Chito Miranda, nananawagan ng tulong para sa ka-bandang may lymphoma; overwhelmed sa dami ng nag-reach out

PHOTOS: @ChitoMirandaJr on Facebook
Ayon kay Chito Miranda, kahit daw may sakit ay patuloy na nag-gigitara para sa Parokya ni Edgar si Garbriel Chee Kee until pinayuhan na umano ito ng doktor na magpahinga kaya naman nagpasya silang mga ka-banda nito na hindi muna sila tutugtog. “Pero kina-usap kami ni Gab and asked us to continue playing… So we did. We owe it to Gab, and more importantly, to everyone na patuloy na sumusuporta sa Parokya, to continue playing.”
Humihingi ng tulong ngayon ang singer-songwriter at Parokya ni Edgar vocalist na si Chito Miranda para sa best friend at ka-banda niyang may sakit.
Sa kanyang Instagram post kagabi, January 18, nanawagan ng financial assistance si Chito para sa gitarista nilang si Gabriel Chee Kee.
“Hi everyone. Nag-decide kami na i-update na kayo regarding Gab’s situation,” panimula ni Chito a kanyang IG post.
Sasailalim umano ito sa gamutan kaya hindi muna nila ito makakasamang tumugtog.
“Gab needs to undergo treatment, and won’t be able to play until he makes a full recovery,” lahad ni Chito.
“Gab is the heart of the band, and it doesn’t feel like Parokya kung wala sya.”
Kuwento pa niya, nasa high school palang daw sila ay magkaibigan na sila ni Gab at ito na ang gitaristang nakasanayan niya.
“Bestfriend ko si Gab mula 1st year highschool, and sya lang yung palagi kong ka-jamming bago pa naming ma-isipan mag-buo ng banda…at kahit nung naging Parokya na kami, si Gab pa rin yung sinusundan ko whenever we perform live,” pagbabahagi ni Chito.
“Gitara yung sinasabayan ko tuwing gig, sa kanya ko kinukuha yung tono, at sa kanya ko din tinatanong kung nasa tono ba ako o wala.
“And I wouldn’t have it any other way. Yun yung reason kung bakit ayoko tumugtog with Parokya kung wala sya,” dagdag pa niya.
At sa puntong ito na niya ipinagtapat ang iniindang sakit na dumapo kay Gab.
“Gabriel was diagnosed with lymphoma late last year, and has been undergoing chemotherapy for the past few months,” paglalahad ni Chito.
“Despite his situation, he was relatively doing ok, and thought it would be best not to let everyone know what he was going through, because he didn’t want anyone worrying about him. So he continued playing with Parokya.”
However, pinayuhan na umano si Gab ng doktor na magpahinga kaya naman nagpasya silang mga ka-banda nito na hindi muna sila tutugtog.
“But soon after, he was advised by his doctor not to play gigs muna para makapag-pahinga,” aniya.
“I asked my bandmates na kung pwede, wag nalang din muna kami tumugtog habang wala si Gab.”
Pero si Gab daw mismo ang nagsabing ituloy nila ang pagtugtog habang nagpapahinga’t nagpapagaling siya.
“Pero kina-usap kami ni Gab and asked us to continue playing, because he doesn’t want us to stop playing just because we’re waiting for him to get better. So we did,” salaysay pa ni Chito.
“We owe it to Gab, and more importantly, to everyone na patuloy na sumusuporta sa Parokya, to continue playing.”
Sa ngayon ay nasa intensive care unit si Gab dahil sa lumala ang kondisyon nito dala ng pneumonia.
“Unfortunately, due to complications brought about by his condition, he is now battling pneumonia and was recently transferred sa ICU and has been intubated for more than a week already,” pagpapatuloy ni Chito.
“He was financially prepared naman for the chemotherapy…but now, his family needs help with the overwhelming hospital bills.”
Dahil dito ay nagpasya na silang humingi ng tulong sa mga may mabubuting loob.
“Initially, ayaw pa rin sana ni Gab ipaalam sa lahat kasi ayaw nya talaga makaabala sa iba…but because of the situation, his partner, Kha, and his brother, Raoul, convinced Gab to allow us to inform everyone, because it would be easier for everyone to ask for assistance if the people who loved him knew what was really going on,” saad pa ni Chito.
Sa kasunod na IG post n’ya ngayong araw, January 19, ipinaalam ni Chito na dumagsa ang nagmi-message sa kanya kung paano makakatulong kay Gab.
“Sorry pinost ko na kasi sooobrang daming nag-DM asking how to help Gab. Instead of answering them 1 by 1, pinost ko nalang ‘to para mas efficient tayo,” pahayag niya sa kanyang post kalakip ang isang QR code.
“Maraming maraming salamat talaga. Sobrang dami ng nag-reach out, wanting to help Gab,” he added.
“Kung may extra funds ka at trip mo din magpadala ng konting tulong (sobrang laking tulong nito for Gab, promise!!!) pwede kayo mag-transfer sa Gcash nya, or sa mga accounts na ‘to: BPI 2816006235 Gabriel Ignatius Chee Kee, Paypal: @chitomirandajr Alfonso Miranda,” pagtatapos niya.
Pabirong pahabol pa ni Chito, “[H]indi ko ibibili ng baril…ibibigay ko kay Gab, promise!.”
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Comments
Post a Comment