Ai-Ai delas Alas mourns the passing of her adoptive mom, Justa delas Alas


Nagpasalamat si Ai-Ai delas Alas sa kanyang Nanay Justa na kumupkop sa kanya at itinuring s’yang parang tunay na anak. Hindi na raw kasi ito nagkaroon ng asawa at sariling pamilya. “[I] love you and thank you sa pag mamahal , pag alaga , at pag papaaral sa akin. Rest ka na mama.”

PHOTOS: @msaiaidelasalas on Instagram

Nagpasalamat si Ai-Ai delas Alas sa kanyang Nanay Justa na kumupkop sa kanya at itinuring s’yang parang tunay na anak. Hindi na raw kasi ito nagkaroon ng asawa at sariling pamilya. “[I] love you and thank you sa pag mamahal , pag alaga , at pag papaaral sa akin. Rest ka na mama.”

Nagluluksa ngayon si Comedy Queen Ai-Ai delas Alas sa pagpanaw ng adoptive mother niyang si Justa delas Alas.

Si Mommy Justa ay tiyahin ni Ai-Ai dahil kapatid ito ng biological father n’ya. Ito na ang nagpalaki at nagpa-aral sa kanya hanggang sa tuluyan na n’yang pinasok ang pag-aartista.

Sa kanyang Instagram post kahapon, June 23, ibinalita ng Kapuso comedienne na sumakabilang buhay na ang kinilala niyang nanay sa edad na 93.

Binawian umano ng buhay si Mommy Justa dalawang araw matapos lumipad si Ai-Ai pabalik sa Amerika kaya kahit paano ay nagkita pa sila. 

“Ma mi miss kita MAMA, MOMMY, MOTHER GOOSE, MUDRAKELS, and originally INAY,” panimula ni Ai-Ai sa kanyang pa-tribute sa pumanaw n’yang nanay.

Kalakip nito ang isang short throwback video na kinunan noong nag-celebrate si Mommy Justa ng kanyang 90th birthday.

“90th bday nya to .. hindi na nya inabot sa july 19 dapat 94 na sya,” lahad ng komedyana sa kanyang IG post.

Saad pa n’ya, “dbale mama goodlife ka naman atsaka hindi ka nahirapan sa pag alis mo (the best ka talaga LORD super pray ako kanina na wag ka mahirapan and hindi nga ).”

Nagpasalamat din s’ya sa kanyang late mom na kumupkop sa kanya at itinuring s’yang parang tunay na anak. Hindi na raw kasi ito nagkaroon ng asawa at sariling pamilya. 

“[I] love you and thank you sa pag mamahal , pag alaga , at pag papaaral sa akin. Rest ka na mama,” she wrote.

“[K]amusta mo ako kay LORD AND MAMA MARY,” pagtatapos ni Ai-Ai.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang kanyang mga fans, kaibigan at kasamahan sa showbiz gaya nina Zsa Zsa Padilla, Iza Calzado, Rita Daniela, Lovely Rivero, Sugar Mercado, Princess Punzalan, Anthony Rosaldo, and more. 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pa-bulaklak ng mister, nagpa-hagulgol kay Ai-Ai delas Alas

Mayor Joy Belmonte, walang planong panoorin ang spoof video ni Ai-Ai Delas Alas; Ai-Ai, deadma sa batikos pero usig ni Lolit Solis: “Magkano ba Ai Ai? Masyado bang malaki para gawin mo ’yan?”

QC Councilor Ivy Lagman on Ai-Ai delas Alas and Direk Darryl Yap: “Gusto lang naman namin na mag-apologize sila sa ginawa nila.”

Lolit Solis to Ai-Ai delas Alas: “Hay naku, isip isip kasi, gamitin ang utak.”

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Gab Lagman, bukas sa posibilidad na matuloy ang naudlot na romance with Sanya Lopez?

Sparkada’s Jeff Moses, nag-sorry sa mga nabiktima ng mga posers niya online

Heartthrob Kelvin Miranda and charming singer Ally Gonzalez are making perfect harmony together