Phoebe Walker accepts Livescream for a chance to work with the mutli-awarded Elijah Canlas
Hindi na bago sa magaling na aktres na si Phoebe Walker ang paggawa ng horror film. Katunayan, paboritong genre niya ang horror dahil dito siya nanalo ng award bilang best supporting actress para sa pelikulang Seklusyon ni Erik Matti noong 2016 Metro Manila Film Festival.
Ilan pa sa nagawa niyang pelikula at serye sa genre na ito ang Panday, Tabi Po: The Horror Series, Ukay-Ukay, at Kagat Ng Dilim.
Dagdag pa niya, mahilig din siyang manood ng lahat ng klase ng horror/thriller films gaya paranormal, monster, slasher, zombie, psycho, vampire, found-footage, demonic possessions at iba pang sub genres. Name it, and type niya ’yon.
Ilan sa mg paborito niya among the gory films or may dark themes na napanood niya ay ang Saw movie series, Hostel, Game of Thrones, at Vikings the series.
Kaya naman hindi na siya nagdalawang-isip nang i-alok sa kanya ang pelikulang Livescream na co-production ng Viva Films at ng The IdeaFirst Company.
Isa raw sa kunsiderasyon niya kaya niya tinanggap ang role niya sa Livescream—na isang vlogger na ka-tandem at girlfriend ng isa pang ma-epal na vlogger played by Elijah Canlas—ay dahil sa kakaibang kuwento nito at sa pagiging napapanahon ng tema.
“When I read the script, kakaiba siya kasi wala akong naalalang ganitong klaseng film locally that delves into the horror and gore. I think, it’s also relevant in a way because it talks about content creators,” aniya.
Dagdag pa niya, sobra rin daw siyang na-challenge dahil first time niyang makakatrabaho ang multi-awarded young actor na si Elijah Canlas.
“Grabe. At first, I can’t imagine myself working alongside with him. Sabi ko nga, ang bata niya sa akin, parang pedophilia. Hahaha!,” biro pa niya.
“He’s already achieved so much and won awards at a young age and I admire him for that. Iyong award ko was in 2016 pa. So, sabi ko baka kinakalawang na ako. But I wanna challenge myself in working with him. Sobra rin akong piniga ni Direk Perci [Intalan] sa mga eksena especially towards the climax. And I felt privileged to be working with a high-caliber filmmaker like him,” mahabang papuri niya Kina Elijah at Direk Perci.
Samantala, may konti pa ring sexy rin na maituturing si Phoebe dito sa Livescream and she doesn’t mind naman daw basta’t nakikita niyang relevant sa story ang pagdi-disrobe nya.
However, hindi na raw niya kayang makipagsabayan pa sa mga umuusbong na Vivamax girls lalo na ’yong mga sobrang tapang na kayang magpasulyap ng langit.
“I’ve been doing these for so long,” aniya. “I want to do sexy scenes na relevant sa story. Iyon din ang laging tanong ko kapag gumagawa ako ng sexy, makatutulong ba ito sa career ko? If it does, sige; pero kung hindi, I think it’s not for me.”
“I’m still okay with sexy image, patuloy niya. “Doing love scene and kissing is fine. But iyong magpapakita ako ng ano, I’m not into it. I’m still willing to do sexy scenes pero huwag lang sobra-sobra. Nag-usap na kami ng pamilya ko, even my boyfriend. The most daring I did was Gayuma for QCINEMA with Benjamin Alves.”
Sa Livescream, ginagampanan ni Phoebe ang papel ni Amanda, ang girlfriend ni Exo (Elijah) at magka-collab sila as content creators or vloggers.
Sa kagustuhang makapagbigay ng kontrobersyal na content sa kanilang vlog, magre-resort sila sa prank na mama-magnify at magbo-boomerang sa kanila nang bonggang-bongga dahil literal na madugo ang pelikula.
Mula sa direksyon ni Perci Intalan, tampok din sa Livescream sina Kat Dovey, Lucky Mercado, Bob Jbelli at maraming iba pa.
Ang twisted slasher film na ito ay mapapanood on demand sa Vivamax Plus simula Nobyembre 9.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Comments
Post a Comment