Kuya Kim Atienza, nasaksihan ang trahedyang naganap sa Itaewon, Korea; Miss Universe-PH creative director na si Jonas Gaffud, kasali sa naipit
Sa hindi inaasahang pagkakataon, nasaksihan ni Kuya Kim Atienza ang naging trahedya sa Itaewon District sa Seoul, South Korea kunsaan nasawi ang higit 151 na tao, kasama ang 19 foreigners, dahil sa isang stampede na nagsimula sa overcrowding.
Nasa South Korea si Kuya Kim bilang news correspondent ng GMA News program na Dapat Alam Mo! na nagse-celebrate ng kanilang first anniversary.
“We were here for DAM anniversary, natiyempo lang ang stampede. God bless their souls,” sabi ni Kuya Kim sa isa sa mga posts niya sa Instagram.
Sa panayam kay Kuya Kim ni Arnold Clavio sa GMA morning show na Unang Hirit, nabanggit nito na nasa Itaewon sila para sana i-cover ang taunang okasyon.
“Pumunta kami roon noong isang gabi para i-cover siya ng isang masayang event kasi ito ’yung annual Halloween Parade, kung saan daang libo ang dumarating.
“Ang information namin, dahil nga katatapos lang ng pandemic and two years nilang hindi ginawa ito, more than 100,000 ang dumating na kabataan.
“Mayroong isang eskinita na nanggagaling doon sa train station, ’yung Itaewon Stop. Paglabas na paglabas mo sa stop, mayroong eskinitang napakakitid at pababa. Pupunta sila sa main Itaewon avenue, main Itaewon street, kung saan nandoon ang parada.
“So, pumasok sila doon sa eskinita at parami nang parami ang kabataan sa eskinita papunta sa main Itaewon avenue. Kaso, hindi nila alam na punung-puno na ang Itaewon Avenue dahil nandoon ang parade.
“Therefore, naipit sila nang naipit, naipon nang naipon ang mga kabataan doon sa maliit na eskinita hanggang nagkaroon na ng tinatawag nating ‘crowd crush.’
“Mayroon kasing ilang uri ng stampede, may fast stampede, kung saan nagtatakbuhan ang mga tao. Ito, ’yung crowd crush, hindi makausad ang mga nasa harapan at parami nang parami yung mga tao sa likuran, so naipit na nang naipit nang naipit hanggang sa nawalan na ng hininga, inatake na sa puso. Most sa mga namatay ay nandoon sa pinakaharap ng eskinita, ganu’n ang nangyari.”
Napansin nga raw ni Kuya Kim na walang nagku-control sa malaking crowd sa may eskinita. Ngayon lang daw kasi nagkaroon ng gano’ng kalaking crowd sa Itaewon District.
“Noong nandoon kami, walang crowd control at naging very complacent ang gobyerno ng Korea.
“Kasi, every year ginagawa ito. Nagkataon lang na this year, dumoble ang dami ng mga kabataang pumunta because two years na-repress, e, two years na wala itong world-famous na Halloween Parade.”
Samantala, naging saksi rin sa naganap na trahedya ang beauty queen maker at creative director ng Miss Universe Philippines na si Jonas Gaffud.
Sa Facebook ay kinuwento ni Jonas na nasa Itaewon District siya kasama ang kanyang grupo para maki-Halloween. Pero nauwi raw ang lahat sa nakakatakot na stampede at nagpapasalamat si Jonas na walang nasaktan sa kanila kahit muntik-muntikan na silang mapahamak.
Heto ang post ni Jonas sa FB:
“Warning, lengthy post: ALL 8 of us who went to Itaewon are safe.
“Reading all about the news now on what happened in Itaewon. It got scary when I thought I would die during the stampede.
“I was near an ambulance and I was hoping I could escape. But I was at the end so everyone was pushing each other towards me and I was pushing against the ambulance.
“I was holding Cheska Summer’s hand who was holding Mau De Leon. Then I lost both and I heard Cheska shouting: Mama!!!!! I was lost pinned against the ambulance.
“I did not see Vince Lenard Marcelo and Prince Argel Saycon anymore but they were struggling somewhere too. James Reyes Marv Ayao got separated from our group. We were actually holding each other’s hands. I was relying on my shield and sword.
“Then I heard another familiar voice calling me. It was Eljohn Mendoza. I told him: ano na gagawin natin? Then I saw a slim girl who went in between the ambulance and another car. So I just followed her. Kumasya kami. I mean pang 24 inch waistline lang kasya. And if I were caught in between the cars, at tuloy ang stampede, wala na. Miracle talaga kumasya kami eh ang kapal ng suot ko. House of Targaryen pa kunwari ang costume ko!
“We left the area, looking at all the ambulance etc. I decided to enter a club and got a table. Kinaya pa diba? Nag inarte pa: I want a table! But it was so exhausting.
“We decided to go home, walked and waited for a cab for almost an hour. People were calling us if we were safe. Hindi talaga namin alam yung gravity ng situation pa rin sa sobrang dami ng tao kasi.
“Sa taxi, yun na mga news. And back in our room, now ko lang nakita yung nangyari talaga.
“That day we went to buy our costumes for Halloween. I already told the group I really don’t feel like going there as told by my friends. But not wanting to be the “kj”., I said sige punta na tayo.
“I never thought it would be worse with so many people who died. I am really thankful, we were all able to get out of this situation and my deepest condolences to the beareved families.”
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber
Comments
Post a Comment