Lani Mercado, nadulas sa sekreto umanong relasyon nina Sandro Marcos at Alexa Miro


“Bongga, crush ng bayan ang batang Marcos, heto at meron pala isang starlet na nakuha ang attention ng binata. Kaloka dahil isang achiever si Sandro na sa batang edad ay isa ng congressman at hinuhulaan na mas mataas pa ang mararating sa larangan ng pulitika.” komento ni Lolit Solis sa balitang magkasintahan sina Alexa Miro at presidential son Sandro Marcos.

PHOTOS: @mayorlanimrevilla on Facebook, @gamazonjenny27 & @alexamiro.m on Instagram

“Bongga, crush ng bayan ang batang Marcos, heto at meron pala isang starlet na nakuha ang attention ng binata. Kaloka dahil isang achiever si Sandro na sa batang edad ay isa ng congressman at hinuhulaan na mas mataas pa ang mararating sa larangan ng pulitika.” komento ni Lolit Solis sa balitang magkasintahan sina Alexa Miro at presidential son Sandro Marcos.

Hindi sinasadyang maibuking ni Cavite Congresswoman-elect Lani Mercado-Revilla ang sikretong relasyon sa isa raw aktres with incoming Ilocos Norte Representative Sandro Marcos.

Nangyari ito sa Facebook Live ng mister n’yang si Senator Bong Revilla noong bago magsimula ang inauguration ceremony ni Vice President-elect Sara Duterte nitong June 19 sa Davao City.

Sa nasabing FB Live kasi, kinamayan ni Lani ang anak ni President-elect Bongbong Marcos nang lumapit ito sa puwesto nilang mag-asawa.

“Hello, Sandro,” bati ni Mayor Lani kay Sandro at nakipag-handshake dito. 

Ang girlfriend mo pala is taga-Bacoor. Nakuwento ni Bryan sa akin,” saad pa n’ya na ang tinutukoy ay ang eldest son nila ni Senator Bong na si Bryan Revilla. 

Tugon naman ni Sandro, “Yes po.” 

Bagama’t hindi na kita sa video, mababakas na bumalik ang binatang pulitiko at nakiusap sa kanya na, “But atin-atin na lang ’yan, ha?

“Yes, Sir,” kaagad naming tugon ni Lani. 

“Whoah… may sekreto ka ha,” pa-simpleng kantiyaw naman ni Senator Bong kay Sandro. 

Sa recent Instagram post naman ng showbiz news writer/insider at talent manager na si Lolit Solis, diretsahan n’yang pinangalanan ang girlfriend umano ni Sandro at ito ay walang iba kundi ang aktres na si Alexa Miro.

Ayon sa balitang ipinost n’ya, last year pa daw naging mag-on ang dalawa pero quiet lang sila sa kanilang relasyon. 

“Talagang nagkaruon ng baptism of fire sa showbiz si Sandro Marcos, Salve. Usapan na nali link siya kay Alexa Miro, isang sexy starlet na kasali sa Lunch Out Loud,” sey naman ni Manay Lolit sa kanyang caption. 

“Bongga, crush ng bayan ang batang Marcos, heto at meron pala isang starlet na nakuha ang attention ng binata. Kaloka dahil isang achiever si Sandro na sa batang edad ay isa ng congressman at hinuhulaan na mas mataas pa ang mararating sa larangan ng pulitika,” dagdag pa n’ya.

Ayos lang naman daw kung magka-in love-an ang dalawa dahil kapwa naman sila single. 

“Wala naman masama na ma link siya kay Alexa dahil pareho naman silang single. Hindi naman ibig sabihin ito na ang isang seryosong relasyon,” aniya. 

“Single at puwede mag mingle kahit kanino si Cong Sandro at tiyak na marami pa ang mali link sa kanya dahil prize catch siya na isang certified bachelor.”

Pagwa-warning pa n’ya sa binatang Marcos ngayong pumasok na ito sa pulitika, mukhang mas marami pa umanong tsika ang lalabas at mali-link s’ya sa kung kani-kaninong babae. 

“Maraming babae na gugustuhin ma link sa kanya, kaya humanda na siya sa mga balitang tulad nito. Lalo pa nga at ngayon lang uli nagkaruon ng eligible bachelor na mataas ang premium para sa mga naghahanap ng Papa, hah hah hah,” pahayag ni Manay Lolit.

“Huwag lang kay Gorgy at Salve ma link si Cong Sandro, ok lang, no problem. Binatang binata at pogi, shy not (sic),” pagtatapos n’ya. 

As of this writing ay kapwa tikom naman sina Sandro at Alexa kung totoo ba ang mga lumabas na ulat tungkol sa umano’y relasyon nila.

Nauna nang umingay ang pangalan ni Alexa Miro dahil sa mapangahas niyang pagganap sa erotic movie na A Girl + A Boy ni Erik Mati na nag-No.1 pa sa Netflix kamakailan at lumabas din siya sa Precious Hearts Romance Presents: Araw-Gabi ng ABS-CBN noong 2018.

YOU MAY ALSO LIKE:

Sen. Bong Revilla, sumagot na sa issue with Janine Gutierrez: “Wala na sa akin ’yon.”

Direk Erik Matti, #bothered sa pagiging #unbothered ni Toni Gonzaga

Pika’s Pick: Sen. Bong Revilla and Mayor Lani Mercado celebrate 23rd church wedding anniversary

Lolit Solis to Ai-Ai delas Alas: “Hay naku, isip isip kasi, gamitin ang utak.”

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Sparkada’s Jeff Moses, nag-sorry sa mga nabiktima ng mga posers niya online

Heartthrob Kelvin Miranda and charming singer Ally Gonzalez are making perfect harmony together