Ivana Alawi, date-date mode lang muna daw; "Ayoko nang mag-relasyon."

Ipinakilala ng Maximum 88 Corporation ang Kapamilya sexy actress at Top YouTuber na si Ivana Alawi bilang kauna-unahang ambassador ng Maxi Juice, isang all-natural healthy juice drink sa Platform Bar, Resorts World.

Sigurista pala si Ivana sa pagtanggap ng mga produktong ie-endorso niya. Bago daw pumirma ng kontrata ay susubukan muna niya, sampu ng kanyang pamilya, ng ilang buwan ang produkto at pag nasiyahan siya at pasado sa standard niya ay saka palang o-oo. Dumaan daw sa same process ang juice drink na inilulungsad niya.

 “Actually ako, important sa any products na ine-endorse ko, gusto ko siyang tina-try,” lahad niya. “Ita-try ko siya ng ilang buwan kung effective siya sa akin, effective sa family ko bago ako um-oo sa isang endorsement. ‘Yun ang importante sa akin.

“Gusto ko na effective ang product na ie-endorse ko. Kasi, if I don’t believe in the product, paano ko siya mae-endorse na totoo? Noong triny ko siya, nakita ko ang benefits,” saad niya about sa ine-endorsong juice drink. 

“One week of drinking lang, nakita ko na, ‘Ang ganda nito ah!’  So, dinire-diretso ko na siya. At sabi ko sa manager ko, ‘I love this juice.’”

Bukod sa na-maintain daw niya ang kaseksihan base sa timbang niya at sa kanyang vital statistics na 33 ½ -23- 33, may iba pa raw siyang nakitang epekto nito sa kanya.

“Sa akin, sa digestive, nararamdaman ko siya and also, nakaka-energized siya. At nag-lose ako ng weight. Kasi, ang takaw-takaw ko.

“Alam n’yo naman ‘yan, sa mga vlogs ko, grabe akong lumamon. Kapag stress ako sa shooting, grabe rin akong lumamon. So, importante sa akin na merong isang product na talagang effective para sa akin.  

“Na-feel ko talaga ang weight loss, nakaka-help siya, kasi hindi ako nagdyi-gym. Hindi rin ako nakakapag-diet. So, it’s all Maxi Juice.”

Bukod dito, mahina rin daw talaga ang immune system niya. Lalo na nga at lagare siya sa trabaho.

Meron siyang A Family Affair teleserye at nagsu-shooting din ng MMFF movie nila ni Vice Ganda na Partners in Crime.

“Talagang every day… like now, halos wala talaga kaming tulog. Kasi, every day ‘yung work namin. Taping, shooting, endorsement shoot. So, ‘yung isa talaga sa pinaka-paborito ko na nagde-depend talaga ko every taping, umiinom ako ng Maxi Juice.

“Kasi, sakitin ako, e,” pag-amin niya.

“Mahina ang immune system ko. So, I really drink Maxi Juice. And after no’n, hindi na ‘ko nagkakasakit. Lumakas ang immune system ko. Kapag nararamdaman ko na sinisipon na ‘ko, dalawang beses ako umiinom.” 

Hindi naman lingid din sa lahat na diabetic ang minamahal niyang bunsong kapatid na si Mona Alawi. 

At pinasubok rin daw niya kay Mona ang ine-endorsong Maxi Juice.

“Mona is diabetic and also my Mom, may mga health condition sila. Si Mona, nag-o-okay ang blood sugar niya. Kasi, she’s a Type 2 diabetic. Wala siyang sugar. Ang sweetener niya ay stevia. Mona drinks half [glass] a day. Sabay kami, ‘yun ang bonding namin. At sabi nga niya, ang ganda raw ng effect sa kanya,” pagbibida pa ni Ivana.

Kinumusta rin namin si Ivana kung siya ‘yung tipo na health conscious talaga, lalo na sa mga kinakain niya.

“Ako, hindi ako health conscious,” muling pag-amin niya.

“Kasi, I believe na ayokong ipagdamot ang mga kasiyahan ko sa pagkain. Pero, conscious ako sa tine-take at iniinom ko. Kasi, ‘yun ang tumutulong sa body ko.

“Especially ako, hindi ako nagwo-work-out, wala akong time na mag-work out—pero, hindi ko nire-recommend ‘yon [na di mag-workout]. Basta ang important sa akin, organic at all natural ang iniinom ko.”

Samantala, wala raw planong lumabas ng bansa si Ivana ngayong Kapaskuhan kahit pa saktong birthday din niya ang December 25. Obligado kasi s’yang mag-promote ng official entry nga niya sa 2022 Metro Manila Film Festival.

Just the same, tinanong na rin namin  ang birthday wish niya.

“Ang birthday wish ko, matapos na ‘tong pandemic at makabalik na tayo sa normal. At maging masaya tayong lahat,” saad niya.

Praning si Ivana noong pandemic. At dahil doon, halos tatlong taon siyang hindi tumanggap ng trabaho. Ironically, sa nakaraang tatlong taon naman siya masasabing sumikat talaga lalo na sa social media. Ang kanyang YouTube Channel ay meron na ngayong 16.1 million subscribers, making her the Top YouTuber among the local stars.

Ano ang mga naging realizations niya tungkol dito?

“I think, dapat ano, enjoy your blessing and always na tumulong ka sa ibang tao. ‘Wag kang magdamot. Kasi, life is so short.

“Dapat talaga enjoy your life and live life to the fullest. ‘Wag kang tumapak ng ibang tao. Don’t hurt other people. Just enjoy your life.”

Bagama’t naging successful sa career, hindi raw niya inaasahan talaga ang lahat ng mga nangyari at nangyayari sa buhay niya ngayon.

“Hindi… ine-expect ko magiging housewife na ‘ko. ‘Yung in five years, housewife na,” natatawang tsika niya.

Tinanong tuloy namin siya kung gano’n pa rin ba ang mindset niya.

“Ngayon, ayoko nang mag-relasyon,” sabi niya.

“Gusto ko, date-date lang. Hangga’t nae-enjoy ko ang work, work. Tapos date-date kapag may time.”

Bakit ayaw na niya ng relasyon?

“Hindi naman sa ayaw, pero wala pa ‘yung tamang tao. Gusto ko na kapag papasok ako sa relasyon, ‘yan na ang asawa ko.”

YOU MAY ALSO LIKE:

Na-delete na Facebook page ni Ivana Alawi, naibalik na!

Ivana Alawi, dismayado nang alisin ang verified Facebook page at business page niya kahit wala naman umanong violations

Ivana Alawi, ginawang milyonarya ang ina in less than one minute!

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Jean Garcia, naiyak sa heartwarming birthday greeting ng anak niyang si Jennica

Claire Castro, rumesbak sa “bastos” na basher ng sister niyang si Raffa

Love at the End of the World star Nico Locco signs up with the Viva Artists Agency