Netizens, gandang-ganda kay Baby Dylan ng DenJen (Dennis Trillo and Jennylyn Mercado) couple


May 5, 2020 pala ang original due date ni Jennylyn Mercado kay Baby Dylan. Pero noong April 25, na dapat ay last prenatal check-up lang sana niya, hindi na sila nakauwi ng bahay dahil nalaman ng kanyang doctor na open na ang kanyang cervix. Parehong aminado sina Dennis at Jennylyn na hindi pa sila ready that day. Pero natawang sabi nga ni Jen sa vlog, “Check-up lang kami dapat ngayon, bigla na lang kami… hindi kami ready.” After three days, na-discharge na si Jen at naiuwi na nila ang pretty baby girl nila sa bahay.

Photos: @mercadojenny / screenshot Jennylyn Mercado YouTube Channel

May 5, 2020 pala ang original due date ni Jennylyn Mercado kay Baby Dylan. Pero noong April 25, na dapat ay last prenatal check-up lang sana niya, hindi na sila nakauwi ng bahay dahil nalaman ng kanyang doctor na open na ang kanyang cervix. Parehong aminado sina Dennis at Jennylyn na hindi pa sila ready that day. Pero natawang sabi nga ni Jen sa vlog, “Check-up lang kami dapat ngayon, bigla na lang kami… hindi kami ready.” After three days, na-discharge na si Jen at naiuwi na nila ang pretty baby girl nila sa bahay.

Sa June 25, two months old na ang baby girl ng mag-asawang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

At sa kauna-unahang pagkakataon, sa mismong YouTube Channel ni Jennylyn ay nag-face reveal na silang mag-asawa ng baby nila. Nasa tummy pa lang ni Jen ang baby girl nila, tinatawag na nila ito sa initial ng pangalan na Baby D, na ang tunay na pangalan pala ay Dylan.

Halos iisa ang comment ng mga netizen, “ang gandang baby!”

Sa “After All” series ng YouTube vlog ni Jennylyn, ipinakita at inilahad nila ni Dennis ang naging journey nila mula sa pagpasok nila sa St. Luke’s Hospital hanggang sa discharge nila after three days.

May 5 pa raw sana ang due date ni Jennylyn, pero noong April 25 kunsaan, last prenatal check-up lang sana niya, hindi na sila nakauwi ng bahay dahil nalaman ng kanyang doctor na open na ang kanyang cervix. 

Sa naturang vlog, ipinaliwanag mismo ng kanyang Obstetrician/Gynecologist na si Dr. Judy Ann Uy de Luna, na doctor na raw ni Jen teenager pa lang ito hanggang sa maipanganak si Alex Jazz, na hindi na nga raw p’wedeng maghintay pa sa due date ng actress.

Parehong aminado sina Dennis at Jennylyn na hindi pa sila ready that day. Pero natawang sabi nga ni Jen sa vlog, “Check-up lang kami dapat ngayon, bigla na lang kami… hindi kami ready.”

Ipinanganak ni Jennylyn ang baby nila sa pamamagitan ng Cesarean section. 

Nakuha pa nitong magbiro nang sabihin ni Dennis na three hours na lang daw at hihiwain na siya. Sakay naman ni Jen: “Ia-unbox na ’ko.”

Hindi ini-allow si Dennis sa loob ng room habang sumasailalim sa Cesarean procedure ni Jennylyn, pero siya ang mismong pumutol sa umbilical cord ng baby nila. 

Sa isang banda, sa nursery tour vlog ni Jennylyn, may isang buwan na ang nakararaan, doon palang nila ni-reveal na nanganak na nga ang Kapuso actress.

YOU MAY ALSO LIKE:

Jennylyn Mercado, magpapa-check up lang dapat pero biglang napaanak na kay Baby D?

Dennis Trillo to Jennylyn Mercado: “Hindi ko alam kung makakahanap pa ako ng pagmamahal na katulad ng binigay mo sa akin.”

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Sparkada’s Jeff Moses, nag-sorry sa mga nabiktima ng mga posers niya online

Heartthrob Kelvin Miranda and charming singer Ally Gonzalez are making perfect harmony together