Francine Diaz, inilahad ang mahirap na parte sa pagkakaroon ng ka-love team


After Kyle Echarri, si Seth Fedelin naman ang bagong ka-loveteam ni Francine Diaz. Mapapanood and #FranSeth loveteam sa Dirty Linen kasama sina Janine Gutierrez at Zanjoe Marudo soon on Kapamilya Channel and other ABS-CBN digital platforms.

PHOTOS: @francinesdiaz on Instagram

After Kyle Echarri, si Seth Fedelin naman ang bagong ka-loveteam ni Francine Diaz. Mapapanood and #FranSeth loveteam sa Dirty Linen kasama sina Janine Gutierrez at Zanjoe Marudo soon on Kapamilya Channel and other ABS-CBN digital platforms.

Hindi na raw bago sa young Kapamilya actress na si Francine Diaz na maitambal sa iba-ibang young actors dahil noon pa man daw ganu’n na ang nangyayari. 

Iyan ang sinabi n’ya sa interview sa kanya ni Luis Manzano sa online show nitong Luis Listens na in-upload kahapon, June 21, sa YouTube.

Natanong kasi ang aktres kung ano ang mahirap sa pagkakaroon ng bagong ka-love team.

Minahal kasi ng viewers ang tambalan nila noon ni Kyle Echarri sa top-rated afternoon drama na Kadenang Ginto (2018-2020). Pero ngayon, si Seth Fedelin naman ang magiging ka-love team n’ya sa isang serye. 

Ayon kay Chin, nickname ni Francine, naranasan na daw n’yang maitambal sa iba noon kaya hindi na bago na sa kanya ang mai-partner sa iba na naman. 

“Before Seth naman, meron akong ibang nakasama. Like sa Bola-Bola, si Akira [Morishita], si KD [Estrada] at si Ashton [Salvador],” paliwanag ng dalagang aktres. 

“Even before pa na magkaroon ng mga Akira, meron din ako… kasi parati ’yong role ko young character ng lead role. S’yempre, ’yong mga young character ng mga ka-love team nila parang naka-partner ko na din,” saad pa n’ya. 

“So, parang hindi bago sa akin ’yong meron akong mga bagong nakakasama na guys sa mga serye.”

Pero kung may mahirap man daw na parte sa pagkakaroon ng ka-love team, ito daw ’yong pagiging possessive ng ilang fans. 

Masyado daw kasing love-team oriented ang mga tagahanga at ayaw nilang maitambal sa iba ang paborito nilang mag-love team partners. 

Siguro ang mahirap lang sa part ng love team is ine-expect nila na kayo talaga. On and off cam dapat mag-boyfriend-girlfriend kayo,” pangri-real talk ni Francine. 

Natanong naman s’ya ni Luis kung nakapag-usap na ba sila ni Seth sa kung ano ang gagawin nila ngayong sila na ang magtatambal sa susunod nilang project.

Sabi ko, ‘Umalis ka na lang. Kaya ko na ’to.’ Hahahaha!” natatawang pagbibiro n’ya. “Mayabang. ‘Hindi, ’wag ka na tumayo. Sa bahay ka na lang.’ Hahahaha!”

Kidding aside, masaya daw sila sa bagong project at gagawin daw nila ang kanilang makakaya para makapaghatid ng saya at kilig sa kanilang mga manonood bilang iyon ang trabaho nila. 

Pero ’yong totoo, kami naman kasi kung ano ang ibinibigay sa amin ginagawa naming ’yong best namin. Hangga’t may opportunity or blessings na nabibigay sa inyo, kunin n’yo ’yon with all your heart. Mahalin n’yo,” saad n’ya.

Ngayon, ’yong mga nabibigay sa aming blessings…ginagalingan lang din naming du’n sa trabaho namin. Minamahal lang naming s’ya,” pagtatapos ni Chin.

Mapapanood sina Franchine at Seth sa Dirty Linen kasama sina Janine Gutierrez at Zanjoe Marudo soon on Kapamilya Channel and other ABS-CBN digital platforms.

YOU MAY ALSO LIKE:

Ina ni Francine Diaz, may himutok kay Seth Fedelin; talak naman kay Andrea Brillantes: “Sobra ka na!”

Dahil sa showbiz na nagbinata, Kyle Echarri, hindi nakaranas ng normal high school life

Francine Diaz, gusto ng “happy heart” pero ayaw muna ng love life

New home owner Francine Diaz, hindi malimutan ang pagpapa-utang sa kanya ni Melai Cantiveros ng pambayad ng tubig at kuryente noon walang-wala pa siya

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Sparkada’s Jeff Moses, nag-sorry sa mga nabiktima ng mga posers niya online

Heartthrob Kelvin Miranda and charming singer Ally Gonzalez are making perfect harmony together