Dingdong Dantes, reregaluhan ng restaurant ang asawang si Marian Rivera


When asked kung kagaya ng floral business ni Marian Rivera na Flora Vida na iniregalo niya sa asawa a few years back ay ireregalo rin ba niya ang kanyang Mesa branch sa magaling na magluto niyang wifey, napatawa si Dong dahil nasira na raw ang surprise. "Surprise sana, e, kaya lang sinabi n'yo na," napa-iling na saad niya. "Pero oo naman."

Photos: Anna Pingol

When asked kung kagaya ng floral business ni Marian Rivera na Flora Vida na iniregalo niya sa asawa a few years back ay ireregalo rin ba niya ang kanyang Mesa branch sa magaling na magluto niyang wifey, napatawa si Dong dahil nasira na raw ang surprise. “Surprise sana, e, kaya lang sinabi n’yo na,” napa-iling na saad niya. “Pero oo naman.”

Just recently ang ni-renew ng Mesa Restaurant ang endorsement contract nila with actor Dingdong Dantes, who has been the establishment’s brand ambassador for four years.

Kasabay to ng kanilang Road To 100 [Stores by 2025] campaign, na naantala daw dahil sa pandemic. At present, they have 70 branches na.

Of course, Dingdong is thrilled dahil aminado naman siyang foodie siya mula pagkabata at deeply-rooted sa kanya ang classic Filipino flavors na siyang pambato ng Mesa.

“I believe in the brand hindi lang dahil nandito ako to represent them pero talagang growing up, isa akong foodie and mahilig talaga ako sa classic Filipino flavors, especially now kapag may twist siya,” tsika ni Dingdong.

“And especially during the pandemic, ‘yong Mesa talaga ‘yong parati naming go-to food. It’s now part of our lives. Malaking bahagi ng buhay namin ang Mesa kaya moving forward, kailangang markahan na yan forever by store No. 88.”

Ang tinutukoy ni Dingdong ay ang ipina-reserba niyang slot sa mag-amang Eric at Rikki Dee ng FooDee Global Concepts, ang company behind Mesa. Papasukin na raw niya soon ang food business by owning a Mesa branch.

Malamang may kinalaman sa numerology ang pagpili ni Dong sa Store No. 88 but when asked why, mag-iipon pa raw muna kasi siya.

“Ngayon kasi 70 [stores] na, kung 71 baka masyado akong magahol…mag-iipon muna ako. Mabilis dumami, e.”

Kung sakali raw, malamang ay outside Metro Manila ang piliin niyang location. Pag-aaralan pa raw niya sa tulong ng mag-amang Dee. Ayon kay Dong, kahit matagal na n’yang gustong pasukin ang food business, wala daw siyang lakas ng loob dahil nakita niya raw sa mga Dee kung gaanong tutok ang kailangan nito.

“Hindi siya madaling negosyo, e. But with their guidance, baka kayanin na.”

Dingdong ang the Dees won’t divulge kung magiging bahagi ba ng deal nila sa Store No. 88 na iyon na ang maging bayad ni Dong as an endorser o kaya naman ay at least kalahati. Pero sabi nga ni Dong, mag-iipon pa raw siya.

Ayon kay Mr. Eric Dee, Dingdong was instrumental para mas makilala ang restaurant at brand nila and they are renewing him because he embodies what Mesa represents.

“Dingdong, more than an endorser, became a friend,” lahad ni Eric Dee. “He’s one of the most humble people I know, and he’s very thoughtful. He embodies what we want Mesa to represent, which is a wholesome family man. That is why we wanted to continue with him and grow through 100 stores with him.”

Sa part naman ni Dong, whose favorite Mesa dishes are the Crispchon and Laing 2 Ways, hindi siya nagdalawang-isip na makipag-renew dahil naging saksi daw siya sa mga kawanggawa ng Mesa noong panahon ng lockdown. Napakarami raw naipamahaging pagkain ng Mesa sa mga frontliners at nasabi nya sa sariling he’s in good company.

“Ang nagsu-survive talaga ‘yong may malasakit,” ani Dong tungkol sa Mesa na na-survive ang pandemic. “I’m very honored to represent a brand whose values and passion kumbaga, ‘yun din ang gusto ko, ‘yun din ang meron ako. Kaya nagpapasalamat ako sa kanila na patuloy ang tiwala nila sa akin…Sana this will go beyond the 100th [store] kasi sabi ko nga, forever na dahil sa [Store No.] 88.”

When asked kung kagaya ng floral business ni Marian Rivera na Flora Vida na iniregalo niya sa asawa a few years back ay ireregalo rin ba niya ang kanyang Mesa branch sa magaling na magluto niyang wifey, napatawa si Dong dahil nasira na raw ang surprise.

“Surprise sana, e, kaya lang sinabi n’yo na,” napa-iling na saad niya. “Pero oo naman.”

Samantala, nabanggit na rin lang si Marian, natanong na rin ng press ang poging Family Feud host kung may maibabahagi ba siyang tip sa ibang mag-asawa para mapanatiling matatag ang relasyon. Come December 30 kasi ay papatak na sila sa kanilang ika-8th wedding anniversary at napapanatili naman nilang ideal ang kanilang pagsasama.

Ani Dong, isa sa mahalagang sangkap ng kanilang relasyon ang pagiging mag-best friend nilang dalawa.

“Kailangan parating mag-best friend ang turing namin sa isa’t isa. kasi darating ang araw na tatanda rin kami, baka that time wala na [sa amin] ang mga anak namin. nag-move out na sila. So, kailangan, magkaibigan kaming solid.

“‘Yong talagang ine-enjoy namin ‘yong kids together and new things to do. We explore ‘yong mga bagong kailangang gawin na nakaka-excite sa amin. Mga ganoong bagay ba. ‘Yon ang aming ginagawa para mapanatili ‘yong strength ng relasyon.”

YOU MAY ALSO LIKE:

Dingdong Dantes, hinangaan sa malumanay na pagpapaliwanag sa nambarang netizen

Pangalan ni Dingdong Dantes at ng Family Feud, ginagamit ng mga scammers; publiko, pinag-iingat

AKTOR Chairman Dingdong Dantes sa issue ng K-Drama ban: “We should take inspiration from the economic framework of their [Korean] entertainment industry without copying the creative output.”

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber


Comments

Popular posts from this blog

Claire Castro, rumesbak sa “bastos” na basher ng sister niyang si Raffa

Jean Garcia, naiyak sa heartwarming birthday greeting ng anak niyang si Jennica

Love at the End of the World star Nico Locco signs up with the Viva Artists Agency