Robin Padilla, binalikan kung paano siya ginawang "bida" ni Boss Vic del Rosario


Sa kanyang pagdalaw sa Viva office, napa-throwback si Senator Robin Padilla sa panahong una siyang nabigyan ng big break sa showbiz. "Alam ninyo ho, noong araw kontrabida lang ako, e. Pero si Boss Vic ang naniwala sa akin, 'Hindi, p'wede kang bida.' Sabi ko, 'Boss, hindi naman ako pogi, e' 'Hindi kailangan ng pogi, ang kailangan may dating.'"

Photos: Melo Balingit

Sa kanyang pagdalaw sa Viva office, napa-throwback si Senator Robin Padilla sa panahong una siyang nabigyan ng big break sa showbiz. “Alam ninyo ho, noong araw kontrabida lang ako, e. Pero si Boss Vic ang naniwala sa akin, ‘Hindi, p’wede kang bida.’ Sabi ko, ‘Boss, hindi naman ako pogi, e’ ‘Hindi kailangan ng pogi, ang kailangan may dating.'”

Noong Biyernes ng hapon, November 11, sa mismong araw ng pagdiriwang ng ika-41st anniversary ng Viva, ay dumating sa Viva office sa Pasig ang isa sa malaki ang nai-contribute sa success ng Viva Films, ang action star-turned senator na si Robin Padilla.

Likewise, malaki rin naman ang nai-ambag ng Viva sa katauhan at karera ni Robin.

Sa kanyang mini-speech sa tabi ng kanyang mahal na si Boss Vic del Rosario, ang founder ng Viva, sinabi niyang galing pa siya sa Visayas pero hindi raw niya maaring tanggihan ang paanyaya ni Boss Vic kaya’t hindi maaring hindi siya magbigay-pugay sa espesyal na araw na yon.

“Kahit nasaan ako, kahit na galing pa ako ng Visayas pagka si Boss Vic ang nagpatawag, kahit na tumatakbo, Boss dadating ako para sa’yo, Boss,” aniya sa Viva topman. 

Binalikan din niya ang mga panahong una siyang pinagkatiwalaan ni Boss Vic.

“Magandang hapon po, Boss, ang nag-iisang sultan ng pelikulang Pilipino, ang aking tatay, ang gumawa sa akin, nagbigay ng break…” panimula nya. “Alam ninyo ho, noong araw kontrabida lang ako, e. Pero si Boss Vic ang naniwala sa akin, ‘Hindi, p’wede kang bida.’ Sabi ko, ‘Boss, hindi naman ako pogi, e’ ‘Hindi kailangan ng pogi, ang kailangan may dating.'”

“E, malakas ang dating niya diba?” singit ni Boss Vic na nasa tabi ni Senator Binoe. “Number one, number one…”

Ibinahagi din ni Senator Binoe sa mga naka-trabaho niya sa Viva noon at sa mga members of entertainment press na nandoon na si Boss Vic ang una nyang tunakbuhan para hingan ng advise bago niya tuluyang suungin ang pagtakbo sa pagka-senador.

“Saka alam ninyo po, nu’ng tatakbo ako, wala naman akong planong tumakbo dahil ewan ko ba, e, ako po ay nautusan ng ating mahal na pangulong si Rodrigo Roa Duterte… pumunta po ako dito sa Viva… 

“Sabi ko, Boss [Vic], pa’no ba itong gagawin ko? Kailangan kong manalo. Ayoko naman matalo. Isa lang sabi ni Boss Vic, ‘Wag kang magpanggap na pulitiko. Kailangan ipakita mo ang tunay na Robin Padilla. Walang kaplastikan. Wag kang magpakatalino. Ipakita mo lang na ang puso mo ay nasa pelikula.’

“Kaya ayon po, wala akong ginawa Boss kundi kumanta lang,” dagdag na biro niya na ikinatawa ng lahat.  “Tinalo silang lahat dahil sa ‘Wonderful Tonight. Hahaha! At ngayon, I feel wonderful tonight.” 

“Bukod sa ‘Wonderful Tonight,’ may mga tumulong sa’yo…kasama na si Megastar Sharon Cuneta, kasama si Kris Aquino, kasama na si Vina Morales…” sundot na biro din ni Boss Vic sa kanya.

“Boss, padami nang padami yan, ah!” sakay naman ni Robin.

“‘Yon nga ang turo mo Boss, e,” balik ni Robin. “Kailangan maging past, present or future man kailangan walang galit sa’yo. Yan ang mga katuruan po ng ating Boss Vic,” patuloy ni Robin pertaining to the women in his life na nabanggit. 

At dahil nabanggit niya ang “Wonderful Tonight,” naudyukan tuloy siyang kantahin ang Eric Clapton original. Game naman si Senator Binoe. Naghahanap pa nga ng minus one. Pero ayon kay Boss Vic, mag-a cappella nalang umano siya.

Dagdag-k’wento pa niya matapos kumanta: “Dahil dito [sa kanta] nag-number One ako. Sabi ni Boss Vic, wag kang gumawa ng mahabang speech. Kumanta ka lang, solve na. Maraming maraming salamat po. I love you all!”

Indeed, he topped the poll matapos ang bilangan last May elections.   

YOU MAY ALSO LIKE:

Senator-elect Robin Padilla, handa ng makipag-debate sa plenaryo dahil nahasa na sa asawang si Mariel Rodriguez; “Sa asawa ko lang, araw-araw [ang debate], e.”

Senator Robin Padilla, nag-200/150 ang blood pressure sa Espanya; “Nagdilim ang paningin ko, hilong-hilo ako.”

Robin Padilla, sinundan ang pamilyang nagbabakasyon sa Espanya

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Jean Garcia, naiyak sa heartwarming birthday greeting ng anak niyang si Jennica

Claire Castro, rumesbak sa “bastos” na basher ng sister niyang si Raffa

Love at the End of the World star Nico Locco signs up with the Viva Artists Agency