Isko Moreno, proud sa pagiging maarugang tatay ni Joaquin Domagoso at sa pagiging happy baby ng apong si Scott


Ayon kay Isko Moreno, wala raw silang intensiyon na itago ang kanyang apo kahit noong panahon pa ng kampanya. Pero hindi rin naman daw sila ang tipo na ibabalandara pa ito sa publiko. “When we we’re asked during the campaign, yes. "'Bakit hindi n'yo sinasabi?' "'Bakit hindi kayo nagtatanong?' “We’re not there to deny," patuloy niya. "But I don’t think that my apo has an obligation. And Joaquin also for that matter. Sabi ko kay Joaquin, unless [you're] asked... but you don’t volunteer."

Photos: Rose Garcia / @elluhh.bear

Ayon kay Isko Moreno, wala raw silang intensiyon na itago ang kanyang apo kahit noong panahon pa ng kampanya. Pero hindi rin naman daw sila ang tipo na ibabalandara pa ito sa publiko. “When we we’re asked during the campaign, yes. “‘Bakit hindi n’yo sinasabi?’ “‘Bakit hindi kayo nagtatanong?’ “We’re not there to deny,” patuloy niya. “But I don’t think that my apo has an obligation. And Joaquin also for that matter. Sabi ko kay Joaquin, unless [you’re] asked… but you don’t volunteer.”

Nakaka-apat na best actor awards na mula sa iba’t-ibang International film festivals si Joaquin Domagoso dahil sa mahusay na pagganap niya sa kanyang pelikulang That Boy In The Dark.

At bilang ama ni Joaquin, hindi itinatago ni former Manila Mayor Isko Moreno ang kanyang pagmamalaki sa anak lalo pa’t hindi raw niya naabot ang awarded level sa kanyang karera bilang artista.

“Sabi nga nila, mas maganda raw talaga ang bunga,” natawang reaksyon ni Isko. “I’m proud of him because I have not achieved the level. Lahat ng artista siguro ang gusto, magka-award because that is the vindication of being an artist.

“I was nominated many times, pero matitindi naman ang mga nakakalaban ko no’ng araw. But I have never achieved what Joaquin has achieved. So, I’m proud of him and I hope, he’ll continue crafting his talents and to showcase, not only his good face but also being an artist as a profession.

“Kasi, p’wede naman talagang career. Nag-commit ka riyan, kakarerin mo. You add value and stars to showbiz industry—of Philippine showbiz industry na p’wede naman.

“I wish him good luck at sana, magtuloy-tuloy na talaga.” 

Kung gaano ka-proud si Isko sa anak bilang isang actor ngayon, gayun din naman daw niya ipinagmamalaki si Joaquin bilang isang tatay.

Matatandaang naging ama si Joaquin nito lamang April of 2022 nang manganak ang kanyang girlfriend na si Raffa Castro, nakababatang kapatid ng aktres na si Claire Castro.

“Ay naku, napaka-responsable,” pagmamalaki ni Isko kay Joaquin, the daddy. 

“Masayahin siya, palagi niyang inaalagaan ang anak niya. Sila sigurong mag-asawa. Maaruga siya at nakikita ko ‘yun sa kanya.”

Nitong nakaraang Kapaskuhan ay sa Batangas daw piniling mag-bakasyon ng Domagoso family. At doon raw niya mas nakita kung paanong mag-alaga ng kanyang pamilya si Joaquin. Marahil dahil daw dito kung bakit nakikita rin niyang masayahin ang kanyang first apo na pinangalanang Scott Angelo.

“Happy ako dahil smiling palagi ‘yung bata. Hindi iyakin.”

Kumusta naman siyang Lolo, spoiler ba?

“I think, any lolo will be happy to have a grandson or granddaughter. I’m very happy and I thank the Lord, this is a blessing.”

Ayon pa kay Isko, wala raw silang intensiyon na itago ang apo kahit noong panahon pa ng kampanya. Pero hindi rin naman daw sila ang tipo na ibabalandara pa ito sa publiko.

“When we we’re asked during the campaign, yes. ‘Bakit hindi n’yo sinasabi?’ ‘Bakit hindi kayo nagtatanong?’

“We’re not there to deny,” patuloy niya. “But I don’t think that my apo has an obligation. And Joaquin also for that matter. Sabi ko kay Joaquin, unless [you’re] asked… but you don’t volunteer.

“But we’re all very happy. ‘Di ba, ang normal, matakot? But no, sabi ko nga, never, ever underestimate the viewers. 

“Never ever underestimate your followers. A fan will always understand the situation and will see the humanity in you. Kasi, the more na nagiging normal ka, the better for everyone.”

Nakausap namin si Isko sa kanyang opisina sa Uptown BGC, ang location ng kanyang bagong high-tech na kumpanya, ang Scott Media, kunsaan involved din ang kanyang mga anak na sina Joaquin, Patrick, at Frances.

Ang Scott Media ay isang digital content creation company at isa sa unang projects nila ay ang digital talk show na pangungunahan din ni Isko, ang Isko-n-versations.

Excited si Isko sa bagong venture niyang ito dahil kahit umano wala na siya sa public service, ay makakapagbigay pa rin daw siya ng trabaho sa mga tao lalo na sa mga taga-industriya.

Bukod dito, nagbabalik-acting din si Yorme through Viva Films’ Martyr or Murderer kung saan siya ay gaganap bilang si late senator Ninoy Aquino.

YOU MAY ALSO LIKE:

Yorme Isko Moreno, kinabog na ng anak na si Joaquin Domagoso sa aktingan

Isko Moreno, kinumpirmang isa na siyang proud lolo sa anak ni Joaquin Domagoso

Pika’s Pick: Darryl Yap reveals Isko Moreno will play the character of the late Sen. Ninoy Aquino in his upcoming movie Martyr or Murderer

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Claire Castro, rumesbak sa “bastos” na basher ng sister niyang si Raffa

Jean Garcia, naiyak sa heartwarming birthday greeting ng anak niyang si Jennica

Love at the End of the World star Nico Locco signs up with the Viva Artists Agency