Christian Bables, muntik nang talikuran ang showbiz noon dahil sa tampo
It was sometime in 2021, pangalawang taon ng Covid-19 pandemic, nang makaramdam ng tila emptiness ang premyadong aktor na si Christian Bables.
Unknown to many, even to his closest friends in the entertainment industry, nagplano na pala siyang tumungo ng Amerika at magsimula ng bagong buhay doon. However, bakasyon lang ang paaalam n’ya sa mga malalapit sa kanya.
Buti nalang at naantala ang pagbili niya ng “one-way ticket” to the US nang pumasok sa Metro Manila Film Festival 2021 ang pelikula niya Big Night, which eventually gave him the MMFF 2021 best actor award. Pinakiusapan daw kasi siya ng Big Night director na si Perci Intalan na i-postpone muna ang kanyang “bakasyon.”
Narito, in part, ang laman ng balik-tanaw post niya sa Instagram noong December 28, 2021:
“Humihina ang kapit ko sa noong siguradong rason at purpose kung bakit ko gustong umarte or maybe, somewhere along this chaotic times, the joy of giving life to a character has become unfamiliar.
“I was planning to move to the US. Create a new life or maybe continue to pursue my passion in acting. Dala siguro ng anxieties dahil sa pandemya. But God moves in mysterious ways The day i was deciding to book a one way flight to the US, nag message si direk perci pasok daw ang Big Night sa MMFF. Ipagpaliban ko daw muna ang pag alis ko, na ang akala ng lahat ng pinagpaalaman ko ay bakasyon lang
“When i finally saw our film, i was reminded of my purpose. I was reminded of how fulfilling it is to give life to Dharna. The joy of being the character. And the triumph my heart and soul feels whenever i give voice to the likes of Barbs, Intoy, Samuel, Chef Calix, Iron, etc. Hindi ko alam kung ano ang plan ni God, pero isa lang ang naging klaro sa akin. Gusto kong patuloy na makapaghatid ng mga mensaheng makakabuluhan through my art. Dito sana sa bansa natin, para sa bansa natin, kung patuloy mabibigyan ng pagkakataon.”
Muli naming binuksan kay Christian ang topic na yan ng makapanayam namin siya exclusively kamakailan. We asked kung gaano ba ka-down ang naramdaman niya that time para maisip niyang lisanin, hindi lang ang bansa, kundi maging ang showbiz.
Matagal bago nakasagot si Christian.
As if weighing his words carefully, inamin niyang talagang bumigat ang pakiramdam niya noong mga panahong iyon and he attributes a huge part of it sa pandemic.
But half of it came daw from the feeling of being unappreciated.
“Paano ko ba ie-explain?” napabuntong-hingingang panimula niya.
“I somehow felt unvalued sa ating industriya dahil…ewan ko, dahil din siguro dala lang no’ng pandemic. Hindi ko alam kung totoo ba yong naiiisip ko?
“During that time kasi, sa isip ko, parang mas nabibigyan ng pahalaga ‘yong body of work ko, sa ibang bansa kaysa dito,” patuloy niya. “And I felt that and I saw that doon sa mga pelikula kong naipapalabas sa ibang bansa. So, napatanong ako. ‘Bakit sa ibang bansa ako nase-celebrate [tapos] dito sa Philippines…not that I’m not grateful for all the things na binibigay sa akin ng industriya. I am so grateful. But, umm…’yung ano lang ba…’yung pagiging valued and celebrated, sa ibang bansa ko siya nararamdaman.”
(Indeed, Christian’s acting has been recognized in such countries as Rome, Vietnam, the US, and more.)
Lalo raw niyang naramdaman ang pagka-undervalued nang makatanggap pa siya ng isang offer na tila uminsulto sa kanyang kakayahan.
“No’ng panahong naisip ko ‘yon, meron akong naging offer na...Oh, my gosh, nahihiya akong ikuwento…na-ano ako…kaso kahit papaano, I know naman my worth as an actor, I know what I can give as an actor. Siguro lahat naman tayo merong karapatan to know what’s best for us and what’s not.
“During that time, I was offered to be a ‘sidekick’ of this actor…I have nothing against bit roles but please…You know I can do better than that. Please naman, value my worth. That’s my dilemma during that time.”
In short, tinanggihan n’ya ang offer dahil pakiwari niya ay hindi naman siya mayu-utilize nang tama as an actor doon.
“Kasi alam ko kung ano ‘yong capabilities ko. And again, hindi sa nagtataas ako ng sarili kong bangko,” pagllinaw niya.
Dagdag pa niya, sayang lang daw ang budget ng producer sa kanya kung ganoong role lang—bagama’t hindi na niya dinetalye kung ano—ang ipapagawa sa kanya.
“Sasayangin n’yo ang bayad n’yo sa akin kung hindi n’yo ako ima-maximixe.”
Pero buti nalang at na-uplift ng mga achievements ng Big Night—na up to now ang nangongolekta ng parangal at nominations—ang feelings n’ya at nagbago ang desisyon niya.
Plus, maganda ang naging pasok ng 2022 sa kanya at magsasara rin ito nang puno ng blessings. Una na riyan ang paparating niyang pelikula na Mahal Kita, Beksman na sa sinehan ipapalabas. At excited na rin siyang maging bahagi ng Dirty Linen ng ABS-CBN/Dreamscape dahil iiwan niyang muli ang mga beki roles for this teleserye.
And speaking of beki roles, technically ay hindi beki ang role niya sa Mahal Kita, Beksman. Lumaki lamang siya sa piling ng unconventional parents (played by Keempee de Leon and Katya Santos).
Beki ang naging pagpapalaki sa kanya ni Papshikels (Keempee) kaya akala n’ya ‘yon ang norm. He, as Dali, has beki moves and identity pero straight ang kanyang puso na ikinagulat ng lahat.
Thus, here’s another hilarious but sensitive take on an LGBT story from the creators of Die Beautiful, The Panti Sisters, and Big Night—ang The IdeaFirst Company.
Mahal Kita, Beksman, “a movie about love and identity that celebrates being straight as much as being gay” comes in cinemas nationwide beginning November 16.
YOU MAY ALSO LIKE:
Christian Bables, umaming nabiktima ng “Popstar Meal” fan-made ad
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Comments
Post a Comment