Kyle Echarri, nananawagan ng dasal para sa sister niyang may brain tumor


Ayon kay Kyle Echarri, nagsimula raw ang pagpapagamot ng younger sister n’yang si Bella kaya nananawagan siya sa kanyang mga followers na isama sa mga dasal nila ang agarang paggaling ng kanyang kapatid. “She has finished her radiation treatment and now I’m asking for everyone’s prayers for my baby sister,” pagsusumamo n’ya.

PHOTOS: @kyleecharri on Instagram

Ayon kay Kyle Echarri, nagsimula raw ang pagpapagamot ng younger sister n’yang si Bella kaya nananawagan siya sa kanyang mga followers na isama sa mga dasal nila ang agarang paggaling ng kanyang kapatid. “She has finished her radiation treatment and now I’m asking for everyone’s prayers for my baby sister,” pagsusumamo n’ya.

Humihingi ng dasal ngayon ang singer-actor na si Kyle Echarri para sa nakababata niyang kapatid na si Bella.

Sa Instagram post ng Kapamilya artist ngayong araw, June 22, ibinahagi n’ya ang malungkot na balitang may brain tumor ang kanyang younger sister. 

“My baby sister Bella has been my world since the day she was born,” panimula ni Kyle sa kanyang IG post kalakip ang series of photos nila ni Bella. 

“Just yesterday I was told by my family that my little girl was diagnosed with a brain tumor on May 2nd and she wanted to hide it from me because she said she didn’t want me to get stressed while I was working,” malungkot na lahad ng aktor. 

Masakit umano para sa kanya ang sitwasyon ni Bella dahil mahal daw n’ya ang kanyang kapatid nang higit pa sa kanyang sarili.

“To say it hurts is an understatement… I love this girl 10x more than I love myself,” he wrote.

Nagsimula na rin umano ang pagpapagamot ni Bella kaya nananawagan si Kyle sa kanyang followers na isama sa mga dasal nila ang agarang paggaling ng kanyang kapatid. 

“She has finished her radiation treatment and now I’m asking for everyone’s prayers for my baby sister,” pagsusumamo n’ya.

Pagbibida pa n’ya tungkol kay Bella: “She’s the most beautiful, smart, and amazing little kid that I will love forever.”

Nagpapakapositibo rin daw ang kanilang pamilya na malalagpasan ni Bella ang sakit n’ya. 

“We have all high hopes and I’m hoping everyone can help pray for complete healing for my little girl,” pagtatapos ni Kyle.

Nagpaabot naman ng suporta at dasal ang kanyang mga fans and celebrity friends gaya nila AC Bonifacio, Cassy Legaspi, Darren Espanto, Zephanie, Lala Vinzon, Luke Conde, Jay Gonzaga, and more. 

SCREENSHOT: @kyleecharri on Instagram
SCREENSHOT: @kyleecharri on Instagram
SCREENSHOT: @kyleecharri on Instagram

We are sending our prayers for your sister, Kyle.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Sparkada’s Jeff Moses, nag-sorry sa mga nabiktima ng mga posers niya online

Heartthrob Kelvin Miranda and charming singer Ally Gonzalez are making perfect harmony together