Maja Salvador considers "Walk of Fame" star a gift for her two-decade showbiz career
-feature.jpg?v=1674208426)
PHOTOS: @maja on Instagram
“Ang magtrabaho at malagay sa hanay ng mga iniidolo ko, at mga haligi ng industriya, ay isang karangalan na papahalagahan ko magpakailanman.”—Maja Salvador appreciation message after being honored with her own star at the Eastwood City Walk of Fame.
Regalo kung ituring ng actress-TV host na si Maja Salvador ang pagkakaroon n’ya ng sariling star sa Eastwood City Walk of Fame.
Kabilang ang aktres sa siyam na pinarangalan ng German Moreno Walk of Fame Foundation ngayong taon kung saan ginawaran sila ng star sa Eastwood City in Quezon City nitong Miyerkules, January 18.
Ayon sa Eat Bulaga! co-host, karangalan para sa kanya ang maihilera sa mga tinitingalang icons ng showbiz industry.
“Ang magtrabaho at malagay sa hanay ng mga iniidolo ko, at mga haligi ng industriya, ay isang karangalan na papahalagahan ko magpakailanman [star and folded hands emojis],” pahayag ni Maja.
Kalakip nito ang series of photos n’ya kasama ang fiancé na si Rambo Nunez, iba pang awardee, at ang kanyang newly unveiled Walk of Fame star.
Sumakto nga daw ito bilang regalo sa kanya ngayong nagse-celebrate s’ya ng kanyang ikalawang dekada bilang artista.
“Maraming maraming salamat sa regalong ito sa aking 20th year sa showbiz [yellow heart emoji],” pagtatapos ng aktres.
S’yempre, proud fiancé si Rambo para kay Maja lalo pa’t pinaghirapan umano ng kanyang bride-to-be ang pagkilalang ito.
“Earned, not Given [star emoji] Continue proving why you’re a star not just as a celebrity, but also as a person [yellow heart emoji],” komento nito ni IG post ni Maja.

Dinagsa naman ng pagbati ang aktres mula sa kanyang fans at mga kaibigan sa industriya gaya nina Empoy Marquez, Kakai Bautista, Jake Cuenca, Ryan Agoncillo, at marami pang iba.



Ilan pa sa nabigyan ng star sa Eastwood City Walk of Fame sina Olympic gold medalist Hidilyn Diaz, National Artist for Film and Broadcast Ricky Lee, ABS-CBN reporter Mario Dumaual, radio broadcaster Gerry Baja, singer Janet Basco, social media stars Ranz Kyle and Niana Guerrero, and the late actor and National Artist for Theater Tony Mabesa.
Na-establish ang Eastwood City Walk of Fame, na ipinattern sa Hollywood Walk of Fame sa California, noong 2005 ng late showbiz icon and star maker na si German “Kuya Germs” Moreno.
Ipinagpapatuloy ito ngayon ng kanyang anak na si Federico Moreno na s’yang president ng German Moreno Walk of Fame Foundation.
At present ay mahigit 300 personalities na mula sa iba’t ibang larangan gaya ng pelikula, TV, music, sports, and news ang nagawaran na nila ng pagkilala.
YOU MAY ALSO LIKE:
Maja Salvador and Rambo Nuñez, aasikasuhin na ang wedding preps pagkatapos ng Oh My Korona launch
Maja Salvador, tuluyan nang tumawid from drama actress to comedian
Maja Salvador advocates health and wellness
Pika’s Pick: Fans celebrate Maja Salvador’s first anniversary as an Eat Bulaga Dabarkads
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Comments
Post a Comment