Angeli Khang, nilabag ang sariling limitasyon dahil sa tiwala kay Direk Mac Alejandre

Photos: Vivamax
Ang kakaibang pagtatangi daw ni Direk Mac Alejandre kay Angeli Khang ay nagsimula nang iparamdam nito ang buong-pusong tiwala sa kanya sa una nilang collaboration, ang Silip sa Apoy. Ikunumpara niya ang dalaga sa isang unpolished gem na ngayon ay nagniningning na ang husay sa pagganap.
Hindi na itinatanggi ni 2022 Wallachia International Film Festival Best Director MacArthur Alejandre na among the Vivamax sirens, pinaka-malapit talaga sa puso niya ang itinuturing ngayon bilang “Queen of Vivamax” na si Angeli Khang.
Ika-apat na tambalan na nila ang paparating na pelikulang Bela Luna. Nauna na ang Silip sa Apoy, Wag Mong Agawin ang Akin mini series, at Selina’s Gold.
Pero aniya, imbes na magsawa ay nagdadala ng kakaibang excitement sa kanya ang pakikipag-trabaho sa magandang Half-Korean actress.
Naniniwala raw kasi siyang bagama’t marami na ang pumupuri sa pagiging aktres nito ay marami pang puwedeng ibuga si Angeli pag dating sa acting.
Ang kakaibang pagtatangi daw niya kay Angeli ay nagsimula nang iparamdam nito ang buong-pusong tiwala sa kanya sa una nilang collaboration, ang Silip sa Apoy.
“Pag nakakakita ka ng gem tapos pag nakikita mo na rough pa lang siya, nae-excite ka, di ba?,” pag-a-analogy pa ng batikang direktor.
“Tinitingnan mo, hinahawakan mo, iniisip mo kung paano siya mapo-polish. Tapos bawat step kung paano ka makakatulong para ma-polish ang gem na ito, it keeps you getting excited. Hanggang nakikita mo na meron pang pagkakataon para siya pagandahin.
“Kapag nag-aalaga ka ng halaman you always water it. Tapos pag-uwi mo ng bahay galing sa trabaho, tinitingnan mo kung namulaklak na ba? Etcera. Inalagaan mo. Ganoon.”
Patuloy niya: “Tulad ng sinabi ko dati, Angeli will always have a special place in my heart because iyong ginawa niya sa Silip, I think, deserves na suklian ko iyong ganoong klaseng tiwala.
“Ang laki ng tiwala niya sa akin. Noong sinabi ko sa kanya na, ‘Hindi biro itong ginagawa natin sa Silip. Importante ito kasi maganda ang sinasabi ng pelikulang ito. Pinaniniwalaan ko ang sinasabi ng pelikulang ito…’ Tapos sumakay siya, e. Ang sabi niya sa akin, ‘Direk, gagawin ko ang lahat nang sabihin mong gagawin ko kahit nilalabag ko na ang sarili kong limitations kasi naniniwala ako sa sinasabi mo,'” pagbabalik-tanaw ni Direk Mac.
Sa Bela Luna, kapwa raw sila na-excite ni National Artist for Film and Broadcast Arts na si Ricky Lee, na “pahirapan” si Angeli by giving her a dual role. Alam daw kasi nilang kaya na nito.
Sa orihinal na konsepto, isa lamang dapat ang gagampanang role ni Angeli pero naisip daw nila ni Ricky na gawing dual ang papel nito para maipakita ang versatility ng aktres pagdating sa acting range.
“Parati kasi siyang api, diba? Dito may side na empowered naman siya,” lahad niya.
Ang Bela Luna ay kuwento ng dalawang magka-ibang babae na malaki ang koneksyon sa isa’t isa. Si Bela ay isang teacher at battered wife ng mas nakatatandang asawa na ginagampanan ni Julio Diaz; si Luna naman ay isang empowered city girl na may live-in partner na ginagampanan naman ni Kiko Estrada.
(Mark Anthony plays a special role as a hostage-taker/kidnapper na kai-in-laban ni Bela.)
Sa pagtatagpo ng kanilang landas, magbabago ang kanilang buhay.
Mapapanood na ang pinakabagong Angeli Khang-Mac Alejandre-Ricky Lee collab only in Vivamax simula January 27.
YOU MAY ALSO LIKE:
Vivamax top grosser Angeli Khang, nangangarap ding magka-wholesome movie
Angeli Khang, imbiyerna sa poser niyang ibinubugaw siya sa mga lalaki sa social media
Tunay na buhay ni Angeli Khang, mas makulay at mas mapait pa kesa sa mga roles na ginagampanan niya
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Comments
Post a Comment