10 all-time favorite OPM Christmas songs ng mga Pinoys

Iba ang dating at tunog ng mga original Filipino Christmas songs.
Pagsapit pa lang ng “ber” month sa Pilipinas, maririnig mo nang pinapatugtog ang mga Christmas songs sa radyo, sa mall, at kahit sa ating mga tahanan.
Patunay lang na may halaga ang diwa ng Pasko sa ating bansa at kahit na ang mga OFW at mga nakatira na sa ibang bansa, marinig lang nila ang Pinoy Christmas songs ay pakiramdam nila ay nasa Pilipinas na sila.
At kahit pa maraming kasabayang banyagang classic Christmas tunes, iba pa rin ang haplos sa atin ng mga OPM Christmas songs. Iba ang dalang nostalgia, kumbaga.
Kaya naman nilista namin ang ilang Filipino Christmas songs na sinulat ng Pinoy at paboritong kantahin o patugtugin tuwing Kapaskuhan…
“ANG PASKO AY SUMAPIT”
Heto ang madalas na marinig na Christmas song sa pagpasok pa lang ng “ber” months at laging paumpisang awit ng mga nagka-caroling.
Originally composed in 1933 nila Vicente D. Rubi at Mariano Vestil, unang titulo ng “Ang Pasko Ay Sumapit” ay “Kasadya ning Taknaa” na ang ibig sabihin ay “How Blissful is this Season”. Isa ito sa pinakasikat na Cebuano Christmas Carol sa Visayas at Mindanao.
Ang Tagalog version nito, by Josefino Cenizal, ay ginamit bilang marching song in 1938 para sa pelikulang Ang Pugad Ng Aguila.
In the 50s, ang National Artist na si Levi Celerio ay lumikha rin ng Tagalog lyrics para sa “Ang Pasko Ay Sumapit” na siyang naging popular na Christmas song ng nagpasali-saling henerasyon at magpa-hanggang ngayon.
https://www.youtube.com/watch?v=JGB4OJmNBcg
“NOCHE BUENA”
Composed by Felipe de Leon at mula sa lyrics ni Levi Celerio, unang lumabas ang Christmas song na “Noche Buena” in 1965.
Naging popular Christmas song na ito dahil sa pagkakasulat ng lyrics na may kinalaman sa mga hinahanda ng mga Pinoy tuwing noche buena tulad ng lechon, tinolang manok, tinapay, at keso.
https://www.youtube.com/watch?v=m75pEYKBECI
“HIMIG NG PASKO”
Ang 1981 Christmas song na ito ay sinulat at nilapatan ng musika ni Serapio Ramos at unang inawit nila Jim Paredes, Buboy Garovillo at Danny Javier na mas kilala bilang APO Hiking Society.
Naging inspirasyon ng “Himig Ng Pasko” ay ang malamig na hanging amihan na nararamdaman ng Pilipinas tuwing sumasapit ang ber months.
https://www.youtube.com/watch?v=yrWCuNkaM7w
“PASKO NA NAMAN”
Isa pang paboritong kantahin ng mga carolers ay ang 1976 Christmas song na “Pasko Na Naman” na mula sa panulat ni Levi Celerio at musika ni Felipe de Leon.
Ginamit din ito bilang two-part paso doble carol na in-arranged for band and choral accompaniment for chamber orchestra ni Lucio D. San Pedro in 1976. Madalas na gamitin ito noon bilang panghuling awit sa misa de aguinaldo.
https://www.youtube.com/watch?v=Rjvc9wGBVA4
“PASKO NA, SINTA KO”
Mula sa 1986 Christmas album ni Mr. High Energy Gary Valenciano na From Gary, Merry Christmas, naging national anthem ang “Pasko Na Sinta Ko” ng mga magsyota at mag-asawa tuwing sasapit ang Pasko.
Ang composer ng music ng “Pasko Na Sinta Ko” na si Francis Dandan ay sumakabilang-buhay na noong 2001.
Nagkuwento pa noon si Gary tungkol sa istorya ng classic Christmas song na ito:
“Mahilig ang mga Pilipino sa makabagbag damdaming kanta, e, kaya pansinin mo ‘yung kanta ko noong 1980s pa sa dulo lang tumataas ang boses ko kasi we want to keep it solemn.”
Wala pang social media noon at radio lang at TV ang venue para makilala at marinig ang mga kanta ni Gary noon. Hanggang ngayon, na panahon na ng social media, nakatawid ang kanyang kanta na may simpleng mensahe.
“Nu’ng una siyang lumabas, grabe ang impact,” balik-tanaw ni Gary V. “At that time, radio is the number one thing. Lagi tinutugtog sa radio November pa lang. Ngayon, September pa lang maririnig mo na.
“Kaya hindi ko binabago yan sa performances ko. Even the minus one I use, ‘yun pang ginamit ko noong 80s kasi best as original as possible.”
https://www.youtube.com/watch?v=jR7wMPv86Xw
“MISS KITA KUNG CHRISTMAS”
Ang original singer ng 1979 Christmas song na “Miss Kita Kung Christmas” ay ang kilalang Queen of Visayan Songs na si Susan Fuentes.
Mula sa lyrics ni Fe M. Ayala at music ni Hermie Uy, naging big hit ang “Miss Kita Kung Christmas” dahil sa sentimental nature ng mga Pinoy tuwing sasapit ang Pasko, lalo na roon sa mga malalayo sa kanilang minamahal tulad ng mga OFWs.
Nagkaroon ng iba’t ibang cover versions ang “Miss Kita Kung Christmas” tulad na lang ng kay Rico J. Puno, Sharon Cuneta, APO Hiking Society, Aiza Seguerra, Ronnie Liang, at Sarah Geronimo.
Pumanaw si Susan Fuentes noong taong 2013.
https://www.youtube.com/watch?v=GVCY5-pztOw
“KUMUKUTI-KUTITAP”
Ang paboritong contest piece tuwing Pasko ng mga carolers at choir members ay ang “Kumukuti-Kutitap” na collaboration nila Ryan Cayabyab at Jose Javier Reyes noong 1987.
Whimsical ang tunog ng “Kumukuti-Kutitap” dahil dine-describe nito ang kulay, ingay, kislap at kasiyahan na nakikita at nararamdaman ng marami tuwing Kapaskuhan.
Unang lumabas ang recording ng “Kumukuti-Kutitap” sa 1987 Christmas album ni Joey Albert na Maligayang Pasko. Nakailang cover versions na ito na ginawa ng The Company, Elkie West, Viktoria, Melissa de Leon, and Joanne Lorenzana.
Ginagamit din ang “Kumukuti-Kutitap” sa mga Christmas-themed movies, TV shows, at TV commercials.
https://www.youtube.com/watch?v=C_vHuUO9u3U
“CHRISTMAS IN OUR HEARTS”
The most played Filipino Christmas song of all-time ang “Christmas In Our Hearts” na collaboration ng singer-songwriter na si Jose Mari Chan at Rina Caniza.
Ni-release ito bilang carrier single ng album with the same title noong November 1990 at unang OPM album na makatanggap ng Diamond Record Award. In 2006, nakatanggap ito ng Double Diamond Record Award with over 600,000 units sold.
To date, “Christmas In Our Hearts” is the biggest-selling album in the Philippines with over 800,000 units sold. Dahil sa achievement na ito kaya tinawag si Jose Mari Chan bilang “Father of Philippine Christmas Music.”
Kinuwento ni Chan kung paano at bakit niya sinulat ang “Christmas In Our Hearts” na nagsimula bilang isang poem in 1988.
“Tinawagan ako one day [ng kaibigan ko] and sabi niya gumawa daw siyang poem which they were going to use in their alumni homecoming. Ang title is ‘Ang Tubig Ay Buhay’ because that was their advocacy. So, I set the poem to music word for word, ginawa kong melody. Nagustuhan nila. They used it in their alumni homecoming.
“Two years later, Universal Records suggested to me, ‘Joe why don’t you come up with your own Christmas album?’ So, what I did, I compiled some of my favorite Yuletide songs as I was growing up. But of course, we needed an original Christmas carol. Natandaan ko ngayon ‘yung melody ng ‘Ang Tubig Ay Buhay.’ It sounds catchy and it could sound Christmas-y.
“One Sunday morning, palabas kami from mass, there was a young lady who ran up to the car. ‘Mr. Chan, this is my card. My name is Rina. I am an aspiring songwriter. Sana one day makapag-collaborate tayo.’ I kept her card. When I got home, I thought maybe I should call her. So, I called her, I gave her the melody.”
First two choices ni Chan para maka-duet sa “Christmas In Our Hearts” ay sina Lea Salonga at Monique Wilson. Pero parehong hindi puwede ang dalawa. Hanggang sa may nag-suggest na ang anak niyang si Liza ang maka-duet niya.
“I don’t remember who it was who suggested, ”Di ba your daughter also sings sa school?’ So, I went to her room and said, ‘Liz, what are you doing? Can you learn this song?’ She was 19. We recorded it the next day. It was really meant to be a father-daughter song. Perfect combination for Christmas.”
https://www.youtube.com/watch?v=oVVdNWX_5Go
“SANA NGAYONG PASKO”
Isa ring Christmas anthem ng mga magsing-irog ang “Sana Ngayong Pasko” na inawit ni Ariel Rivera na mula sa kanyang unang Christmas album na Paskong Walang Katulad in 1993.
Mula sa composition ni Jimmy Borja, kuwento ng “Sana Ngayong Pasko” ay ang lungkot ng pag-iisa at pagiging malayo sa iyong minamahal. Nagkaroon ito ng iba’t ibang cover versions mula kina Sarah Geronimo, Moira dela Torre, Erik Santos, Juris, Daryl Ong, Jed Madela, at Lea Salonga.
Ginamit din bilang titulo ng kauna-unahang Krismaserye ng GMA-7 ang Sana Ngayong Pasko na pinagbidahan ni Susan Roces noong 2009.
https://www.youtube.com/watch?v=LolJJHZYpOw
“CHRISTMAS WON’T BE THE SAME WITHOUT YOU”
Isa sa parating gustong awitin ng lovers tuwing Pasko ang “Christmas Won’t Be The Same Without You” na sinulat ni Martin Nievera. Bagama’t English ang lyrics, marami pa rin mga Pinoy ang nakaka-relate sa awitin na ito.
Ito ang first single mula sa kanyang unang Christmas album na A Martin Nievera Christmas in 1988.
Malungkot man ang lyrics, pero may mensahe ng pag-asa ang naturang Christmas song.
Ang kuwento ay sinulat ito ni Martin para sa dating misis na si Pops Fernandez. Niregalo naman daw ni Pops ang song sa kanyang amang si Eddie Fernandez. Para raw ito sa mga Pasko na hindi nakasama ni Pops ang kanyang ama noong makulong ito for 13 years.
Pumanaw si Eddie Fernandez noong 1993.
https://www.youtube.com/watch?v=gS-pwomkLtM
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Comments
Post a Comment