ang maitutulong ng biyenan niyang si Robin Padilla sa entertainment industry once umupo na itong senador

Muling banat ni Lolit Solis sa pagiging “mega star of all season” umano ni Bea Alonzo: “Talagang ikaw na ang reyna, queen, madam, boss of all time, bongga ka.”

Kylie Padilla, bukas na sa pagkakaroon ng manliligaw pero may mga kondisyon: “Marami ng checklist, e. Marami na silang dadaanan.”

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Claire Castro, rumesbak sa “bastos” na basher ng sister niyang si Raffa

Jean Garcia, naiyak sa heartwarming birthday greeting ng anak niyang si Jennica

Love at the End of the World star Nico Locco signs up with the Viva Artists Agency