Celeste Cortesi, nabigong makapasok sa Top 16; Fil-Am na si R’Bonney Gabriel, itinanghal na Miss Universe winner


For the first time in 13 years, nabigong makapasok sa semi-finals ng Miss Universe competition ang isang Filipina candidate. Hindi na kasi umabante sa Top 16 ng kompetisyon ang pambato ng bansa na si Celeste Cortesi. Therefore, naputol na ang 12-year semi-final streak ng Pilipinas sa nasabing international beauty pageant na sinimulan ni Venus Raj way back 2010.

PHOTOS: Miss Universe via @TheMissUniversePH on Facebook & @rbonneynola on Instagram

For the first time in 13 years, nabigong makapasok sa semi-finals ng Miss Universe competition ang isang Filipina candidate. Hindi na kasi umabante sa Top 16 ng kompetisyon ang pambato ng bansa na si Celeste Cortesi. Therefore, naputol na ang 12-year semi-final streak ng Pilipinas sa nasabing international beauty pageant na sinimulan ni Venus Raj way back 2010.

Nabigo ang pambato ng Pilipinas na si Celesti Cortesi na maiuwi ang ikalima sanang Miss Universe crown ng bansa.

Bagama’t naging maayos ang ipinakita n’yang performance sa nagdaang swimsuit and evening gown preliminary competitions last January 11, hindi na umabante sa Top 16 ng patimpalak ang Filipino-Italian beauty queen sa grand finals na ginanap sa New Orleans, Louisiana, USA ngayong araw, January 15.

Ito ang kauna-unang pagkakataon in 13 years na hindi napasok sa semi-finals ng Miss Universe competition ang isang Filipina candidate.

Kaya naman naputol na rin ang 12-year semi-final streak ng bansa sa nasabing international beauty pageant na sinimulan ni Venus Raj way back 2010.

May words of encouragement naman si Catriona Gray na nagsilbing commentator sa pageant sa mga kandidata na hindi pinalad na makapasok sa Top 16.

“Guys, you are not alone. Philippines, Thailand, Mexico, Indonesia – I know you might be feeling a little bit of disappointment right now but we always have next year,” saad ng Miss Universe 2018 winner.

Sa huli, ang pambato ng USA na si R’Bonney Gabriel na isang Filipino-American ang itinanghal na Miss Universe 2022 winner.

You still made us proud, Celeste, and congratulations, R’Bonney.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Claire Castro, rumesbak sa “bastos” na basher ng sister niyang si Raffa

Jean Garcia, naiyak sa heartwarming birthday greeting ng anak niyang si Jennica

Love at the End of the World star Nico Locco signs up with the Viva Artists Agency