Josef Elizalde, aminadong nakatikim ng droga noong kabataan niya


Hindi ikinaila ng aktor na si Josef Elizalde na growing up ay naranasan din niya ng mag-explore ng maraming bagay kasama na ang tumikim ng drugs. “Di ko naman masasabi na na-experience ko exactly 'yong the same sa movie [na Alapaap]. Pero I’ve been to…s'yempre, it’s normal naman 'yong party crowd na may mga ganoon naman talaga. Hindi naman talaga maiiwasan 'yon. Ako naman talaga, honestly, it’s just part of growing up as a person and whatever you experience, it helps you define who are as a person,” aniya.

Photos: Vivamax

Hindi ikinaila ng aktor na si Josef Elizalde na growing up ay naranasan din niya ng mag-explore ng maraming bagay kasama na ang tumikim ng drugs. “Di ko naman masasabi na na-experience ko exactly ‘yong the same sa movie [na Alapaap]. Pero I’ve been to…s’yempre, it’s normal naman ‘yong party crowd na may mga ganoon naman talaga. Hindi naman talaga maiiwasan ‘yon. Ako naman talaga, honestly, it’s just part of growing up as a person and whatever you experience, it helps you define who are as a person,” aniya.

Unang pagkakataon na nakatrabaho ng dating PBB Housemate na si Josef Elizalde ang Cannes award-winning director na si Brillante Mendoza. Ito ay sa pelikulang Alapaap  na prinodyus nito through his Centerstage Productions para sa Vivamax.

Ani Josef, isa raw karangalan para sa kanya ang maka-work ang internationally-renowed director.

“S’yempre, very memorable experience siya. Lahat ng natutunan ko along the way, s’yempre I will treasure it for life,” lahad sa amin ni Josef nang makatsikahan naming saglit sa special screening ng Alapaap.

Hindi naman daw niya first time magtrabaho ng walang script, na siyang style ni Direk Dante na naipasa n’ya sa Alapaap director na si Freidric Macapagal Cortez, dahil maging FPJ’s Ang Probinsyano rin na nasalihan niya ay hindi rin nag-i-script ang actor-director nilang si Coco Martin—na isang ring protégée ni Direk Dante.

“Pero s’yempre, sa TV ‘yon. Iba  naman kapag sa film dahil kokonti lang kami,” patuloy n’ya. “So, you really have to give your best. Sa simula, nahirapan talaga ako, pero as we go along the way, nakapag-adjust din kami noong makuha na namin ‘yong flow ng karakter namin at ‘yong story. May [story] guide naman si Direk kung ano ang gusto niyang makuha sa bawat eksena.”

Sa Alapaap, ginagampanan niya ang papel ni Eric, isang drug-dependent filmmaker na inimbita ang kanyang mga kaibigan at nobya para gawan ng documentary ang  isang tribu sa Mindoro as his thesis. Magiging bangungot ang kanilang karanasan sa kanilang engkuwentro sa nasabing tribu pagkatapos nilang maka-inom ng isang hallucinogenic potion na mas matindi ang tama kaysa sa mga drogang tinitira ng tropa nila.

Aniya, nakaka-relate raw siya sa karakter ni Eric dahil pinagdaanan din niya ang naging journey nito.

“Nakaka-relate ako not as a filmmaker but as a student when I was still in college. Iyong naranasan ko na naranasan din ni Eric. Actually, ‘yong karanasan niya is what a normal student experiences in college on a daily basis. Kung paano sila nako-control ng family nila, ‘yong mga pinagdadaanan nila sa buhay, ‘yong indecisive sila kung ano ang gusto nila at kung ano ang gusto nilang maging at pati na ‘yong maraming life lessons nila,” paliwanag niya.

Hindi rin niya ikinaila na growing up ay naranasan din niya ng mag-explore ng maraming bagay kasama na ang tumikim ng drugs.

“Di ko  naman masasabi na na-experience ko exactly ‘yong the same sa movie. Pero I’ve been to…s’yempre, it’s normal naman ‘yong party crowd na may mga ganoon naman talaga. Hindi naman talaga maiiwasan ‘yon. Ako naman talaga, honestly, it’s just part of growing up as a person and whatever you experience, it helps you define who are as a person,” bulalas niya.

Gayunpaman, hanggang tikim lang naman daw ang kanyang naging exploration sa droga at hindi naman daw umabot sa puntong na-hook o nalulong siya sa anumang ipinagbabawal ng gamot.

Aminado rin si Josef na ang pelikula ang maituturing niyang pinakamapangahas na pelikulang nagawa niya lalo na’t marami silang orgy scenes sa nasabing pelikula.

“Maraming pasabog itong Alapaap especially each character ay may kanya-kanyang pasabog. I would consider it to be my boldest film,” kuwento niya.

Samantala, feeling nasa alapaap din si Josef ngayon dahil patuloy ang pamamayagpag niya sa paggawa ng pelikula ngayong taon.

“Well, I’ve been in the industry for so long and I think this year sobrang nag-boom ‘yong career ko kaya I’m thankful to Viva and Vivamax. I’m really blessed, honored, and overwhelmed with all the blessings,” pagtatapos niya. 

Mula sa konsepto ni Brillante Mendoza at sa direksyon ni Freidric Macapagal Cortez, kasama rin sa cast ng Alapaap sina Katrina Dovey, Ali Asistio, Andrea Garcia, Cheska Paredes, Alona Navarro, Chad Solano, at Luke Selby; and with specal participation ni Angela Morena.  Streaming na ito sa Vivamax sa Biyernes, Nobyembre 18.

YOU MAY ALSO LIKE:

Josef Elizalde sa joke na siya na ang “bagong prinsipe” ng Vivamax: “Alam naman natin lahat na si Marco Gumabao pa rin.”

Exclusive: Yosef Elizalde, kayang gawin lahat sa pagpapa-sexy wag lang daw muna man-to-man love scenes

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Claire Castro, rumesbak sa “bastos” na basher ng sister niyang si Raffa

Jean Garcia, naiyak sa heartwarming birthday greeting ng anak niyang si Jennica

Love at the End of the World star Nico Locco signs up with the Viva Artists Agency