Maricar Reyes-Poon, inabot ng 13 years bago tuluyang naka-move on sa kinasangkutang eskandalo noon

Photos: @maricarreyespoon
Maricar Reyes-Poon says it took her a long time—13 years exactly—to heal from the controversy na kinasangkutan niya noong 2009. Proseso umano to kaya ang payo nya sa mga kagaya niyang may pinagdadaanan: “Be patient with your process
It’s a MARATHON not a sprint.”
Mag-iisang buwan na mula nang inilabas sa market ang librong sinulat ni Maricar Reyes-Poon, simply titled Maricar, kung saan isa sa tinalakay nya ang tungkol sa kanyang kinasangkutang isyu ng sex scandal noong 2009 na pinagpistahan sa internet. Moreover, tinalakay niya doon kung paano sya nakabangon mula sa krisis na ’yon.
Aniya, labing-tatlong taon siyang nanahimik ukol dito to give herself time to heal. Now, she can finally speak about it minus the pain.
Sa kanyang September 30 Instagram post to announce the book’s launch, narito ang kanyang sinabi: “2009 – the year when a crisis changed my life. 13 years have passed and I’ve chosen not to talk about it…until now.
“Today, I’m finally telling my side of the story — how I bounced back from the darkest chapter of my life.
“Be one of the first to know about my journey towards overcoming online shame.”
Dagdag pa n’ya, sinulat n’ya ang libro dahil alam umano n’yang maraming makaka-relate sa pinagdaanang n’yang online-shaming at nais umano n’yang maka-inspire sa mga ito.
“I hope my story will help or inspire you to find a way out of your dark situation, whatever that may be. Remember, you are not alone and there is always a way out. Laging may SOLUSYON
”
Sa product description naman ng libro na matatagpuan sa kanyang website, narito ang nakasaad:
“In 2009, Maricar was involved in a crisis that destroyed her reputation. For years she chose to keep quiet about the specifics of what she went through. Speaking out back then would do more harm than good.
“But now it’s time to share her story for women who feel devastated, hopeless and want to heal.”
However, dahil tungkol nga ito sa healing, may disclaimer agad sila na wag umanong umasa ang mga tao ng juicy details. Hindi rin umano naglahad ng specific name si Maricar.
“However, this is not a tell-all ‘maritess’ chismiss book. No embarrassing details were revealed here about any specific person.
“This book focuses only on Maricar’s long journey and process of healing. Maricar wants to let women know that they are not alone in their struggles. There is always hope and a way out of any dark situation.”
Baguhan palang sa showbiz si Maricar nang maganap ang krisis na ito sa kanya.
Personally, tandang-tanda pa namin na solo namin siyang na-interview noon bilang bagong pasok siya sa seryeng I Love Betty La Fea na pinagbidahan nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz.
Inalam namin that time kung paano siya napasok sa showbiz at nabanggit nga niya na nakita siya ni dating Star Magic honcho na si Johnny “Mr. M” Manahan pagkatapos nya ng isang VTR. Commercial model kasi talaga siya at that time. But when Mr. M asked to join Star Magic ay hindi naman daw siya nagdalawang-isip na subukan ito.
Doctor by profession si Maricar at sa Ateneo de Manila siya kumuha ng pre-med na Bachelor of Science in Biology; habang sa University of Santo Tomas naman siya nagtapos ng pagdu-duktor niya.
Kung hindi siya napadpad sa showbiz, maaring hindi siya nasangkot sa sinasabi n’yang “darkest moment” ng buhay niya; pero maaring hindi rin nya nakilala ang napangasawang balladeer na si Richard Poon.
Anyway, sa kanyang pag-i-Instagram Live naman last October 13, muling nabanggit ni Maricar na it took her a long time to heal. Proseso umano to kaya ang payo nya sa mga kagaya niyang may pinagdadaanan: “Be patient with your process 
It’s a MARATHON not a sprint.”
“If you guys are going through something na mabigat or something na mahirap and you don’t know how to solve it, there’s really a process.
“And don’t be too hard on yourself if you feel like ang tagal. Kasi ako nga 12 years bago ako naging okay enough to really talk about it,” patuloy ni Maricar.
Marami nga raw humihingi ng payo sa kanya noon pa man sa social media at ang iba ay nagdi-DM [direct message] pa. Pero pakiramdam nya ay wala pa siya sa posisyong magpayo noon.
“Their crisis might not be the same as mine exactly pero meron din silang pinagdadaanan na mabigat. They wanted help… how to I get over this? How do I forgive this person? How do I forget all these bad things na nangyari sa akin?
“Sobra akong na-heartbroken when I heard these things from them when they send me DM’s sa social media pages ko. Pero at that time hindi ko alam kung paano sila sagutin kasi ako mismo 2013 [when] I got married na mukha naman akong okay pero there’s a lot of stuff inside of me na hindi ko pa nawo-work out,” pagtatapat niya.
“Things were not as clear to me enough to teach. So, minsan di ba pag may humihingi sa’yo ng advise tapos hindi mo naman magawa ’yung sarili mong advice? It felt like that.”
Kung inakala daw ng mga tao na okey na siya noong 2013 after marrying, hindi p rin daw.
“Kung magbibigay ako ng advice back in 2013, hindi rin siya magiging buo. Kahit ako rin hindi ko rin magawa ’yung gusto kong gawin. So, it took 12 years for me to write this book.”
Pawang mga five-stars ratings at positive feedback ang nabasa namin mula sa mga nakabili ng nasabing libro ni Maricar na published ng RM Publishing na pag-aari nila ng asawang si Richard Poon.
Sa kasalukuyan ay mina-manage ni Maricar ang kanyang cake and pastries business at patuloy pa ring nagbibigay ng payo sa Facebook page nilang mag-asawa na Relationship Matters Ph na sa ngayon ay meron ng 862k followers.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Comments
Post a Comment