Queen of Kundiman Sylvia La Torre, pumanaw na sa edad na 89


Kabilang sa mga awitin ng namayapang music icon ang "Mutya ng Pasig"  (1952), "Arimunding-Munding" (1953), "Ako'y Kampupot" (1954), at "Kalesa" (1959). Napanood din siya sa mga classic films gaya ng  Maestra (1941), Biro ng Tadhana (1949), Ulila ng Bataan (1952), Buhay Pilipino (1952), Nukso nang Nukso (1960), at marami pang iba.

PHOTOS: @nepalesruben & @AMPDT on Facebook

Kabilang sa mga awitin ng namayapang music icon ang “Mutya ng Pasig”  (1952), “Arimunding-Munding” (1953), “Ako’y Kampupot” (1954), at “Kalesa” (1959). Napanood din siya sa mga classic films gaya ng  Maestra (1941), Biro ng Tadhana (1949), Ulila ng Bataan (1952), Buhay Pilipino (1952), Nukso nang Nukso (1960), at marami pang iba.

Sumakabilang buhay na ang TV and music icon na si Sylvia La Torre. She was 89.

Inilahad ng apo niyang Hollywood actress na si Anna Maria Perez de Tagle ang malungkot na balitang ito ng kanyang pagpanaw sa social media ngayong araw, December 2. 

Ayon sa Facebook post ni Anna, pumanaw ang kanilang lola kahapon ng umaga, December 1. 

“RIP to my grandmother, Ms. Sylvia La Torre Perez de Tagle.- First Lady of Philippine Television, Queen of Kundiman and Tandang Sora Awardee, devoted wife of Dr. Celso Perez de Tagle, loving mother, grandmother and great-grandmother, caring auntie, and affectionate friend, died peacefully in her sleep on December 1st at 7:02 am. At the time of her death, she was with her husband of 68 years and her children, Artie, Bernie and Che-Che,” she shared kalakip ang larawan nilang dalawa at ng kanilang pamilya.

Dagdag pa ng Filipino-American actress, ang legendary singer-actress umano ang pinaka-una niyang vocal coach at siyang naging music teacher niya magmula noong bata pa siya. 

“My grandmother was my first inspiration when it came to singing and acting. She was my first vocal coach and taught me all of her kundimans,” aniya.

“Thank you for passing on your love of music to me and I will surely continue your legacy. Gone too soon but always in our hearts. Your song has ended but your melody will linger on. Love you Mama Cita. 🕊🤍” pagtatapos ni Anna Maria.

Maraming nai-record na awitin ang namayapang music icon mula pa noong 1950s tulad ng “Mutya ng Pasig”  (1952), “Arimunding-Munding” (1953), “Ako’y Kampupot” (1954), “Kalesa” (1959), and more.

Napanood din siya sa mga classic films gaya ng Maestra (1941), Biro ng Tadhana (1949), Ulila ng Bataan (1952), Buhay Pilipino (1952), Nukso nang Nukso (1960), at marami pang iba.

Huli siyang napanood sa telebisyon sa comedy-drama series na Biglang Sibol, Bayang Impasibol sa GMA Network from 2001 to 2002.

Rest in Peace, Ms. Sylvia La Torre.

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Claire Castro, rumesbak sa “bastos” na basher ng sister niyang si Raffa

Jean Garcia, naiyak sa heartwarming birthday greeting ng anak niyang si Jennica

Love at the End of the World star Nico Locco signs up with the Viva Artists Agency