Kung si Nadine Lustre ayaw makakita ng multo, co-actors niyang sina Jeffrey Hidalgo at McCoy de Leon, gustong mabuksan ang kanilang third eye?


Kahit game gumawa ng horror movie si Nadine Lustre ay hindi daw n'ya gustong makakita ng multo. Good thing, wala daw nagparamdam sa kanila habang sinu-shoot nila ang Deleter. Pero para sa mga co-star niyang sina Jeffrey Hidalgo at McCoy de Leon, gusto daw sana nila makakita.

PHOTOS: @nadine, @jepoyhidalgo, & @mccoydeleon on Instagram

Kahit game gumawa ng horror movie si Nadine Lustre ay hindi daw n’ya gustong makakita ng multo. Good thing, wala daw nagparamdam sa kanila habang sinu-shoot nila ang Deleter. Pero para sa mga co-star niyang sina Jeffrey Hidalgo at McCoy de Leon, gusto daw sana nila makakita.

Mukhang may kakaibang trip ang Deleter co-stars na sina Jeffrey Hidalgo at McCoy de Leon na gusto daw mabuksan ang kani-kanilang third eye para makakita ng multo.

Iyan ang nakakatawang inilahad nila kamakailan sa idinaos na grand media conference para sa paparating nilang pelikula na Deleter na kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon.

Nag-iisang horror movie entry ang Deleter sa MMFF this year kaya naman kinumusta ng entertainment press ang cast members ng pelikula kung nakaramdam ba sila ng kababalaghan sa set habang ginagawa nila ito. 

Ayon sa lead actress na si Nadine Lustre, hindi naman daw sila nagkaroon ng creepy experience while filming pero nakakatakot daw ang kanilang location set.

“Thankfully, wala naman po kaming na-experience, ’no? Pero ’yong location ko kasi namin, isang malaking…high rise s’ya na building. Office building po talaga s’ya. And then, a lot of the floors [ay] empty, so medyo creepy din talaga ’yong location namin,” lahad ng aktres.

Bukod pa doon, gabi pa daw sila kung mag-shoot dahil required na madilim sa set nila.

“Usually, we’re shooting late na. Kasi nagsa-start kami  2 o’clock onwards kasi nga po, kadalasan, madilim ’yong eksena namin since ’yon po ’yong kailangan sa pelikula,” pagbabahagi pa ni Nadine.

Pero so far, wala naman pong naka-experience sa amin, sa akin, personally.”

However, may nai-tsika daw sa kanila ang guard doon na may nagparamdam umano sa isa sa location set nila sa building.

Meron kasi, one time, I think this is the third to the last day of shooting po namin. ’Yong guard nagkuwento. Sabi n’ya, du’n sa first floor ng shoot natin, doon daw sa location na ’yon parang meron daw na babaeng umiiyak,” natatawang pagre-recall ng talented actress. 

Pero ’yon lang naman ’yong sinabi n’ya. Wala naman kaming na-experience.

Wala din umanong naramdamang kakaiba ang actor-singer and director na si Jeffrey Hidalgo sa set nila dahil sarado naman umano ang kanyang third eye. 

“Thankful ako na ’yong third eye ko sobrang close. Wala akong naramdaman na mga ganyan. Ang nagsasabi sa akin palagi ’yong manager ko na bukas na bukas ang third eye,” pagbabahagi n’ya. 

Pero kung s’ya daw ang masusunod ay gusto n’ya ring bukas ito.

Iyon lang naman. Walang first hand [experience]. Sana nga meron, e, para exciting. May maikukuwento sana tayo,” natatawang sabi n’ya. 

Ikaw na lang,” agad na komento ni Nadine sa ipinahayag ng kanyang co-actor. 

At gaya nina Nadine at Jeffrey, wala din daw nakitang nakakatakot sa set si McCoy de Leon. Kung p’wede nga lang daw ay gusto n’yang makita ng multo, personally. 

Sa akin, gusto ko makakita, e,” matapang na saad ng aktor. “I mean, ’yong mabait. Wag ’yong sa bad.”

Hirit naman ni Nadine sa kanya, “Hindi lahat [ng multo] mabait, McCoy.”

Ay wag na pala. Ayoko na lang,” biglang pihit ng guwapong aktor na ikinatawa ng press people. “Tatanungan ko [sana] ng [mananalong] lotto number.”

Anyway, iikot ang kuwento ng Deleter sa character ni Nadine na si Lyra, isang online content moderator na nagsasala sa mga ina-upload na graphics sa mga hawak na social media platforms ng pinapasukan n’yang kompanya.

Unknown to her co-workers, may sikretong itinatago si Lyra na pilit n’yang dini-delete na makakaapekto later on sa kanyang trabaho at personal n’yang buhay.

Aside from Nadine, Jeffrey and McCoy, kabilang din si Louise delos Reyes sa pelikulang Deleter which was directed by multi-awarded filmmaker Mikhail Red. 

Mapapanood ang Deleter simula December 25 sa mga sinehan nationwide.

YOU MAY ALSO LIKE:

Nadine Lustre, ni-real talk ang mga nagsasabing tumanda na ang kanyang mukha

Nadine Lustre, handa bang tanggapin ang titulong Horror Queen?

Nadine Lustre, gustong i-delete ang gastadora phase sa kanyang buhay

Nadine Lustre, hindi ide-delete sa memory ang nag-viral niyang stolen shot habang bumibili ng lechon sauce sa Siargao

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Claire Castro, rumesbak sa “bastos” na basher ng sister niyang si Raffa

Jean Garcia, naiyak sa heartwarming birthday greeting ng anak niyang si Jennica

Love at the End of the World star Nico Locco signs up with the Viva Artists Agency